Chapter 5

4 1 0
                                    


ATLAS POV


A&A Mobile Group of Companies


"Seryuso ka ba? Bakit Blackhole?" nagtatakang tanong ko kay Charles

"Bakit hindi? Alam mo ba 40000 copies ng novel niya, ang sold out kaagad sa unang labas pa lang. Imagine that! Binasa ko ang Novel niya at talagang maganda. Nag-aabang na nga ako ng Book 5. Saka bago kami nagdecide ng production team. Nagpasurvey muna kami at halos 99% ang gusto nila gawing movie ang Blackhole. Isa pa mahigit 2 years na namin ito pinagaralan. Take it ot leave it. Bro! Call me anytime" napakadaming sinabi ni Charles at natatawang iniwan at kinindatan pa ako.

Malaking tulong ang project na to. Para sa itataas ng sales ng Company. Pero magkakatrabaho kami ni Luna. Ano gagawin ko? Natitigilang napapahawak ako sa ulo ko. Bakit kasi need pa ng collab sa writer? Pwede naman ibase ang animation sa nasa book. Kesyu mas alam daw ng writer ang content ng novel niya. Nakakainis lang si Charles. Bahala na nga! Sabagay, one Month collab lang naman. Para sa mga employees ko. Fine gagawin ko.

Tinawagan ko si Charles.

"Nakapagdecide ka na? Ang bilis ahh..." natatawang bungad nito

"May mga condition ba ng writer sa Collab na ito?" Tanong ko

"Wala pa naman... Ako ang may condition? Actually Pinagiisipan niya pa?" natatawang sagot nito

"Anong condition mo?" kinakabahan na tanong ko

"Secret muna? I call you again. Bye ma friend labyou." Pangaasar nito

Bwesit na yun. Lakas makabakla. Ano naman kaya condition? Peste talaga.



Luna POV


Tawag mula kay Martha ang gumising sakin ng araw na yun.

"Bakit Martha?" pupungas-pungas na tanong ko dito

"May good news ako sayo..." tatawa-tawang sabi nito

"Anong good news yan? Sure ka ba na ikakatuwa ko yan?" tanong ko

"Ito na ang Big Break na pinakakaabangan mo. Sikat ka na. Mas lalo ka pang sisikat." Tuwang-tuwang sabi nito

"Ano ba yun? Dami mo naman pasakalye." medyu inis na ako

Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wang lang sa bagong gising. Ang aga ko nagising dahil sa news na yan. Pag hindi ko lang ikinatuwa yan. Ibibitin ko ang released ng Book 5. Bala ka jan.

"Gagawin ng movie ang Blackhole." masayang sabi ni Martha. Muntik na ito manganak ng maaga dahil sa news na yun sabi niya.

"Seryuso ka ba?" natitigilang tanong ko

"Sobrang seryuso Mars. Tumawag si Sir Charles yung mismong producer at gusto ka niyang makausap personally. Kaya I handa mo na ang sarili mo. Mag kikita kayo ngayon sa isang resturant sa BGC at 3PM. Good luck!" natitigilang ibinaba ko ang phone matapos ang tawag ni Martha.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang news na ito. Panibagong tao na naman na kikilalanin. Jusko po. Goodluck na lang sakin. Kung iturn down ko kaya ang offer niya. Kaya lang minsan lang dumating ang ganitong opportunity. Baka hindi na ito masundan. Maswerte nga ako may offer na ganito. Yung ibang writer gusto din nila maging movie ang mga obra nila. Dapat maging masaya ako. Makikilala na ang novel ko sa bansa. Pero bakit ganun parang may nasesense ako na hindi magandang mangyayari? Ewan ko ba kinakabahan ako. Pwede din naman na nega lang or OA.

Wonderful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon