Chapter Two

263 13 0
                                    

“Kasama mo naman ang boyfriend mo…” aniya sa paghihimutok ni Malou.
“Syempre sa haba ng byahe baka magkasawaan kami.”
Nailing na lang sya.  “Wala tayong magagawa.  Hindi pumayag si Mr. dela Rosa.  Alangan namang hindi ka pumunta e ikaw ang abay.”
“Ihahanap kita ng jowa dun.”
“Wag mo na ngang isipin iyon, ako nga hindi ko iniisip.  Yung gown mo muna ang asikasuhin natin.”
Sumimangot ito.  Malaki ang isinikip ng gown na ipinatahi para rito.  “Next week na iyon, hindi ko na kayang magdiet.”
“Kaya nga hahanap tayo ng mananahi.”
“Bakit naman kasi nakabakasyon si Manang Beth.” Ang tinutukoy nito ay ang pinagpapatahian nila ng mga uniporme.  Dumating ang anak nito galing Japan kasama ang asawang Hapon at isinama itong magbakasyon sa Palawan.  “May mananahi ba sa inyo?”
“Meron pero daanan natin mamaya para sigurado.”

Iiling iling ang mananahi nang sukatan ng panibago ang kaibigan.  Kulay dilaw ang gown, may maikling manggas, may kalaliman ang V-neckline at mermaid style ang hemline. 
“Para hong gusto nyong sabihing magpatahi na lang ako ng bago, ano?” ani Malou.
Ngumiti ang mananahi.  “Gusto mo ba?  Kaso hindi aabot.”
“Kaya nga ho paki repair nyo na lang.”
“Magdadagdag tayo ng tela.”
“Sige ho, kung talagang kailangan.” Dismayadong wika ni Malou. 
Tinapik nya ang balikat nito.  “Magdadiet na talaga ako.” Anito sa kanya.  Ngumiti lang sya.  Ilang beses na nitong sinabi iyon ngunit ito naman ang madalas magyayang kumain sa labas.

Sya na lang ang kumuha ng gown dalawang araw bago ang byahe ni Malou at ng kasintahan nito patungong Tuguegarao. 
Bisperas ng alis nito, Sabado iyon at nanonood sya ng tv, nang mangiyak ngiyak itong tumawag.
“Naaksidente sa motor si Brando.” Tukoy nito sa kasintahan.
“Ano…kamusta na ang lagay nya?”
“Andito pa kami sa hospital pero okay na sya.  Nakacast ang binti nya at may konting gasgas pero okay naman na.”
“Mabuti naman.  Paano e di mag isa kang bibiyahe patungong Tuguegarao bukas?”
“Yun na nga, sis…” kinabahan sya sa tono nito.  Martes ang kasal ni Cel.  “Hihingi sana ako ng pabor…nakausap ko na si Cel…”
“At…?” ibinaba nya ang supot ng kinakaing chichirya at inayos ang salamin sa mata.
“Ikaw na muna ang proxy ko…”
“Hindi pwede, Malou. “Alam mong mahiluhin ako sa byahe.  At wala akong kakilala roon maliban kay Cel na siguradong abala.”
“Meron ka ng tutuluyan doon.  Sasakay ka na lang ng bus.  Naiempake ko na rin ang gown.”
“Hindi kakasya sa akin ang gown mo.” mas payat sya sa kaibigan bagaman mas matangkad.
“Nagawan ko na ng paraan.  Tinahian ko ng konti.”
“At paano ang vacation leave ko?  Makakagalitan ako ni  Mr. dela Rosa.”
“Sumaglit ako sa school kanina.  Pinayagan ka nyang makapagleave basta pasukan ko ang dalawang subjects na itinuturo mo.  At syempre, hindi ko papabayaan ang advisory class mo.”
“Malou…”
“Sige na, please.  Malulungkot si Cel kapag hindi makakarating kahit isa sa atin.  Magtatampo iyon.”
Alam nya ang pagiging matampuhin ni Cel.  “Pero Malou, baka hindi rin ako payagan nina nanay.”
“Naku, itinext ko bago kita tawagan… okay lang daw.  Babalik ka rin naman ng Wednesday eh.  Isama mo si Insiang kung gusto mo.  Two beds naman ang kinuha naming kwarto sa hostel.”
“Hostel?”
“Oo, dorm type.  Yun lang ang nakuha namin sa Tuguegarao.  Hindi kaya ng budget namin ang AirBnB.  At hindi magaganda ang review ng ilang maliliit na hotels.”
“May makakashare ako sa room?”
“Well…animan ang isang kwarto.  So dalawa kayo ni Insiang at apat pang guest kung fully booked.”
“Paano kung lalaki ang kashare namin?” tila magpapanic na tanong nya.
“Mahigit isang taon na ang dorm-type style at bagaman last quarter lang sila nag experiment sa mix genders, safe naman daw.  They screen their guests carefully.  Tinawagan pa nga ako para sa interview.  Takot ka ba sa lalaki, Toni?” seryosong tanong nito.
“Of course not.  Pero hindi…ihanap mo na lang ako ng hotel.”
“Payag ka na?”
“Ayoko sa hostel.  Ihanap mo ako ng hotel.”
“Sige, susubukan ko.  Kaso nakapagdeposit na kami sa hostel.”
“Ako na ang magbabayad ng hotel.  Basta ayoko ng may ibang tao at isasama ko si Insiang.”

It Takes Two to Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon