HETO na naman ako naghihintay na lumipas ang araw at muling masilayan ang gabi kasabay ng pag asang muli kang makita.
Habang nakatayo ako sa aming beranda at hawak hawak ang tasang may mainit na kape. Anong oras na ba? ala sais? Oo nga pala malapit na naman ang Ber months kaya medyo mabagal ang oras at pag lubog ng araw.
Panay ang silip ko sa orasan ng akong selpon, naghihintay kung anung oras ka ba dadaan sa harap ng aming tahanan upang umuwi galing eskwelahan. Hayss! bakit ba naman kasi hindi ko naisapang mag enroll ksa eskwelahan kung saan ka pumapasok, sanay araw araw kitang nakikita.
Umupo ako sa upuan at nanga-lumbaba sa aming beranda. Ganun na ba ikaw at halos araw araw ay gabi ka ng makakauwi
Mga ilang minuto pa ang makalipas ay nakita na kitang dumaan sa aming tahanan at dala dala na naman ang mabigat na back pack na laman ang mga libro at laptop na lagi mong dala. Masaya nako na makita ka lang sa araw araw na nakangit kahit pagod na
"MAAAAA~ NAKAUWI NA PO AKO!!!" rinig kong sigaw mo ng pumasok ka sa gate ng inyong bahay na katabi lang ng aming bahay Tss nakakatuwa ang papaging masayahin mo
araw araw ay ganto ang senaryo natin. dahil ako ang mas maagang nakakauwi ay ako din ang parating naghihintay sa pag uwi mo ng di mo nalalaman. Bumaba nako sa aming sala at dumiretso sa kusina, muli akong nagtimpla ng kape mula sa kusina namin na bukas ang nga bintana ay rinig na rinig ko parin ang boses mo
"Ma nagugutom nako!" rinig ko ang ingay ng mga kubyertos at upuan sa inyong