Hindi ko inaasahan na dadating ang araw na ito para sa amin. Hindi ko aakalain na maglalakad ako sa mahabang habang aisle na 'to habang nangingilid ang mga luha sa mata ko. Kanina pa ko naiiyak sa sobrang kaba at saya na nararamdaman ko. Tinignan ko ang mga nasa paligid na sumusubaybay sa bawat pagtapak ko palapit sa altar.
Bawat pagtapak ko ay parang nagslow motion ang paligid. Ang nangingilid na luha nila kasabay ng mga nakakunot na noo ay hindi ko maintindihan at mas lalong nagpatulo ng luha sa mga mata ko. Ano ba naman yan! Nakakainis nadadamay ako sa kadramahan nila.
Nakita ko ang isang lalaki na nagmamadaling habulin ako sa gilid para sabayan ang paglakad ko. Ngumiti ako sa kaniya habang hawak ang bulaklak na ito.
"Bilisan mo naman maglakad! Hindi ikaw ang ikakasal!" Naglaho agad ang ngiti sa aking mga labi at muntik na ko magdabog sa harap ni father.
Gustuhin ko man magenjoy sa kakalakad sa aisle na 'to kahit pabalik balik ay gagawin ko o mag I do sa harapan ng altar para maranasan man lang makasal at umiyak sa harapan ng maraming tao.
Binilisan ko na ang paglakad at ngumiti sa groom na nakatayo sa harapan para abangan ang kaibigan ko na si Andy. Kanina pa ko naiiyak sa room namin dahil hindi ko inaasahan na matatali na agad siya!
Wala na kaming friday nights...
Well anyway, mayroon pa ko isang kaibigan no! Si Tanya, si Tanga! Punyeta yon ikakasal na sana siya nung October bigla ba naman tumakbo palabas at sinabing hindi pa siya handa?
Mabuti na lang ako single is life! Charot!
After ng ilang seremonyas ay inannounce na sila na husband and wife. Sa pagkakataon na maghahalikan na silang dalawa ay lumabas na ko ng simbahan para sagutin ang tawag na kanina pa ring ng ring.
Hindi ba niya alam na nasa simbahan ako? Gago ba to? Ay nasa simbahan din pala ako.
Tuluyan na ko nakalabas ng simbahan at sinagot na ang tawag mula sa aking honeybunch.
"Hi honey!" Masiglang sagot ko, kasabay ng paglingon ko sa paligid para tignan kung may nakikinig ba o may sumunod ba sakin para hablutin ang mamahalin kong cellphone.
"Tangina mo! Wag mo kong mahoney honey! Anong gagawin ko dito sa anak mo? Iyak ng iyak ampunyeta!" Napairap na lang ako sa hangin at sinipit ang cellphone sa tainga ko para maexplain ko ng maayos with hand gestures na para bang nakikita niya.
"Ano ba sabi ng anak ko?" Sambit ko sabay hawak muli sa cellphone dahil nangalay agad ang ulo ko sa ginawa kong kabobohan.
"Seryoso ka ba?" Sambit ng nasa kabilang linya na ikinatango ko na para bang makikita niya talaga.
"Oo tanga ka ba? Wag mo ko istressin nasa harap ako ng simbahan" sambit ko at nilipat sa kabila ang cellphone ko.
"Sabi kasi pre, tangina mo talaga pinagtitripan mo ba ako?" Agad akong napangiti ng kaunti para mapigilan ang tawa.
"Fucking 4x na seryoso ako tanga" sambit ko
"Sabi kasi ano, arf arf arf awooo" bigla ako natawa at tuluyan ko na narinig ang aso ko na kumahol sa kabilang linya.
"Punyeta ka! Alam mong uto-uto ako! Tangina anong gagawin ko nga dito pre?" Tanong niya muli sa'kin kaya naman sinilip ko ang orasan at nakita ko na din ang mga tao mula sa simbahan ay nagsisilabasan na.
"Mag 5pm na gago ka, pakainin mo 'yan o painumim tas pag mainit yung tyan may sakit yan. Tawagan mo ko ulit mamaya ah!" Sambit ko, narinig ko pa na parang may sasabihin pa siya pero naibaba ko na.
Sumunod ako kela Tanya kaya naman inismiran lang niys ako pagkakita sa'kin.
"Ano? Boyfriend na naman? Hindi ka na ba nadala-" agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya naman napatikom ang bibig niya.
Minsan kasi pasmado bibig ni Tanya kaya ganiyan 'yan kung ano ano na sinasabi kahit hindi naman kailangan marinig.
"Alam mo ang judger mo! Pinsan ko ang tumawag! Palibhasa kasi runaway br-"
"Isa pa Chantel! Tatahiin ko na yang bunganga mo, simula kanina ka pang umaga kakadakdak mo eh" inis na sambit niya kaya naman tinawanan ko na lang siya.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa events place kung saan kami kakain at makikitang maglalandian ang bagong kasal.
May mga nakaassign na table na para samin ni Tanya, kasama ang iba pa naming friends and classmate noong college. Mabuti na nga lang ay wala akong pasok kung hindi, hindi ako makakatikim ng pagkain.
"Uy Chantel!" Agad akong napatingin sa harapan at ngumiti, nasa harapan ko si Henry ang kaklase namin noong highschool.
"Uy kamusta? Nabalitaan ko kasal ka na ah!" Sambit ko sabay inom ng tubig at pasilip silip sa cellphone ko na kung ano ano pinagsasabi ng gc namin noong college.
Gusto ko man tignan ay bastos naman iyon kung gagawin ko habang may kausap ako kaya naman ay pinatay ko na muna at tinuon ang buong atensyon kay Henry. Habang si Tanya ay busy'ng busy sa pakikipagchikahan kay Fiona na kaklase namin noon.
"Oo nga eh, ikaw ba? Kayo pa rin ba ni-" agad kong tinaas ang kamay ko at umiling ng sobrang iling na halos mahilo ako basta makatanggi lang.
Hindi naman halatang defensive diba? Diba?
"Nako! Ano ka ba! Fling lang yon! Hindi ko nga alam bakit ko pinatulan yon hahaha" sambit ko sabay lagok na naman sa tubig. Tinignan lang niya ako at natawa sa reaksyon ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago no? Kaya kayo naghiwalay ni-"
"Ay kuya tubig tubig! Nauuhaw ako grabe" kalabit ko sa dumaan na waiter ng event at nagtaka naman siya sa baso na binigay ko sa kaniya.
"Puno pa po mam" sambit niya, agad ko 'yon tinignan at nakita ko pa ngang puno pa. Kaya naman nilagok ko ito ng mabilisan at iniabot ito sa harapan niya.
"Tubig please" sambit ko at agad naman niya ako sinalinan. Pagkatapos no'n ay agad akong ngumiti kay Henry saka nagexcuse na magc-cr na muna dahil naiihi ako bigla sa dinami dami kong ininom na tubig.
Hindi ba niya alam ang pagiging considerate? Ang privacy? Kailangan talaga may tanong na ganon? Ano showbiz?
Binuksan ko ang cellphone ko habang papunta ako sa cr at halos puro mention sa'kin ang nasa gc. Halos manlambot ang tuhod ko sa nakita ko. Sakto din ang pagmessage sakin ng kapatid ko tungkol kay MD.
Lumabas ako ng banyo habang inaalala ang mga messages na tungkol kay MD ang lalaking minahal ko higit pa sa sarili ko.
'Alam niyo ba guys hindi na siya actor! Isa na daw siyang model ah!'
'Balita ko nga andiyan siya sa kasal ni Andy! Sana ol!!!'
'Hala! Sarap naman! Gusto ko tuloy pumunta at kumain!'
'Anong kain yan ha! Gusto ko 'yan! Mahaba haba'
Ayan lang naalala ko habang naglalakad ako ala zombie dahil sa nabalitaan ko na tumigil na siya 'doon' at nandito-
"Fuck" agad bumalik ang wisyo ko at napatingin sa lalaking nakawhite na long sleeves polo na may lining na black, at nakajeans.
Tumaas ang paningin ko at agad akong binigyan ng iritable na mukha. Kahit na ganon pa man ay guwapo pa rin siyang tignan.
Ilang taon na ba ang nakakalipas? 4? 5? It's 5 fucking years the last moment we saw and talked each other.
Pero ngayon iba na ngayon. Iba na siya, Ang lalaking minahal ko noon ay nagiba na. My Sexy Pornstar changed.
"M-" Bago ko pa maituloy ay may nauna na magsabi ng pangngalan ni MD.
"MD" napalingon ako sa babaeng naglalakad na patungo sa lugar namin. Hindi ko alam bakit hindi pa ko umaalis sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang pagsalubong nilang dalawa at pagngingitian nila.
"Sorry" sambit ko, kasabay ng pagpasok ko sa loob.
Anyway it's my fault. It's my fucking fault.
Until now, i'm still hoping for staying 24, MD.
———
Enjoy Reading!!
YOU ARE READING
24
Teen FictionChantel a polyamory ( having more than one relationship) at their young age just to say they enjoyed their highschool life. Not until she met Michel Dwyn also known as MD, a young sexy pornstar that just started at the industry. Despite of having th...