Part:26

1.2K 58 8
                                    

@Room

Ngayung araw ay Monday at nakakagulat lang na hindi ako late,ganun ata talaga kapag inlove ka nagiging maagang pumasok para maagang makasilay,tahimik kong inantay si Sir.Mutya habang ang dalawa kong bestfriend ay sobrang ingay sa dalawa kong gilid.

"Masaya ba ang date?"bulong ni Alex sa taenga ko.

"Masaya"mahina kong sabi at ngumiti matapos maalala ang date namin ni Mark sa E.K

"Haba ng hair nag-rejoice shampoo ka ba gurl?"mahina ding sabi ni Liam sa gilid ko.

"Oribe ang shampoo ko gaga"natatawa kong sabi.

"WHAT?!"gulat na sabi nito "oribe?"ulit nito "diba mamahalin yun?"bigla akong natigilan at hindi makapag salita.

Oo nga pala dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi at ginagamit ko kase hindi pa nila alam na mayaman talaga ako,baka mabuking nila ko.

Hanggang ngayun ay hindi pa din alam ni Alex at Liam na mayaman ako kaya dapat ay mas maging maingat ako sa gawa,salita at sa ginagamit ko.

"Nagloloko lang ako gaga!"natatawang sabi ko pero sa totoo nyan ay nagpapalusot lang ako.

"Ok"hindi naniniwala nitong sagot sa akin.

Maya-maya pa ay dumating na si Sir.Mutya at naturo ng mahusay,sa gitna ng kanyang pagtuturo ay may kumatok sa pintuan namin kaya lahat ng atensyon namin ay napunta doon,bumukas ang pinto at iniluwa nito si Felix

"B-bakit may kailangan ka?"tanong ni Sir.Mutya

"Palabasin mo si Zian may sasabihin ako"saad nito,walang galang amputek!

Bakit?,anong ginawa ko?

"Ah Zian bilisan mo lang ah"naka ngiting sabi ni Sir.Mutya sa akin.

Plastik!

Naiilang akong ngumiti sa kanya at lumabas ng room kasama si Felix,paglabas namin ay sinarado ko ang pinto at doon kami pumuwesto.

"Bakit anong kailangan mo?"nagtatakang tanong ko.

"Bayad ko"saad nito sabay abot sa akin ng isang chuckie "naubos ko kase yung chuckie mo kagabi"

"Salamat"natatawa kong sabi "At bakit mo naman naisipang ibigay sa akin to ngayun sa gitna ng klase kung may recess at lunch naman mamaya?,aber?"saad ko habang naka taas ang isa kong kilay.

"Look"seryoso nitong sabi "kagagaling ko lang sa 7/11 kaya malamig pa iyan"sabay turo sa chuckie "malalamigan at mababasa ang bulsa o bag ko kung itatago ko payan mamaya"

"Hindi kaya"sabay lagay ng chuckie sa bulsa ko "pag ako hindi nalamigan patay ka sa akin"

Ngayun palang ay nakakaramdam na ako ng lamig na nanggagaling sa aking bulsa.

"Ikaw bahala"sabay talikod sa akin at umalis sa harap ko hanggang sa hindi ko na makita ang anino nya.

"Bastos!"reklamo ko kay Felix kahit wala na sya sa harap ko.

Mahina kong pinihit ang pintuan namin at naglakad papunta sa upuan habang naka yuko ang ulo.

Kawawa naman si Sir.Mutya lagi nalang natitigil sa pagtuturo kase palaging may kumakatok sa room namin -saad ko sa aking isip habang naka tingin kay Sir.Mutya

Habang nakikinig ako ay ramdam ko ang lamig sa aking hita na galing sa chuckie na nasa bulsa ko.

Totoo nga ang sinabi ni Felix na lalamig at mababasa ang bulsa nya kung nagkataong mamaya nya pa ibibigay sa akin yung chuckie.


Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon