Panimula
...
May mga bagay na gusto mong ibuga sa mukha niya. Mga katotohanang nagpupumilit, nagpupumiglas. Pilit kumakawala. Ngunit di mo magawang sila'y maibuga at harapang maibulalas sapagkat..hindi mo kaya. Hindi mo pa kaya.Hindi pa sapat ang naipon mong isang tumpok ng lakas. Kaya habang hindi mo pa naaabot ang isang daang porsyento ng iyong taglay na kapangyarihan..Narito ka saking piling. Habang nag aantay ka ng tamang panahon, ng sapat na lakas, habang pilit na nagpupumiglas ang lahat ng nasa iyo..narito ka. Hawak ang iyong pusong patuloy sa paghithit ng lakas ng loob nang sa gayo'y tuluyang makabuga. Pansamantala , ika'y narito at sa akin dumaraing. Huwag kang mag alala. Hindi ako tulad nya.
...
...
i

BINABASA MO ANG
Mga Hithit buga ni My labs
Romancethis is a journal written by a guy for his friend who seemed to be the epitome ng mga babaeng lutang at tila nagiging instant tanga pagdating sa pag ibig. (im speaking in general here. :) para sa isang lalaki na nakikita ng malinaw ang mga kagagah...