Chapter Three

249 8 3
                                    

Ang Gerardo’s Hostel ay isang malawak na resort.  Mas malayo kesa sa wedding venue pero mas maaliwalas.  At may security guard na agad sumalubong sa kanya.  Ang reception area ay isang malaking kubo na nasa bungad.  Ngumiti agad ang receptionist.
“Ma’am Toni?” pagkukumpirma nito.  Tumango sya.
“Tumawag na po ulit si Ma’am Malou.  Nakaayos na po ang tutuluyan ninyo.  Pwede ko na kayong ipahatid.”  Sinenyasan nito ang binatilyo na kagaya nito ay nakauniporme ng bulaklaking polo at khaki shorts.  Lumapit sa kanya ang binatilyo at kinuha ang mas malaking bag nya. 
“Ilan ang mga kubol?” tanong nya habang naglalakad sila. Pare pareho ang materyales na kahoy at kawayan at cogon ang bubong.
“Anim ho para sa tig anim na guests. Iyon ang mga bungalow style. At apat ho para sa dose.  Yun naman ang mga two storeys.”
“Walang solo?”
Umiling ito.  “Wala ho, ma’am.  Sa bahay ho ng kapatid ng may ari sa Laoag, may mga kwartong pwede ang solo.”
“Walang kubo ang may ari rito?”
“Wala ho.  Nakikihalubilo ho si Ma’am Jaja sa mga guests.”

Pinauna sya nito papanhik sa balkonahe ng cottage.  May mesa at upuang pang apatan na gawa sa paleta.  Walang pinto kundi kurtina lamang na yari sa makukulay na shells.  May dalawang malaking bintana sa magkabilang gilid.  Pumasok sya sa loob at iginala ang tingin. May maliit na common area na may pang apatang sopa.  Ang kabilang bahagi ay  maliit na kusina at dining area.
“Pwede hong magluto.” Anang binatilyo.  Naramdaman nya ang pagkalam ng tiyan.  Kagabi pa sya hindi kumakain.
“Pero nagsiserve kayo ng pagkain dito?”
“Opo, ma’am.”  Iniabot nito sa kanya ang laminated menu mula sa corner table katabi ng telephono. “Para ho sa kitchen, security guard at reception area lang ang telepono.  Kung kailangan ho ninyong tumawag sa iba ay meron hong telepono sa reception area.”
Sinilip nya ang banyo.  Malinis at may hot and cold shower.  Kumpleto rin sa toiletries.
Binuksan nya ang pinto patungo sa kwarto at tumambad ang tatlong bunk beds na may sapat na distansya.
“Pwede hong ibaba ang privacy curtains kung gusto ninyo…at may alarm button ho tayo direkta sa guard kung may problema.” lumapit ito at hinila ang tali para ibaba ang kurtina bago itinuro ang sinasabing alarm button sa gilid ng pinto.  “May dressing room din naman po.”  Itinuro nito ang maliit na pinto sa sulok ng kwarto.
“Thank you.”   

Matapos ilagay ang gamit sa locker ay ibinaba nya ang kurtina sa gawi nya at nahiga.  Hindi nya naitanong kay Billy kung babae o lalake ang kasama nyang guest.  Ganoon pa man, ang kabilang dulong kama malapit sa pinto ang inokupa nya at bakante ang gitnang kama. 
Nakakaidlip na sya nang tumunog ang bell sa balkonahe.  Bumangon sya at nalabasan si Billy dala ang tray ng inorder nyang pagkain.
“Sige, pasok ka.” Aniya rito.  Pumasok ito at inilapag sa dining table ang order nya. 
“Ilagay na lang ho ninyo sa balkonahe kapag tapos na kayo, dadaanan ko na lang po mamaya.” Anito bago nagpaalam.
Naupo sya at agad nagsimulang kumain.  Ang order nya ay sizzling pork chop, kanin at mami.  Patapos na syang kumain nang may tumikhim.  Agad syang lumingon sa pinto ngunit ang inihandang ngiti ay agad naglaho nang makilala ang nakatayo roon.
“Ikaw…” ang nakatabi nya sa bus ang nakatayo roon.  Umangat ang kilay nito na tila hindi sya natatandaan.  Ang suot nito ay sando at boardshorts at naalala nyang malapit sila sa dagat.  “Ikaw ang roommate ko?” hindi nya itinago ang disgusto.
“Kung feeling mo wala kang choice, wala rin akong choice.” Muli may pagkasupladong wika nito.  Dumiretso ito ref at uminom ng tubig bago muli syang  binalingan.  Umiwas sya ng tingin.  “This is a hostel.  Kung gusto mong solo ka sana naghotel ka.”
“I tried…” wala sa loob na wika nya.
“And?” kumunot ang noo nito.
“Wala kang pakialam.” Tinapos na nya ang pagkain.  Ibinaba nito ang pitsel ng tubig sa harap nya. 
“Andito ako for a week.  We can at least be civil with each other, if not polite…”
“Antipatiko ka kasi.” Nagsalin sya ng tubig sa baso nya. 
“Me? Antipatiko?  At ikaw naman ay masungit.”  Naiiling na tumalikod ito at tinungo ang kwarto.
Inilabas nya sa balkon ang pinagkainan at ipinatong sa mesang naroon.  Naupo sya at tinanaw ang paligid.  She feels peaceful.  Sa kabila ng takot na naramdaman nya sa unang hotel ay gumaan ang pakiramdam nya sa bagong kapaligiran.  May natanaw syang ilang guests na patungo sa dagat.  Nang maalala ang kasalang dadaluhan kinabukasan ay tinatamad syang tumayo at muntik pang mabunggo sa bulto ng papalabas na binata.  Sa pag urong nya ay tumama ang balakang nya sa kanto ng upuan.  Napangiwi sya at bahagyang nawalan ng balanse.  Agad ang pag abot sa kanya ng binata sa pag aakalang matutumba sya.  Ang kamay nito ay lumanding sa may puwitan nya.  Nanlaki ang mga mata nya at itinulak ito.
“Bastos!”
Umurong ito at itinaas ang dalawang kamay.  “Chill.  Hindi ko sinasadya iyon, ang akala ko ay matutumba ka.  I’m sorry.”  Hindi nito naitago ang pigil na ngiti na lalong nagpakunot sa noo nya.
“Sa dinami dami ng pwedeng hawakan…talagang manyakis ka lang.” humalukipkip sya.
Sumeryoso ang mukha nito.  Ang OA na ba nya?  “I already apologized.  At kung manyakis ako, sa bus pa lang hinipuan na kita.  Imagine, mula Laoag hangga Tuguegarao tulog ka at nakasandal sa akin.”
Nag init ang mukha nya sa pagkakapahiya.  “Magpapalipat ako ng kwarto.”
“Go ahead.” Tuya nito at humakbang palabas ng cottage.
Umismid sya at lumabas din patungo sa reception. 

It Takes Two to Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon