EIGHT "DOWNCAST"

19 1 0
                                    

"...dito 'ko nagpupunta kapag nakakaramdam ako ng 'di maganda."

Hayag ni sly habang nakapangalumbaba Sa tulay.

"..'di maganda gaya ng?"

Tanong naman ni zeneia. Maghahating-gabi na'yon at tumakas lang ang dalaga para makasama si sly. Nakatanaw s'ya sa buwan habang katabi ang binata.

"'pag nalulungkot ako. 'pag naaalala kita. 'pag nararamdaman kong gusto kitang makasama pero 'di pwede..."

Sagot ng binata saka tumingin sa mata ng dalaga. Dumaloy ang kakaibang pakiramdam kay zeneia. Ibang-iba ang binata sa dating pagkakakilala n'ya dito... Bag'ya s'yang natawa."may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"wala! Nagtataka lang ako kung pa'no nga ba nangyari? I mean,kelan mo pa naramdaman 'yan?"

Tanong ng dalaga. Hinawakan ni sly ang kamay n'ya at nilapat sa sariling pisngi.

"matagal na... Kung alam mo lang."

Hayag ng binata.

"natatawa ako 'pag naiisip kong nung una halos patayin mo 'ko sa mga titig mo. Pero ngayon,patay na patay na tayo sa isa't-isa."

"don't worry zeneia,maiintindihan mo rin pag dating ng araw."

Saka ginawaran ng binata ng halik ang dalaga.

Sa 'di kalayua'y may matalim na paningin ang nagmamasid sa dalawa. Halatang galit na galit ito.

"...mauulit lang ang lahat,kaya mas maganda kung aaksyon na tayo."

Hayag ni carolayn mula sa likuran na nakatingin din sa dalawa.

"konting tyempo lang... Tatapusin ko din s'ya."

Hayag ng dalagang 'yon,maganda ito at halatang matapang.

"kelan pa? 'pag naulit lahat? 'wag mo ng ipangalandakan na simula't-simula...talunan ka. At last option kalang n'ya."

Pang-uulot ni carolayn,dahilan para madagdagan ang galit ni tiarra.

Dumaan sa kwarto ni zian si aliyah nung mapahinto s'ya. Parang may kausap ang binata.

"...oo,namimiss nga kita,ewan ko ba? Parang buong araw ikaw ang nasa isip ko... Ako ba? Namimiss mo ba 'ko?"

Tanong ng binata na tulalang nakatitig sa muk'a ni carolayn. Tiningnan pa ni aliyah ang oras,alas kwatro na ng madaling-araw pero sa boses ng binata'y parang 'di pa 'to natutulog.

"...gusto kitang makasama,ngayon...habang-buhay..."

Bulong ni carolayn sa punong-tenga ng binata.

"gano'n din ang nararamdaman ko."

Hayag ng binata. Ngumiti ng maluwang ang dalaga at naglabas ng punyal.

"gusto mo bang subukan uli?"

Tanong ng dalaga na nang-aakit. Tumango naman ang binata. Hiniwa ng dalaga ang dila at akma ng hahalikan ang binata nung magulat ito sa biglang pagbukas ng pinto.

"aliyah...."

Sambit ni zian na parang nahihilo. Umikot ang paningin ng dalaga sa kabuuan ng kwarto.

"..ba't 'di kapa natutulog?"

Tanong ni aliyah na simpleng nagmamasid.

"ha? Ah-nagising ako nung pumasok ka.yata?"

Di pa sigurado ang sagot ng binata.

"'di ka makatulog? Gusto mo bang sa kwarto ko nalang matulog? Para walang gumagambala sa'yo?"

SINISTER MIRAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon