2

9 2 41
                                    

"Alam mong ayokong pumupunta sa school! Ano ba na naman ito? Chantel?!" Agad ko siyang binigyan ng buntong hininga at ng yuko.

"Ma, ang hirap kaya ng pinapasagot niya sa akin sa board. Minsan kasi pinapahiya niya ako sa room eh" well, totoo naman. Kapag hindi ka nakasagot, ipapahiya ka nila.

I mean, oo naiintindihan ko sila na para matuto kami at tumatak sa isipan namin na magaral kami ng mabuti para hindi maulit yon. Eh? Pero ang nangyayari ay mas lalong bumababa ang self esteem namin.

"Puro ka dahilan no? Ikaw makipagusap sa school. Sawang sawa na ko makita si Sheryl"

"Same"

"Anong same! Same ka diyan! Pumasok ka na!" Agad kong kinuha ang bag at ngumuso kay Mama. Agad naman niya akong binigyan ng irap at hinalikan ang pisngi ko.

"Punta ako after school mo" agad akong ngumiti ng malawak at nagpaalam nang umalis.

Minsan naisip ko na rin na maganda talaga na nasa puder ako ng mama ko. Bukod kasi sa parehas kaming babae ay siya rin noon ang laging nagaalaga sa'kin.

Si papa? Wala. Puro inom at pambababae lang ang alam noon. Kakamustahin lang niya ako kapag nakita niya ako sa hapag-kainan. Bigla ko tuloy naalala ang mga away nilang dalawa. Ang batuhan ng mga masasakit na salita at ng mga gamit na makakasakit sa kanilang dalawa.

Kaya yang mga lalake? Nag-iba ang paningin ko sa kanila. Para bang silang kumokolekta ng babae. Hindi ba kapag naggirlfriend boyfriend ay ang goal na ay mapunta na sa kasalan at magmahalan habang buhay?

Hindi ko ba alam kung uso ba ang manloko at lahat ay nakikigaya.

Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng school. Ngumiti ako kay Bato. Ang gwardiya ng paaralan namin at nagfist bump kami.

"Aga ah!" Sambit niya sa'kin habang chinecheck ang bag. Kahit ang ginagawa lang naman nila ay dutdot lang.

"Wala eh, kailangan bumawi hahaha" natatawa kong sambit sa kaniya sabay pasok na sa loob. Nakita ko agad sa bench si Andy at Tanya. Mga kaibigan ko at kaklase ko din sila.

Si Tanya ang pinaka masasabi kong may kaya, habang si Andy ay kabaliktaran ni Tanya.

"Hoyyy! Aga ah!" Bati sa'kin ni Andy, agad naman niya kinuha ang notebook niya at binigay sa'kin.

Bigla kong naalala na may assignment pala kami sa Gen.Chem kaya naman ay agad akong umupo at kumopya.

"Nyaw nakakatamad magsulat eh" sambit ko habang kumokopya. Si Andy ang palaging kumokopya sa mga classmates namin ng assignment kaya yan maagang pumapasok.

"Akin na nga! Puta tamad mo naman" sambit niya habang inaagaw sa'kin ang notebook niya. Agad ko naman itong inilayo sa kaniya at pinisil ang pisngi niya.

"Oo na magsusulat na ko" sambit ko, agad naman akong nakarinig ng click click, hudyat na may nagpipicture sa'min. Hindi na ko magtataka kung si Tanya iyon. Isang Yuri at Yaoi fan si Tanya.

(Yuri: female to female love, Yaoi: male to male love)

"Ackk! Ang cute isa pa!" Agad ko namang nakitang tumayo si Andy at sinakal si Tanya.

Kinuha ko ang camera ni Tanya na inilapag niya sa lamesa at kinuhanan sila ng litrato.

"Yak! Wag!" Sigaw ni Tanya at itinulak si Andy palayo. Hinampas ni Tanya ng notebook si Andy at sinabihan ng wag an lumapit sa kaniy.

Medyo weird din kasi to si Tanya, Yuri fan pero pag sakaniya na medyo alam mo na. Hindi siya pabor.

"Ay alam niyo ba" agad naman silang tumigil at tumingin sa'kin. Itinigil ko ang pagsusulat at ngumiti sa kanila ng matamis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

24Where stories live. Discover now