PART II

34 1 0
                                    

Sabi nila "Love will knock at your door when you least expect it".


December 22 6:59pm

"Hello this is Ezekiel, friend ni Mitch :)"

Ohhh my gosh. Ohh my gosh.. Nagtext na yung cute na sinasabi ng friend ko. Anong gagawin ko? Anong irereply ko sakanya? :o

So syempre nagreply ako wag kayong mag-alala :) Heto yung conversation namin.

Danna: Hi zik. What's up?

Zik: Ano full name mo? Thank you binigay mo number mo, actually last night pa sana pero okay na din.

Hayy grabe ang haba talaga ng buhok ng lola niyo. Nag-usap kami ng matagal na matagal nung araw na yon. Naikwento na pala ako ni Mitch sakanya kaya minsan sa mga tinatanong niya, may idea na rin siya sa isasagot ko. Mabait si Kiel sa first impression ko sa kanya. Hindi mahirap pakisamahan sa ugaling ipinapakita niya nung kausap ko siya that time. As in haba ng mga text messages niya lulang-lula ako tapos hindi pa man ako nakakapagreply sa isang message niya may kasunod na agad. So, nag-assume ako na intresado nga sakin ang mokong na to. Ayie kilig kilig naman ako. Ihhh ganda ko te.

May problema nga pala si Kiel na nasabi rin pala ni Mitch sakin. May girlfriend daw siya na ex niya na daw ngayon at 2years yung naging pagsasama nila. Kiel told me everything about his previous affair with that girl. Tago na lang natin siya sa pangalang "Fiona". Sabi ni Kiel, on and off daw ang relationship nila at hindi siya naging masaya dahil nga may topak talaga si Fiona. Habang yun ang topic namin ni Kiel, mukhang malungkot siya at dahil ako si superwoman, na pioneer na sa mga broken hearts, binigyan ko siya ng some sort of advices to calm him down. Huh, galing ko sa mga advice advice na ganyan. Yan naman tayo eh ang galing natin magbigay ng payo sa ibang tao pero kapag sarili na natin ang may problema, patay! Wala na. Kahit sino namang tao, kahit siya pa yung super talino sa mundo, pagdating talaga sa larangan ng pag-ibig nakakabobo. :D

Balik na tayo kay Kiel. Dahil daw mahaba yung pangalan ko, ano raw ang gusto ko itawag niya sakin. Hmmmm ayan na call sign! Cuteee! :)) Sabi ko naman, "Mahal" Yessss naman wooooh! Harot ko mahal talaga hahaha. Sa buong buhay ko kaya walang tumawag sa akin na Mahal. Pumayag naman siya sabi niya "Osige mahal". Hindi ko malaman pero nung binasa ko yung message niyang may mahal para bang may kuryenteng dumaloy sa loob ng katawan ko na nakapagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko. :))

Please.... Read the next part :*

SEE YOU SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon