PROLOGUE

636 25 0
                                    

Boom!

"Urgh, por pabor! It hurt so bad!" 

I made a really wrong move right there, 'di ko natansya nang maayos ang taas ng balcony ko pababa sa ground floor. Kinapos yung kumot na pinagtagpi-tagpi ko at feeling ko rin ay nabalian ako ng buto.

Kung minamalas ka nga naman talaga, oo. Napapala ng pagmamadali.

Luha-luha kong pinilit na tumayo habang sapo-sapo ang aking palaupuan at balakang. Hanggang dito ba naman ay napakaarte mo, Artemis.

Kinuha ko na lang ang aking bag at isinukbit ito sa aking balikat. Hindi ko na lamang ininda pa ang sakit ng aking balakang at palaupuan sa kadahilanang baka may makakita pa sa akin dito, mas pahirapan na sitwasyon 'yon kapag nagkataon.

Nang makapunta na ako sa likod-bahay ay agad kong tinungo ang malaking puno roon at dali-daling umakyat sa sanga nito bago tuluyang tumalon paakyat sa pader na katapat lamang. Masyadong mahirap at makapigil-hininga pero kayang-kaya.

When I finally balanced myself on top of it, I spread my arms in familiar manner. To be honest ginagaya ko lang yung sa Titanic kasi masyado akong inggitera—but on the other hand, hindi nakakainggit ang istorya nila kasi nga tragic. I'm not into tragedy rin, lalo na't kasuklam-suklam ang reality ko at ayoko na dagdagan pa.

Well, moving on, ang sarap ng hangin dito. Although it's already a winter season, the beauty of it couldn't scape my eyes. This season is really ethereal, breathtaking.

Kalaunan ay napukpok ko rin ang aking sarili. It's not the right time to admire your surroundings, Artemis.

I took a deep breath nang makumpirma kong walang tao bago tuluyang tumalon pababa. Hindi halata pero takot ako sa heights, siguro dala na rin ng adrenaline rush kaya ang tapang ko. Lalo na't itong ginagawa ko ngayon ay isang kalapastanganan sa aming pamilya.

Nang tuluyan na akong makababa ay agad na rin akong kumilos palayo. I need to hurry. Hindi nila ako p'wedeng mahuli. I don't want to see blood before I leave this place一

"Hey, who are you!" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nanatiling statue sa aking p'westo. Damn, ito na nga ba ang sinasabi ko. I was jinxed by my own thoughts.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang mapakalma ang aking sarili. Fuck this sucker for frightening the hell out of me.

"Huh?" Angang response ko rito. Sino ba naman kasing tanga ang magdudulas sa sarili niya? Baka sumigaw pa 'to at magtawag ng back-up kapag nalaman nito kung sino ako, I'm not a fool to let that happen.

"Hey! How did you enter here一Lady一!" Hindi ko na ito hinayaan pang isigaw ang aking pagkatao at agaran ko rin itong hinampas sa kaniyang tagiliran ng dala-dala kong bag.

Try mo mag-shut the fuck up challenge, boi. Mas magiging peaceful pa buhay mo.

Ngunit nang matauhan ay agad din itong umamba—woah, gaganti sa 'kin. Bakit halos lahat na lang ng tao dito ay mga mangmang. They are embarrassing me to be honest.

Hindi ko na ito hinayaan pang makaganti at agad na inagaw sa kan'yang tagiliran ang dagger na nakasabit doon, which only place a grin on my lips.

Hinayaan kong maglakbay sa kaniyang katawan ang dagger na aking hawak-hawak. I tease him for a while before tuluyan itong itinarak sa kaniyang tagiliran.

"Lady A一" Was what he can only uttered under his breath. Halata rin ang pagkagulat sa kan'yang nagbibilugang mata. His emotions were well written in it, he can't believe what I did to him.

I pierce it deeper before finally pulling it out. I don't feel any remorse or sympathy, lalo na nang tuluyan itong sumuka ng dugo.

Nagkalat na naman ako, may dugo na namang dumanak. Yet I don't give a damn and he should thank me instead as I amended his sins. Hindi na madadagdagan pa ang mga kasalanan niya sa mundong ibabaw, he should be grateful for my rare act of kindness.

"You didn't learn." Huling wika ko rito bago tuluyang tinahak ang daan palayo sa pinangyarihan. Idaan niya na lang sa prayer kamalasan niya, 'yon ay kung pakikinggan siya ng ikatataas.

His fate ends here. He ask for it.

***

Nakatitig ako sa mga taong dumadaan habang naghihintay sa aking flight. Kinakabahan ako sa desisyon ko sa totoo lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ba ito kayang panindigan.

Peke lahat ng gamit kong papeles, buti nga walang nakapuna kasi ako lang din ang mamomroblema. Kung emosyon ang pag-uusapan ay sobrang bigat para sa'kin ang lahat ng ito. Wala akong ibang paraan para tuluyang makawala sa mga magulang kong mapang-abuso.

Since mag 5 year-old ako, my toys are unusual and deadly; it was a set of guns and blades. There was even a martial art session. Minulat nila sa 'kin ang mga bagay na hindi nararapat sa aking edad. Hindi ko man lang na-enjoy ang childhood ko, pinagkait ba naman nila sa 'kin.

Nagawa ko na ring ungkatin sa kanila ang dahilan kung bakit kailangan kong gawin mga 'yon, kaso mailap. I can't get any answer from them. They even reason out na it was for my own good, self-defense lang daw. Pero kahit anong turing nila sa 'kin bilang isang mangmang ay sinasampal na naman ako ng realidad, sinampal na naman ako nito kung anong klaseng pamilya nga ba ang meron kami. Tinanggap ko parin kahit mahirap sikmurain—not until that day came.

I was only a junior high when they start giving me missions. At putangina! I can't accept it. Hindi ko matanggap kung saang klase ng larangan nila ako hinubog! They want me to dispose someone. Pati sarili kong konsensiya ay pilit nilang pinagkakaitan sa akin.

Hawak-hawak ko ang gatilyo habang nanginginig ang mga tuhod na nakatutok sa target. I can't do this. Mangiyak-ngiyak ako nang hindi na ako hinintay pa ng mga tauhan ni Papa at tuluyan na nila itong binaril.

They shoot him at the center of his forehead. Karumaldumal na eksena pero hindi man lang nila ako hinayaang mag-react at agad na iniuwi sa amin. Nang tuluyan na akong makauwi ay agad akong pinapunta nila Papa sa torture room. Hindi ko nagawa ang pinapagawa nila sa 'kin kaya dapat handa na ako sa parusa.

Hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang mga mata ni Mama na hindi nababalot ng anumang emosyon habang pinapanood akong ilatigo. Doon tuluyang pumasok sa isip ko kung anak pa ba ang tingin nila sa 'kin o isang robot na kailangan ay sunud-sunuran sa kanilang utos.

Padagdag nang padagdag ang taon ay palala rin nang palala ang mga dinidikta nila sa buhay ko. 

Nang nasa tamang edad na ako ay hindi parin sila naawat sa kanilang kahibangan. Tuluyan nilang kinuha sa 'kin ang kalayaan na pumili ng makakasama habangbuhay.

I don't want that marriage to happen. Ayokong maitali sa taong hindi ko mahal at tanging sa pangalan ko lamang kilala. Estranghero lamang siya sa aking pananaw at ayaw kong maitali sa gano'ng paraan. I'm anxious of something too, pakiramdam ko'y isang malaking pagkakamali ang makasal sa ibang lalake.

Kalaunan pa nga ay hindi na ako nagdalawang-isip na tuluyang tumakas. Hindi ko hahayaang habangbuhay na lang nila akong tali sa leeg. Hindi ako isang hayop para habangbuhay nilang ikulong sa kanilang nakakasukang mundo at hindi ako isang robot para gawin nilang sunud-sunuran sa kanilang pang-aabusong hangarin.

Despite all those heart wrenching things that they did to me, hindi parin nauubos yung pagmamahal na meron sila sa 'kin. Ngunit buo na ang desisyon ko. This time wala nang makakapigil sa 'kin. Sarili ko naman ang aking pipiliin.

Hindi kahibangan ang lumaban para sa iyong pansariling kapakanan bagkus ito ay kahanga-hanga. I love them as a parent but I despise them as a human being.

Their dictatorship ends right here.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon