Nung gabing yon, kausap ko si Kiel ng hanggang alas tres ng madaling araw kung hindi ako nagkakamali. Madami siyang nalaman sa akin tungkol sa buhay-buhay. Pero bago ko isa-isahin ang mga pinag-usapan namin ni Kiel, baka naman akala niyo Kiel ako ng Kiel dito sa inyo ng hindi siya pinapakilala. Si Kiel nga pala, student din na kapareho ko. Nag-aaral ako sa Angeles City Pampanga, siya naman sa Manila. Masscomm student ako at Pharma naman siya. Graduating na siya at ako 3rd year college palang. Kiel used to live alone in Manila. Maybe you're wondering paano sila nagkakilala ni Mitch eh taga Pampanga rin si Mitch like me. Si Kiel kasi taga Pampanga talaga nag-aaral lang siya sa Manila. Every weekends umuuwi siya dito sa amin sa Pampanga. At as usual loner din siya pag umuuwi siya dito dahil daw nasa US ang mommy at daddy niya. Sa tingin ko, galing siya sa isang mayamang pamilya dahil may sarili siyang sasakyan, nag-aaral sa isang magandang university, higit sa lahat he can go kahit saan niya gusto local man o international.
December 23:
Sa sobrang dami naming pinag-usapan noong December 22, I forgot kailangan ko pala gumising ng maaga at may lakad kami ng Lolabels ko, malapit na pasko, kayod kayod din pag may time. Pumunta kami dun sa isa ko pang lola na may kaya to visit her and greet her a Merry Christmas. At syempre yung aguinaldo :) Alam niyo na yun. Tinext ko si Kiel pagkagising na pagkagising ko, ayoko magtype ng mahabang message una, hindi naman kami, pangalawa, kakakilala lang namin, at pangatlo baka isipin ng mokong na yon malandi ako :D Sabi ko lang sa text ko "Good morning mahal" Hahahahaha hindi raw malandi may pamahal-mahal pa. Tapos hindi pa ako nakuntento, hindi ko kasi mapigilan nagtext ako ulit sabi ko " Kakatapos ko lang maligo. Paalis na kami. Text moko pagkagising mo mwah!" Eeeewww may mwah effect pa.
Pagkarating namin ng lola ko sa isa ko pang lola ayun chika-chika sila ako nakaupo lang habang tinitingnan yung mga cute puppies. Ewan ko habang tinitingnan ko yung mag-asawang aso na nagalampungan naisip ko bigla si Kiel. Kung bakit hindi pa siya nagtetext. Namimiss ko ata siya? Hayy bat ganon sobrang bait kasi niya eh at naramdaman ko na compatible kami kaya kahit ayoko magkagusto sakanya agad parang may humihila sakin papunta sa puso niya na hindi ko maexplain kung ano at kung bakit. Nung tapos na chika-chika nila at nagive-love na ni lola yung aguinaldo ay yesss naman. Bounce nakami. Nung nasa sasakyan bigla nagtext si Kiel. Hay tuwang-tuwa ako at sa sobrang excited ko buksan yung message niya nagkandamali-mali pa ako sa passcode ko sa phone. Hahahahaha :D
Sabi niya "Good morning mahal. San punta niyo nyan? Ingat kayo. Namimiss kita kahit natutulog ako aga ko nagising dati puro late. May dahilan na kasi ako para gumising ng maaga" Oh my fairy God mother. Totoo ba yung binasa ko? Na namimiss raw niya ako. Pareho ba nararamdaman namin o ilusyunada lang talaga ako? Landing bata rin tong si Kiel may dahilan na raw siya para gumising ng maaga eh kakakilala lang namin kagabi. Pero I feel him. Kasi ganon rin nararamdaman ko. Mahirap iexplain eh. Tanungin ko nalang kayo.
"Naniniwala ba kayo sa love at first text?" :D
Pleasee read part 4 * Thank you and God bless
BINABASA MO ANG
SEE YOU SOON
RomansThis is my first written work here in Wattpad. Thought of writing here few years ago but I never had the chance because of my bittersweet sentiments in life. So allow me to present to you my written output which is based on a real experience which...