CHAPTER 2: BOYS' POINT OF VIEW
"DAPAT KASI sa bahay ka nagpaprint."
"Okay lang Ford. Doon na ako sa may computer shop sa tapat ng lugawan magpapaprint."
"Ngayon na? Mamaya na lang lunch break. Hapon pa iyan ipapasa. Baka malate ka."
"Baka tamarin ako."
"Sige sakay na ko ng tricycle. Una na ako ng school," ang sabi ni Ford.
Agad na tinalikuran ni Siege ang kausap kasabay ng pagtaas ng kaliwang kamay na nangangahulugan ng paalam. Mga ilang lakad pa ay narating niya na ang pinakamalapit na computer shop. Twenty-four hours bukas ito at maaga pa kaya siguradong magagawa niya ang dapat niyang gawin. Actually, kailangan niyang magpaprint ng assignment para sa Solid Mensuration. "Kuya pa-rent open time."
Seven am pa kasi ang klase niya at 6 o'clok pa lang. Ayaw naman niyang tumambay sa hallway ng building kaya nag-open time na lang siya. Makapag-fb na nga lng.
Pagbukas ng kanyang account ay bumungad ang mga friend requests, unread messages at sandamakmak na notifications. Well, bahagya lang tiningnan ni Siege ang mga nag-add sa kanya at sa mga panahong iyon wala siyang ganang mag-accept ng mga requests maliban sa isang profile na nakita niya. Ganda nito ah... Accept...
Iniwanan niya ng message ang bagong friend sa fb saka naglog-out. May ilan pa siyang mga sites about music na pinuntahan bago mag-out sa computer shop. That is Siege, a good-looking guy which is definitely a music lover. He can sing and can play guitar although di ito alam ng karamihan. Only his family and his friend Ford know about this passion.
"Kuya out na. Paprint na rin. Ito iyong flash drive," sabi ni Siege sabay abot nito sa kausap.
"File name?" ang tanong ng nagbabantay.
"Assignment sa sadistang Sir P," ang sabi niya.
"Prof mo to no? Grabe ka."
"Eh ang daming pinagawa," ang pagdadahilan niya sa kausap. "Makaganti man lang."
"Kabataan talaga."
Kinuha niya ang kanyang mga pinaprint sa bantay at binayaran ang mga ito. Pagkalabas ng computer shop ay pumara siya ng tricycle at sumakay. Habang bumabyahe ay ini-scan niya ang ginawa niyang assignment. I guess di naman ito marereject...
"Ayos, may ten minutes pa," ang naibulong ni Siege habang iniaabot ang pamasahe sa driver ng tricycle na nasakyan. Nagmamadali niyang tinungo ang entrance ng school dahil ayaw din naman niyang malate. Waala siyang alintana sa kanyang paligid ng ipinatong niya ang kanyang bag sa table upang inspeksyunin ng lady guard ng ...
"Aba teka... hoy ako nauna sa pila! Ako ang dapat maunang magtap ng RFID ko... kaya get lost," sabi sa kanya ng babaeng tila asar na asar ang tono.
BINABASA MO ANG
Perfect Collision
Teen FictionSabi nga life is a never ending chain of mixed emotions. Nariyan si love, si hatred, si joy, si agony at kung anu-ano pa. Natural lang ito dahil ang tao ay nabubuhay, lumalaban. Let us see kung paano paglalaruan ng “never ending chain of emotions” a...