FIVE "WRENCH"

10 0 0
                                    

Palabas na si zian sa garden habang may suot na headphone at kumakanta nung matanaw n'ya sa duyan ang kapatid n'ya na muk'ang malalim ang iniisip.
"'wag mong sabihing inaantok kana? Tanghali ka na ngang nagising d'yan. Bukas kasukat mo na 'yung aparador."

Pang-aasar ng binata nung tingnan s'ya ng masama ni zeneia
"kung wala kang masabing matino... Get lost! In short,chupi! Bawal may tuga dito."

Pagtatabuyan ng dalaga.
"utot mo ate."

Saka kinalikot ng binata ang ilong nito kaya s'ya biglang sinuntok ng dalaga.
"fuck you! Umalis ka dito..."

Sigaw ng dalaga.
"hmm, mangingisda na nga lang ako. "

Sabi ng binata.
"mainam pa nang may pakinabang ka."

Sagot ng dalaga.
"oo,dadal'an kita ng bulig."

"salahula! Palib'asa tuga ka!"

"kuto ka naman."

Saka umalis ang binata. Muling tumahimik ang paligid ni zeneia nung makaramdam s'ya ng pagkainip at gusto nanamang pumunta sa kabilang bahay.

'gaya ng madalas n'yang datnan,tahimik at parang walang tao. Madalas s'yang nando'n pero para s'yang laging bago na umiikot ang paningin sa bawat sulok ng mans'yon na'to. Huminga s'ya ng malalim at parang gusto na n'yang umuwi nung pagbaling n'ya'y nagulat pa s'ya sa taong nasa harap n'ya. Napasandig pa s'ya sa dibdib nito.

Tiningnan s'ya ng binata na lalong kinalakas ng kabog ng dibdib n'ya. Yung tipong nanginginig ang buong kalamnan,namamawis ang mga kamay,nangangatog ang tuhod at halos mapanganga na nakatulala s'ya sa binatang ibang-iba ang awra. Hindi na nakakatakot ang titig nito. Parang maamong tupa ang tingin ni zeneia kay sly. "'wag kang tumingin sa'kin parang-awa mo na 'di ko na kaya.../titigan mo pa 'ko gusung-gusto kong makita ang muk'a mo..."

Pagtatalo ng isip at puso ng dalaga. Napako na ang paningin n'ya sa binata hanggang sa...
"anlaki mong bara."

Sambit nito saka s'ya hinawi ng binata na naging dahilan ng pagbalik n'ya sa reyalidad.
"aba!"nagdire-diretso lang ang binata. "hoy! Ano'ng karapatan mong hawiin ako? How dare you treating me like that?"

Anas nito habang sinusundan si sly papuntang kwarto,tuloy parin ang kung anu-anong salita ng dalaga 'gang makarating sa loob ng kwarto ang binata.
"...ano? Magsalita ka!"

Huminto bigla ang binata "..oh bakit? Lalaban ka?" pagmamatapang pa ni zeneia na hinawakan sa braso ang binata nung magulat s'ya sa mabilis na pangyayari. Nahila s'ya ng gano'n-gano'n lang ni sly,sinabayan ng pagtulak nito sa kan'ya pahiga at saka s'ya kinorner nito.

Napaingit pa ang dalaga sa pagdagan sa kan'ya ng binata at paghawak nito sa mga kamay n'ya.
"...alam mo bang magaling akong magbasa ng isip ng tao?"

Mapang-akit ang boses na'yon ng binata,halos maduling ang dalaga sa lapit ng muk'a nito sa kan'ya. "ano? Subukan natin?" bumugso ang kaba ng dalaga.
"ha? A-ang alin?"

May bahid ng pangamba ang tono nito nung maningkit ang mata ng binata.
"'yang iniisip mo..."

Sagot ng binata,napalunok si zeneia
"w-wala akong iniisip."

Ngumiti ng sarkastiko si sly
"malinaw pa sa malinaw ang nababasa ko sa'yo. Kaya 'wag mo 'kong hahamunin..."

Banta ng binata sa mapanuksong paraan. Umiwas ng tingin ang dalaga."subukan natin 'yang tapang mo."

Kinabahan nanaman ang dalaga sa sinabing 'yon ng binata,hanggang sa malumanay na ilapat n'ya ang labi sa labi ng dalaga. Napasinghap pa ito. Dahan-dahang pinasok ng binata ang dila n'ya sa bibig ng dalaga kaya napapikit ito hanggang sa magsimula ng gumalaw ang labi n'ya.

Ano mang pigil ni zeneia ay parang may nagsasabing makipagsabayan s'ya hanggang sa 'di na n'ya namamalayan ang nangyayari.

Dumapo ang kamay ng binata sa bewang nito para malumanay na itaas ang damit ng dalaga,kasabay ang pagbaba ng halik nito sa leeg n'ya. Sinamyo pa ng binata ang babaeng-babaeng amoy ng dalaga hanggang sa dumaloy na sa buong katawan n'ya ang parang kuryente na naging dahilan ng paglabas ng pangil n'ya.

Handa na n'yang kagatin ang dalaga nung mapahinto s'ya nung maramdaman n'ya ang mainit na kamay ng dalagang humagod sa likuran n'ya papuntang braso. Tiningnan n'ya ang inosenteng muk'a ng dalaga na nakapikit nung bumalik s'ya sa normal.

Nabigla si soul nung makita sila sly sa nakabukas na pinto ng kwarto. Alarma s'yang papasok sana nung biglang sumara 'yon.

Mainit ang bawat galaw ng labi ng dalawa habang malumanay n'yang hinahaplos ang ulo ng dalaga. Nakaakap naman 'to sa kan'ya.

Wala sa sarili si soul na nakaupo sa mataas na lugar habang nakatingin sa bwan nung bigla nalang s'yang umangat.

Hinila s'ya pataas ni gaudy.
"bakit?"

Tanong ng binata.
"'ano'ng nakita mo?"

Tanong ni gaudy
"wala."

Tanging sagot ng binata.
"'yung totoo."

Nagbuntong-hininga si soul.

Nagising si zeneia sa ginaw. Wala pa 'to sa ulirat na bumangon para isara ang bintana nung pagbaling n'ya'y kumunot-noo s'ya habang inaaninag ang nakikitang tao sa kama nung ( malumanay na ilapat n'ya ang labi sa labi ng dalaga. Napasinghap pa ito. Dahan-dahang pinasok ng binata ang dila n'ya sa bibig ng dalaga kaya napapikit ito hanggang sa magsimula ng gumalaw ang labi n'ya.
Ano mang pigil ni zeneia ay parang may nagsasabing makipagsabayan s'ya hanggang sa 'di na n'ya namamalayan ang nangyayari. )maalala n'ya 'yon.
"oh my god! This is fuckin' shit..."

Gustung-gustong sumigaw ng dalaga sa halu-halong emos'yon pero minabuti n'yang 'wag mag-ingay. No'n lang din n'ya napansing nakabalot lang s'ya ng comforter. Guilty na guilty s'ya habang lumalapit sa natutulog na si sly. Upper nude pa 'to. Ni 'di n'ya naiwasang hagurin ng tingin ang katawan ng binata. "ok,nangyari na... Wala na'kong magagawa. Eto last na."

Kabado s'yang lumapit pa sa binata para halikan 'to. Pumikit pa talaga para dama nung mapahinto s'ya sa naramdamang mainit na dumapo sa pisngi n'ya. Inakyatan s'ya ng kilabot nung pagdilat n'yang nakatingin sa kan'ya ang binata. Titindig palang s'ya nung bigla s'yang hilahin ng binata papatong sa kan'ya sabay halik dito.

SINISTER MIRAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon