SEVEN "TEMPTATIONS"

31 0 0
                                    

(Kinaumagahan)
"...ang agang gumagala naman ni zian mama..."

Puna ni zeneia habang nag-aalmusal

"hayaan mo't bakasyon naman."

"eh 'asan ba s'ya?"

Pahikab na nakaupo si zian sa falls habang namimingwit nung bigla na lang s'yang kilabutan at nasundan pa 'yon ng kaluskos mula sa likuran n'ya kaya alarma s'yang lumingon.
"m-may tao ba d'yan?"

Tanong ng binata nung mapalingon s'ya sa muling pagkaluskos sa ibang bahagi. Kabado na s'yang tumayo at balak ng umuwi nung biglang may kumagat sa pain n'ya,may kabigatan 'yon at dahil wala s'yang pwersa nahila s'ya nito dahilan para pasigaw s'yang dumausdos sa tubig."ahy! Badtrip naman oh!"

Anas n'ya na umahon nung mapalingon s'ya sa narinig na tumatawa. Nung makita n'ya ay napakunot-noo s'ya.

Natulala s'ya sa ganda ng babaeng lumapit sa kan'ya. Maputi at makinis,maamo ang muk'a at talagang maganda.
"sino ka?"

Tanong ng binata,nginitian lang s'ya nito.

Nakakaramdam ng masamang kutob si aliyah,'di maipaliwanag ang kaba n'ya. Mag-aagaw na ang dilim at liwanag pero wala parin si zian kaya minabuti n'yang tanungin ang kapatid nito na nasa garden.
"malay ko do'n,nagtataka nga din ako kung sa'n s'ya kumain,ni 'di s'ya umuwi nung tanghalian..."

Hayag ni zeneia.
'gano'n ba?"

Akmang aalis na ang dalaga.
"nag-aalala ka para sa kan'ya?...umamin ka... May gusto ka kay tuga no?"

Bumugso ang kaba ni aliyah kaya ito umiwas ng tingin kay zeneia."...alright,'di mo naman kelangang sagutin... Ayokong pakealaman kayo."

Dugtong pa ng dalaga.

"...totoo nga pala carrolayn... Maganda sa loob nito 'gaya ng kwento ng kapatid ko. Kilala mo ba s'ya?"

Tanong ni zian habang pinagmamasdan nito ang mga gamit sa kwarto ng dalaga.
"si zeneia? Oo naman,kilala ko s'ya."

Sagot ng dalaga. Ngumiti ang binata saka bumaling kay carrolayn nung makaramdam s'ya ng hiya kaya s'ya napayuko at agad ding tumalikod ,nakahubad kasi ang dalaga. Underware lang ang suot.

Namamawis ang katawan ng binata sa matinding pressure na nararamdaman at lalo pa 'tong nadagdagan nung maramdaman n'ya ang paghaplos ng kamay ng dalaga sa balikat n'ya pahagod sa bewang.

Napalunok s'ya nung maramdaman ang init ng hininga ng dalaga ay nasa batok n'ya. At nagsimula na nga s'yang halikan nito sa leeg saka s'ya biniling paharap.

Akit na akit ang binata sa malusog na dibdib nito at makinis na kutis,habang ang mata ng dalaga'y mapang-akit at ang labi n'yang parang nanunukso.

"c-carolayn..."

Halos pabulong nalang ang boses ng binata habang nakikiliti sa hagod ng daliri ng dalaga sa tenga n'ya. Nagsimula na s'yang halikan ang dalaga. Bagay na tinututulan ng isip n'ya pero wala s'yang nagawa.

Bumagsak sila sa kama,habang naghahalikan ng matindi ay hinuhubad ng dalaga ang damit ni zian. Pagtapos ay kumalas ito at inabot ang maliit na kutsilyo sa ilalim ng unan.
"this is our game..."

Bulong ng dalaga,'di na maintindihan ni zian ang nangyayari na para s'yang nahihilo habang pinagmamasdan ang nakapaibabaw sa kan'yang dalaga.

Nilabas ng dalaga ang dila saka 'yon hiniwa ng pa-krus. Nung dumugo na'y mariin n'yang hinalikan ang binata.

Halos 'di na makahinga si zian na nasasalo lahat ng dugo ng dalaga na nalulunok naman n'ya. Mariin rin ang bawat hawak n'ya sa parte ng katawan ng dalaga habang bumaba ito.

SINISTER MIRAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon