PART I

56 1 0
                                    

Hi. Hello. Mabuhay! Ako nga pala si "Danna". 19 years old. At mabait na mabait na mabait na mabait na sobrang bait. Obvious ba? :D Sa sobrang bait ko hinayaan ko lang saktan-saktan ako ng iba't-ibang taong dumaan sa buhay ko nang wala man lang akong kalaban-laban. Pero so much for that pabayaan na natin yun. Dahil hindi naman yun ang focus ng kwento ko. Yung ikwekwento ko po ay sobrang recent lang. Ito'y kwento ng pagmamahal at pagdadalamhati-- na may mga taong dumadaan sa buhay natin hindi para manatili.. Kundi para bigyan tayo ng masakit na karanasan kung saan matututo tayo at magpapalakas sa ating pagkatao.

Ako nga pala yung tipo ng babaeng mahilig magpost ng kahit ano sa Facebook at Instagram. As in kahit ano lang ipopost ko talaga dahil dun ko lang nalalabas lahat ng nasa loob ko masakit man o hindi, malungkot man o masaya.

December 22:

While surfing the net and looking for some notifications on my Facebook account, biglang nagchat sa akin yung friend ko. Babae, si "Mitch" criminology student sa school kung saan din ako pumapasok at nakilala ko dahil rin sa lungkot ng pag-iisa :)) Sabi ko sa sarili ko "Ano kayang masamang hangin at nagchat ang babaeng to" When I opened the message sabi niya "Hi Danna, kumusta kana? May ipapakilala sana ako sayo. Friend ko mabait siya. Gusto ka rin niyang makilala". Well hindi ako bastos na tao, kapag may nagchachat sa akin na stranger kahit pabait effect lang nirereplyan ko as much as possible dahil hindi naman superstar ang tingin ko sa sarili ko para hindi magreply. So ayon, nakita ko nalang ang sarili ko na tumatawa habang nagrereply kay "Mitch" ng: "OKAY LANG SIGE" Sakto sinend pa ni "Mitch" yung pictures nung friend niya at infairness mama, ang cute niya.

Mitch asked for my number and I gave it to her yung last words nalang niya "Wait for Kiel's text message ha sana magkita kayo as soon as possible". Nakakatuwa na nakakakilig isipin na after nung chat ni Mitch na yun, naghihintay ako ng text galing sa taong hindi ko kilala at tanging alam ko lang ay "Kiel" ang pangalan niya. Hindi ako natatakot o kinakabahan kung mag-usap man kami dahil before pa na magmessage sakin si Mitch iniisip ko na rin ang "blind date". Never tried doing that thing but I think it's exciting. One more thing haler??? 8 months na kaya akong hindi nakikipagdate at ni hindi nakikipagsweet-sweetan kahit kanino. Kawawa naman ang lola niyo. Baka tumanda pa akong old maid. :D

SEE YOU SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon