As I go to Michigan

32 2 2
                                    


Hi Welcome to Talk to strangers!

Kanina pa ako nakikipagtitigan sa website na pinasok ko pero hindi pa din nagagawang pindutin ang kulay green button na may nakasulat na 'CHAT NOW'.

Hanggang ngayon naririnig ko pa din yung mga talak ng mga kaibigan ko .

"Bakla! Magpadilig ka na aamagin na yang kuweba mo!"

"Hay naku baka nga may sapot na yan eh"

"Hindi ba naka padlock na?"

"Mamatay ka na atang tigang"

Tawanan everywhere.. repeat til fade..

Ako tigang?

Oo naman. Sabik na sabik, naghihimagsik ang bugso ng damdaming hindi pa nakakatikim ng dagtang malapot na tingin kong bubuo sa aking pagkatao.

Madali lang magpa tira kung kani-kanino pero kasi nasa loob ang kulo ko. Kahit naman nagiinit na ang aking kalamnan sa usaping ganoon ay hindi ko naman kayang gawin yun ng bara bara lang. Gusto ko pa din gawin yung mga kahalayaan ko sa true love ko.

Oo, isa akong old fashion na gustong magpakarat.

Tsaka ayoko mamatay sa kamay ni aling AIDA. Mas mabuti pang mamayapa ng tirik ang mga mata dahil sa pagka tigang.

Matagal na akong nag aantay magka jowa pero wala. Hindi naman ako pangit, o baka hindi lang ako aware. Mabait naman ako, may first communion, College graduate hindi nga lang cumlaude.

Sabi nila wait for the right man to come. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan ako mag-iintay. Pakiramdam ko tuloy namatay na yung taong naka laan para sakin.

Kaya ako na mismo ang hahanap sa kanya. Pero mahahanap ko kaya siya online?

Bahala na nga!

Pinindot ko na yung chat now at kasabay ng pagloading ng website ay namuo ang pag-asa kong mabiyayaan na sa wakas.

- - -

Stranger: Hi

Me: Hello

Stranger: What are you?

Napatigil ako sa pag ta type, ano daw?

Baka naman na typo lang at 'how are you' ang ibig niyang sabihin.

Me: Im fine, how about you?

Stanger: Good very. Im India you?

Shet! Hindi ako inform na bansa pala itong ka chat ko.

Me: Im from the Philippines

Stranger: What are u there?

Nauubos na ang pasensya ko sa bumbay na to ah!

Me: Im a human being living here in this nasty world but trying to find true love because i believe i will find love in the hopeless place copyright by ate girl Rihanna

Inis kong pinindot ang send button

Stranger: you family?

Punyeta! Ano bang pinagsasabi neto?

Me: They're human too. Bye!

Pinindot ko na yung end convo button. Nakaka stress! Ayoko magjowa ng hindi kami mag kakaintindihan

At ang mga sumunod kong nakausap ay kundi sabog ay bastos.

Titi kaagad ang bumubungad sa screen. May kanya kanyang ibubuga taas noo kahit kanino. Pero kahit uhaw ako sa bagay na yon ay konting respeto naman. Kung kani kanino nila binabalandra yang ari nila at baka kung sino-sino na rin ang nakatikim jan like eww salo-salo?

As I go to MichiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon