Chapter 7

4 1 0
                                    


ATLAS POV


Kinabukasan

Kagabi nagpaalam si Luna na pupunta si Primo sa bahay. Kaya tinawagan ko si Charles at pinapunta sa bahay ngayon.

Nakita kong magkausap sa gazebo sina Primo at Luna. Masaya silang nagkwekwentuhan. Siya namang pagdating ni Charles.

"May nagseselos." Nangaasar na wika nito "Tingnan mo Bro! Grabe sila magusap. Malagkit masyado." Dagdag pa nito "Ang bagal mo kasi." Umakbay pa ito sakin at bumulong

"Yuck lumayo ka nga sakin. Kaya napapagkamalan tayong dalawa ang may relation e! Pati si Lola napapaniwala mo na." pagiiba ko ng topic

Pero sa totoo lang kumukulo yung dugo ko. Don sa dalawang tao sa gazebo. Pag kay Primo grabe siya makangiti. Pag sakin sobrang sungit. Lumapit kami don sa dalawa na masayang naguusap. Mapaghiwalay nga ang dalawang ito. Kinuha ko ang bola ng basketball at ibinato kay Primo.

"Game?" tanong ko

"Kulang tayo!" sagot niya

Tinawag ko naman si Manong Ben ang aking driver. Walang nagawa si Primo kundi sumali sa laro.

Bawat shot ni Primo. Tuwang-tuwa namang nagtatalon si Luna. At inis na inis ako dahil don.

"Wag mo masyado seryusuhin ang laban." Natatawang asar nanaman ni Charles

Di ko alam kung kakampi ko ito o kalaban. Pano pag nakakashot si Primo. Tuwang-tuwa din si G***. Badtrip! Napasimangot ako. Natalo kami.

"Nice game." Tinap ni Primo ang balikat ko. Tumango lang ako dito.

"Shower lang ako." Paalam ko sa kanila

Pagdating ko sa kwarto. Pasalampak akong umupo sa kama. Nababadtrip ako. Sobrang nababadtrip ako. Nagbabad ako sa tubig. Kesyo mapasma.

Mahigit isang oras ata akong naligo. Halos purihin ko na nga ang katawan ko sa salamin. Paglabas ko nakatowel lang ako. Naglagay ako nag pa freshen up sa mukha.

"Ahhhhhhh!" narinig kong sigaw mula sa kabilang kwarto. Si Luna.

Nag-alalang humahangos na pumunta ako sa kwarto nito. Nakita kong nakahawak ito sa mata niya.

"Ano nangyari sayo?" worried na tanong ko

"Yung eyeglass ko patulong pahanap." Pakiusap nito

Nawawala kasi contact lense ko.

"Nagcontacts ka pala pala hindi halata." Sabi ko dito

"Oo since naging writer ako." Sagot nito "Nakita mo na ba?" tanong nito

"Hindi pa san mo ba inilagay?" tanong ko

Pumunta ako sa drawer wala don.

"Pacheck nga sa tote bag?" utos nito sakin

Natawa na lang ako sa hitsura nito. Nakapikit siya at kinakapa ang kama. Hanggang sa nahawakan nito ang laylayan ng towel ko. Shit! Nakaboxer lang ako. Tarantang pinulot ko ang towel. Geezz!

"Wag ka mumulat. Wag ka mumulat ahh! Pikit ka lang!" Utos ko dito at mabilis kong binalot ng towel ang sarili ko.

Kaso pagtayo ni Luna sa kama. Nadulas ito. Nakonsensya naman ako may kasalan bat nabasa ng tubig ang sahig.

Dahil sa adrenaline rush. Mabilis ko itong sinalu. Mula sa pagkakahulog. Hinila ko ang kamay nito at hinawakan ko siya sa bewang at saka inilapit sa aking katawan.

Wonderful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon