DEINA POV
Sa isang park ako dinala ng mga paa ko. Di ko nga namalayan na dito na ako napunta sa layo nito sa school namin. Kung sumakay ba ako papunta dito o ano basta nandito na lang ako. Tulala at umiiyak. Naupo ako sa isang swing sa isang playground habang inaalala kung paano ko nakilala si Dillan.
Mula noong 15 years old pa lang ako kilala ko na si siya dahil magkaibigan ang Mama ko at Mama niya. Bagong lipat kami noon habang binababa at inaayos ang gamit namin nina Mama't Papa may dumating na isang ginang familiar ang mukha nya kung di ako nagkakamali yung kaibigan ni Mama na nag-offer ng bahay na to.
"Evelyn." Tawag niya kay Mama sabay beso at ganon din ang ginawa nito sa kanya. " kumusta kayo rito? " mukhang di pa ko nakikita.
"Ellena." Si Mama. "Thank you talaga dito ang ganda talaga kahit unang tapak ko pa dito noong chineck namin to ni King noong isang Linggo ang gaan agad ng pakiramdam ko.
"Ohh Ellena nanjan ka pala." Sabay beso rin ni Papa kay Tita. "Josie paki handa nga nung cake at juice may bisita. " tawag ni Papa sa kasambahay namin. "Ikaw lang ? Si Rupert?" Kay Tita.
"Andun sa bahay may kausap na kliyente . Kilala mo naman yun ayaw iwan ang trabaho kahit Linggo ,sabi ko nga pumunta kami rito ngayon para makita kayo. Sabihan ko na lang daw kayo na mamayang gabi kung pwede magdinner tayo di nya daw kasi maiwan ang katawagan nyang kliyente yun nga kung hindi naman daw nakakaabala sa inyo mamaya." Tumingin si Tita sa gawi ko ngumiti siya kaagad sakin. Tinignan din naman ako ng mga magulang ko sabay tawag sakin.
" Deina halika rito hija. " si Papa " siya si Tita Ellena mo , kaibigan namin ng Mama mo." Pagpapakilala ni papa.
"Ay si Deina na pala to ehh kay gandang bata maliit ka pa noong nakita kita ngayon ang laki laki mo na hija. " sabay hila ni Tita sakin at halik sa pisngi. "Sa tingin ko magkakasundo kayo ng bunso ko. Ay teka nga nasaan na pala yun. " sabay linga ni Tita sa kung saan "Teka hija tatawag lang ako sa bahay." Sabay excuse nya samin tatlo sabay pindot sa phone nya hinihintay may sumagot. " Si Dillan nanjan ba? Aii nako yang batang yan. Oh sige yun lang . Salamat Kuring sige bye." Binaba na nya ang tawag . " pasensya na alam ko kasi sumunod yun kanina sakin ." Baling nya kina Mama. " By the way later tonight can we have dinner together . " baling ni Tita sa min at tingin sakin na may magandang smile. Ang ganda pala ni tita.
"Okay Ellena pero hindi pa ayos ang bahay namin. " si Mama.
"No it's okay sa bahay na lang namin, I insist . Parang welcome gift na lang din namin ni Rupert to sa inyo . Malulungkot ako pag tumanggi kayo. " sabay pout ni Tita ..ang cute nya.
Nagtinginan sina Mama at sabay silang nagsmile ni Papa kay Tita.
"Sige see you later then. " si Papa
"Ooookay !" Tuwang tuwa si Tita . " Mula dito sa kaliwa sa pangatlong bahay yun na ang bahay namin , 6pm sharp hihintayin ko na lang kayo o papasundo kayo? "
"No no no! Walking distance lang naman ehh pupunta na lang kami ."
"Okay so mauna na ko ha? Yes atlast sa mahabang panahon hindi tayo nagkita magkasama na ulit tayo. " beso ulit kay mama at kay papa ganon na rin sakin. Sabay paalam nya.
Dumaan ang oras 5pm na ng hapon ng sinabihan ako ni Mama na magready na . Naligo ako sa kwarto nakalaan sakin paglabas ko nasa kama ko na ang paborito kong blue na dress. Habang nag-aayos kumatok si Mama na bihis na bihis na pumasok at inayos nya ang mahaba at paalon kong buhok. Hinayaan ni mama na nakalugay ito at nilagyan ako ng hairbond na may palamuti ring kulay blue. Paglabas namin around 5:45pm naglakad na kami papunta kina Tita Ellena . Nagulat ako sa laki ng bahay nila kung bahay nga ba yun ang laki sobra. Pinapasok na nila kami. Dinala na nila kami sa dining area nila. Kung gulat na ko sa labas mas nakakagulat ang loob. Kung saan saan na ang tingin ko sa bahay namamangha ako ng sobra sobra may nakita pa ko mukhang play room na may iba't ibang laruan mapalalaki or mapababae man.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Girl
Teen FictionShe's no ordinary. She's a nerd. She's very different. and She's a queen???? Alamin natin ang story ni Deina Blaire Delos Reyes .