Part :37

633 38 32
                                    

Third person pov

KINABUKASAN,sabay-sabay pumasok ang magkakaibigang gangster maliban lang kay Clark,nagtataka nga sila kung bakit hindi ito dumating sa tambayan nila bago pumasok sa room,pag dating nila sa classroom wala din si Clark.

"Anong nangyari kay Clark?"tanong ni Paul sa mga kaibigan pagkaupo sa kanilang mga silya.

"Oo nga"nagtatakang sabi ni Mark.

"Diba maaga naman yun pumapasok,never pa yung nalate sa tambayan"saad ni Ian.

"Guys...natae lang yun"patawang singit ni Ice kaya natawa ang mga magkakaibigan.

Hinayaan nalang nila ang topic na iyon at hinintay ang first teacher na si Sir.Mutya.

"Hi Mark!"bati ni Xandra kay Mark.

"Morning"tipid na sabi ni Mark kay Xandra habang hindi naka tingin dito.

Ang mga mata ni Mark ay nakatutok sa kanyang harapan kung saan ang upuan ni Zian,galit man sya kay Zian gusto nya parin itong  nakikita  kaya nagtataka sya kung bakit wala pa ito.

...
Nag-star na ang klase pero wala sila Alex,Clark at Zian

Why????

Third Person POV (ALEX)
Pagmulat ng mga mata ni Alex bigla agad syang napatayo mula sa pagkakahiga mula sa malambot na kama.

"Shit anong oras na!!,bakit hindi ako nagising sa alarm!!"nang-gigigil na sabi nya sa sarili.

Agad nyang kinuha ang school uniform nya at naligo,mabilisang ligo lang ang ginawa nya,paglabas nya ng banyo agad nyang kinuha ang bag nya at kumuha ng biscuit sa lamesa.

Pinadluck nya ang doorm nya at mabilis na naglakad papunta sa room nila,habang nasa daan sya nagsusuklay at kumakain sya ng biscuit.

'Gosh nakakahiya late ako!!'saad nya sa kanyang isip.

Nang nasa tapat na sya ng kanilang room inayos nya ang kanya sarili,tinago nya ang kanyang suklay at ang natitirang biscuit na kinakain nya sa bag,huminga sya ng malalim bago kumatok.

Tok!,tok!,tok!

Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kanya ang mga kaklase nyang nakatingin sa kanya.

"Sir I'm sorry am late"kinakabahang sabi ni Alex.

"Your 12 minutes late,noted yun"

"Opo,Sir,sorry po"nakayukong sabi ni Alex.

"Sige maupo kana"maglalakad na sana si Alex nang may napansin ang teacher nya"wait anong nangyari dyan sa pisngi mo?,bakit may gasgas"

"Ahh binangungot lang po"saad ni Alex sabay smile at upo sa upuan,kahit nagtataka si Sir.Mutya kung bakit ganun ang sagot ni Alex ay hindi nalang nito pinansin at nagturo nalang ulit.

...
Third Person POV (ZIAN)

Nagising si Zian nang may tumatama nang sinag ng araw sa kanya mukha,dahan-dahan syang bumangon at pumunta sa alarm clock nya para patayin ngunit natigilan sya nang nakita nyang hindi naman ito nagriring at kanina pa sya late.

Agad syang tumakbo sa banyo at naligo ng saglit,paglabas nya nag-uniform agad sya at nagsuklay,pagkatapos nun sinakbit nya na yung bag nya bago isara ang kanyang doorm.

Tumakbo na si Zian dahil natatakot syang mapagalitan ng kanyang guro sa harap ng mga kaklase nya,bawat lapat ng sapatos ni Zian sa hallway ay rinig na rinig dahil wala na syang nadadaanang mga stuyante,rinig na rinig nya din ang kumukulo nyang tyan.

Pretty Nerd & Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon