1

11 2 20
                                    

(Hi! Papansin lang ako hehe inupload ko to sa webnovel pero english version hihihi. Enjoy reading!)

ANG SUMUSUNOD NA EKSENA AY MAAARING MAGLAMAN NG SEKSWAL, KARAHASAN O DROGA NA DI ANGKOP SA MGA BATA (HIHIHIHI)

"Lasing ka na naman" malakas na bumagsak ang pinto sa aming sala. Hudyat na nakauwi na si Papa. Gustuhin ko man tumakbo palapit sa kaniya ay natatakot ako.

"Oh ano may reklamo ka na naman ha?! Tangina dapat talaga sinunog ko na 'tong bahay na 'to!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ang aking mga tainga, nagbabaka sakali na hindi ko na marinig ang nga susunod na pangyayari.

Pero mali ako. Bata pa lamang ako ay naging saksi na ako sa pag-aaway nilang dalawa. Buo kaming pamilya pero hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Mas idiniin ko pa ang mga kamay sa aking tainga nang marinig kong may nabasag sa sala.

"Christopher! Tangina naman! Palagi ka na lang ba ganito? Nambababae ka na naman! Mahiya ka naman sa anak mo!" Hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak sa loob ng kwarto ko.

Kahit na dalawang palapag pa ang bahay namin, ingay lang nilang dalawa ang tanging naririnig ko. Sa loob ng 13 na taong nakasama ko sila.

Hindi man lang nila inayos sa harapan ko.

"Ikaw Christina, wag mo kong duru duruin, tangina magsama pa kayo ng anak mong bobo! Walang mararating sa buhay yan!" Dahan dahan kong itinakip ang kumot sa ulunan ko nagbabaka sakali na mabawasan ang mga naririnig ko.

"Tama na please, tama na ma, pa"


"Chantel" agad akong napalingon sa kaibigan kong si Andy na para bang kanina pa niya akong tinatawag.

"Ms. Sarmiento! Ano mukhang maganda ang pagdadaydream mo! Ang sabi ko sumagot ka sa board!"

5 taon na pala ang nakalilipas nang maghiwalay nanay at tatay ko. Pinabayaan naman ako ng tatay ko sa puder ng nanay ko dahil nakabuntis naman siya ng iba.

"Okay, easy naman" sambit ko, sabay tayo para pumunta sa harapan.

13 years akong nagtiis, marinig, makita, at maramdaman ang mga pangyayari na iyon. Nakakalungkot lang na kailangan ko pang masaksihan iyon.

"Oh akala ko bang madali?" Lumingon ako kay Mam Sheryl at ngumiti ng matamis.

"Hehe, opo nga mam madali kaya" sambit ko.

Madaling takbuhan.

Tumakbo na ko palabas bago ko pang marinig ang sigaw ni Sheryl. Ramdam ko agad ang mga tingin ng teachers at estudyante sa pagtakbo ko.

5 taon na din ako nagbubulakbol sa iskul.

"SARMIENTO!" Agad kong kinuha ang isang buong kaha ng marlboro black at iwinagayway sa guard ng school.

Nakita ko na agad ang malawak niyang ngiti ngunit bumusangot lang din dahil nakitang hinahabol ako ng guidance councelor na si Langkatay.

"Wag! Tumakbo ka na lang sa iba! Pass boss!" Sigaw sa'kin ng guard bago pa ko makarating sa kaniya.

Agad naman akong napairap sa hangin at lumiko para makatakas sa humahabol sa'kin na si Langkatay.

Nakita ko ang mga kaibigan ko na si Andy at Tanya na natatawa habang pinapanood akong tumatakbo.

"GO SARMIENTO! GO SARMIENTO!" Sigaw ni Andy na akala mo bang nasa basketball game ako.

"GO SARMIENTO 1,2,3 GO SARMIENTO!" Sunod na sigaw ni Tanya.

Nagulat na lang ako na halos lahat ay nakikisabay na sa sigaw nila. Napapailing na lang ako habang naiisip ang magiging parusa ko sa office mamaya.

24Where stories live. Discover now