PROLOGUE

23 7 4
                                    


"MURDERER! MURDERER!"

Sigaw ng mga taong humahabol samin ni mama...

Nakapagtago kami sa likod ng malaking puno at

"Tumakbo ka na at wag ka ng babalik dito!!" pagalit sakin ni mama habang hindi na matigil ang iyak ko..

"Ayun sila!" sigaw ng mga taong humahabol samin..

Tinulak nya na ako at tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakapagtago ako sa mga basurahan kung saan nakikita ko si mama....

"Asan ang mamamatay mong anak! Sumagot ka!" sigaw ng lalaking nasa tapat ni mama

"Hindi porke't Mayaman kayo ay kaya nyo ng Takasan tong kasalanan ng Anak nyo!" Sigaw ng isa sa mga taong humahabol saamin ni mama.

Hindi nagsasalita si mama at tumingin sya banda sakin kaya't tinakpan ko lalo ang bibig ko habang hindi na mapigil ang iyak ko sa nakikita ko..

"Ayaw mong sumagot ha!"

Hawak na sya ng mga tao at pinagpapalo ng kahoy sa katawan,sa ulo, sa likod, sa paa.. at sa nakikita ko ang dami na nyang dugo sa ulo at halos hindi na madilat ang mga mata..

Hindi ko kaya ang nakikita ko at lumabas ako kung saan ako nagtatago.

"Tumigil na kayo! Tigilan nyo ang mama ko! Tigilan nyo na kami! Wala akong kasalanan, Parang awa nyo na wag ang Mama ko" Sigaw ko sakanila.

Nakita ko si mama na gusto nyang tumayo pero hindi na nya kaya dahil sa mga Palo na natamo nya hanggang sa nagsalita sya na parang ako lang ang nakarinig..

"Run for your life Leigh, Run.." sa mahinang boses nya hanggang sa nawalan na sya ng Malay.

Ayoko mang iwan si mama pero alam kong gusto nya akong makaalis dito sa lugar na to dahil sa mga taong humahabol samin.

Bumalik ako sa bahay namin at doon ako dumaan sa Secret Passage na kami lang Pamilya ang nakakaalam.

Pag pasok ko bumungad sakin si papa na sobrang daming dugo ang nagkalat sa sahig..

Lalapitan ko sana sya kaso may mga taong parating kaya't nag tago ulit ako.

Nakita kong pinulsuhan ng lalaki si papa at tumingin sya sa kasama nya sabay sabing " Wala na.. Patay na. "

Parang nabingi ako sa sinabi ng lalaki
Kaya't tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may humawak sa kamay ko at mas lalo pang bumilis ang pag takbo namin.. hindi ko makita ang mukha ng taong may hawak sa kamay ko dahil sa sobrang dilim na..

Magpapasalamat na sana ako ngunit pag lingon ko sa napuntahan namin nakaposas na ang kamay ko at may mga pulis na na naghihintay saamin..

Nagpupumiglas ako sakanya baka sakaling makawala pa ako pero bigo ako ng lumapit na samin ang mga pulis at isinakay na ako sa sasakyan..

Napalingon ako sa likod habang tumatakbo ang sasakyan at Nakita ko kung sino yung lalaking humawak sa kamay ko na akala ko ililigtas ako pero mas lalo akong pinahamak..

"No..... no....... not you.... how can you do this to me Wes?.." bulong ko sa sarili ko habang nanghihina dahil iniisip ko ang kalagayan ni mama at papa at kung bakit ako tinraydor ng taong akala ko mapagkakatiwalaan ko....

Sweet VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon