Pinigil nya ang hikab at sinimsim ang red wine na nasa harapan. Kasal ng pinsang si Cindy at isa sya sa mga abay. Ang kapatid ni Cindy na si Carla ay nauna ng ikinasal noong nakaraang taon. Nag iisa syang anak at sa mga magpipinsan ay dalawa na lamang sila ni Hannah na single. At hindi niyon pinagagaan ang loob nya dahil si Hannah ay Grade Four lang at sya ay trenta y uno. Trenta y Uno at hindi nakaranas ng boyfriend. Noong nag aaral pa sya ay napakahigpit ng kanyang itay at inay na parehong mga guro. Nag aral sya sa paaralan kung saan parehong nagtuturo ang mga magulang simula elementarya hangga kolehiyo. Kung may gusto mang manligaw sa kanya ay lalong napigilan nang maging principal ang kanyang itay ng Highschool Department. Ngayon ay isa na rin syang guro at pareho ng retirado ang mga magulang na halos ipagtulakan na syang mag asawa. Ang problema, wala na syang manliligaw. Dahil na rin siguro sa pagiging istrikto ng mga magulang ay naging sobra syang mapili. Hindi na nya namalayan na sumuko na ang mga ito. Naging malaking hamon lang sa kanya ang pagiging single nang tumuntong sya sa edad na bente syete at magsimulang magpakasal ang mga pinsan nya.
Napauklo sya nang tawagin ng host lahat ng mga kadalagahan. Ihahagis na ng bride ang bouquet nito at sa palagay nya ay ito ang pinakatraumatic na bahagi ng kasalan.
“Antonia…” kinalabit sya ng ina. Napangiwi sya. Sino ba naman ang magkakainteres kung pati pangalan nya ay walang kadating dating? Ginawa na nyang Toni ang pangalan simula nang magturo sya. Ang mga kaibigan at estudyante ay nakasanayang Toni ang tawag sa kanya. Ngunit hindi ang mga magulang. Ayon sa mga ito ay panlalaki ang pangalang Toni. E bakit kasi Antonia ang pangalan nya?
“Naiihi ako, nay.” Tumayo sya upang tumakas. Mabilis syang humakbang palayo bago pa pigilan ng ina.
Bago pa nya marating ang pintuan palabas ng function room ay umalingawngaw na ang tinig ng host na tinatawag ang pangalan nya. She forced a smile at lumingon dito. Ang mga kamag anak nya ay pawang mga nakangiti lalo ang mga pinsan nya. Tila tuwang tuwa ang mga ito na mailagay sya sa ganitong sitwasyon tuwing may ikinakasal na kapamilya. How she hated them!
“Ms. Toni…please join us.” Nakangiting wika ng host. Pinigil nyang sumimangot. Bente dos lang si Cindy at karamihan sa mga nag uumpukan sa likod nito para sumalo ng bouquet ay mga kaedad nito. Needless to say, sya ang pinakamatanda. At hindi iyon naitago ng pagkakapare pareho ng estilo at kulay ng gowns nila.
Naninigas na inihakbang nya ang mga binti palapit. Niluwangan nya ang pagkakangiti habang palapit sa mga ito. Syempre hindi nya ipapakita sa mga ito kung gaano naghihimagsik ang kalooban nya.
Pumuwesto sya sa pinakalikod. Wala syang planong sumalo ng bulaklak. Katakot takot na kantiyaw ang napala nya noong huling beses na nangyari iyon. Ang nakasalo ng garter noon ay kaklase ng pinsan nyang lalaki. Pagkatapos ng wedding ay naging magkatextmate sila ng ilang linggo. Nang hindi sinasadyang mabanggit nya ang edad, noon ay bente nueve sya, ay biglang sinabing baka mahirapan na raw pala syang magbuntis. Natigil ang pagtitext nito at nalaman na lamang nya ay may girlfriend na. Ngayon ay dalawa na ang anak nito sa ex-girlfriend at isa sa kasalukuyang kinakasama. Ang herodes at may balak palang magparami ng lahi.
Naputol ang pagmumuni muni nya nang tumama sa mukha nya ang bouquet at naglanding sa mga kamay nya. She smiled awkwardly. Iginiya sya ng host paupo at lumapit ang nakakuha ng garter. “Higher…higher…” kantiyaw ng mga bisita. Ibinalik nya ang atensyon sa binatang nasa harap. Malamang kaedad lang din ito ni Cindy. Tall and lanky. Papasa pang highschool student sa porma. Pinagpapawisan ito at sya man ay naninigas na ang mukha sa pagkakangiti.
“Pasensya na po, tita.” Anang binata habang itinaas pa sa gitna ng hita nya ang garter.
“Tita?” nanlaki ang mga mata nya kasabay ng tila biglang pag akyat ng dugo sa ulo nya. Okay lang na tawagin syang tita ng mga estudyante nya na nasa Elementarya. Pero ang herodes na ito? Iniunat nya ang legs at nawalan ito ng balanse at natumba patihaya. Natahimik ang mga bisitang kanina lang ay nagtatawanan at nagkakantyawan.
Tumayo sya at pilit na ngumiti. “I really have to go to the bathroom.” Napipilitang inabot nya ang kamay sa binata at tinulungan itong makatayo.
Mabilis namang nakabawi ang host. Hindi pa sya nakakababa ng stage ay muli ng nagkakasiyahan ang mga bisita.
BINABASA MO ANG
It Takes Two to Love
RomanceNo boyfriend since birth at tila walang pag asang magkanobyo pa si Antonia sa edad na trenta y uno. Nang dumalo sa kasal ng kaibigan sa isang malayong lugar at nastranded, sumibol ang ideyang magkaroon na lamang ng anak sa halip na asawa at nagkar...