PART V

46 1 0
                                    

It's a damn cold night

Trying to figure out this life

Won't you take me by the hand take me somewhere new

I don't know who you are but I'm with you :')

December 24:

Konting-konti nalang talaga at oras nalang ang hinihintay at magpapasko na. Hindi makakauwi si Kiel ngayong araw na to sa Pampanga which is okay lang naman sa akin. Sabi niya sa December 25, dun nalang siya uwi at aalis kami.

May sinabi si Kiel sakin this day. Nakwento raw niya ako sa mga parents niya sa States. Yung father niya kasi, naggraduate rin sa school kung saan ako pumapasok. Scholar pala ako hehehe academic scholar hindi nga lang halata. Happy naman daw yung parents niya at excited na silang mameet ako dahil kahit isang babae ay wala pang pinapakilala si Kiel sa kanila dahil madalang nga ang umuwi sina Tito at Tita. Yessss! Tito/Tita feel na feel ko na talaga.

Before 12midnight, also known as the "noche buena" of every Filipino na nagcecelebrate ng pasko, Kiel told me na dumating mga tito at tita niya sa Manila at biglang nagluto. So uminom sila para magcelebrate. Sabi pa nga niya sa akin. "Mahal kinakabahan ako. May kutob ako na biglang uuwi sina Mommy at Daddy. Feeling ko nakacheck-in na sila at anytime bigla nila akong isusurprise". Natuwa naman ako para sa kanya complain kasi siya ng complain na malungkot daw kasi hindi niya feel yung Christmas dahil nga wala ang parents iya. Atleast kung totoo man na nasa Pinas na nga sila magiging happy na yung pasko ng mahal ko diba :)

After 12midnight, habang katext ko si Kiel, daig pa niya ang nanalo sa lotto at tama nga ang hinala niya na dadating parents niya at isusurprise siya. Yehey, edi party-party na sila sa Manila. Masayang-masaya ako para sakanya. :)) Tapos gulat na gulat ako dun sa sinabi niya sakin. Sabi niya "Mahal, may gift na dala sila mommy, nakita ko pangalan mo" Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa nabasa ko dahil feeling ko sobrang special ko na talaga at kahit hindi ko pa namimeet parents ni Kiel at si Kiel talagang tinatanggap nila ako ng buong puso. I must be lucky but not until.....

"Mahal gusto ko magpakahonest sayo. Gusto ko lahat ng ginagawa ko alam mo. Gusto ko wala akong itinatago dahil ayaw ko magsinungaling sayo. Mahal kita hindi mo deserve na pagsinungalingan ka dahil napakabait mo" yan ang sabi ni Kiel sakin out of the blue. Bigla akong kinabahan at iniisip ko kung ano ang nangyayari at bakit niya nasabi yon..

"Mahal, biglang dumating dito si Fiona. Alam niya kasi yung bahay namin. She wants to make-up with me. But I don't love her. Wala akong magawa, dito raw siya magcecelebrate ng Christmas" and I was like... Whaaaaat theeeeeeee helllllllll. :( I don't know why pero bat nasaktan ako. After nung message niyang yon kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Mahal pa ba niya talaga si Fiona? Masaya ba silang magkasama? Ano kaya ang ginagawa nila? Dun ba siya matutulog? Sila na ba ulit? Naghiwalay ba talaga sila? Niloko lang ba ako ni Kiel? Napagtripan lang ba ako? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at gagawin ko pero this time isa lang ang napatunayan ko. Mahal ko na ata talaga si Kiel. Masaya ang magmahal pero pag nasaktan ka masakit at yun ang true love. Pero teka, bakit ako sinasaktan ng true love ko :( I acted that night as if everything 's okay with me. Hindi ko na pinakita sakanya na nagseselos ako at mukhang nag-eenjoy naman siya :( Sobrang bagal niyang magreply nung mga oras na yon at para akong ginigisa sa mainit na mainit na mantika, napapaso ako. Sobrang masakit. Hanggang sa tuluyan na siyang hindi nagreply nung gabing yon. :(

Please read part 6 :(( :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEE YOU SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon