CHAPTER 1: THE COLLISION BEGINS
"HOY NENG, san kana? Yung assignment ko nasa iyo pa. Ay neng sabunot ka sa akin pag naunahan ka ni Sir P. dito sa room."
"Malapit na ko... hmm mga ilang kembot na lang andyan na ko."
"Eh nasan ka na ba?"
"Sa kanto na, sasakay na ko ng tricycle pagkababa ng jeep para mabilis okay?"
"Ay neng pag na-zero ako. It's over! Tapos pagkakaibigan natin."
"Lande nito... O siya malapit na ko bye..."
Nagmamadaling bumaba ng jeep si Leean dahil malapit ng mag-7 o'clock... ang start ng kanyang first period of her first semester of her first year in college. She is currently taking up BS Accounting Technology (BSAT for short) sa nag-iisang private university sa kanilang lugar.
Napasulyap pa siya ng sandali sa relong regalo sa kanya ng kanyang lola. Ten minutes na lang at late na siya. Agad niyang pinara ang tricycle na dumaan sa may kanto. Malayo kasi ang kanyang university sa main highway. Thus, she has two choices to get into the school... ang sumakay ng tricycle o maglakad ng pagkahabahaba. And obviously, the former is the best option.
Buti ten minutes pa before seven kundi nasabunutan ako ni Menchie. "Manong bayad po."
She is walking blissfully because she strongly believes that the God favored him at that moment. At dahil sa hindi siya male-late. She is approaching the entrance ng...
"Aba teka... hoy ako nauna sa pila! Ako ang dapat maunang magtap ng RFID ko... kaya get lost."
"Pila? Wala naman eh."
"Ate ako nauna dito."
"Di ba ate okay lang? By the way, ganda ng umaga parang ikaw ate guard."
"Wow pumick-up pa ang walanghiya," ang mahinang sabi ni Leean sa sarili.
"Ano?"
"Wala," ismid ng dalaga sa binata.
"Kasalanan ko bang mauna? Ikaw yung parang tangang maglakad diyan."
"Ako pa talaga ang tanga. Kaw? Anong tawag saýo? Aha... Di ba bastos. Get lost Siege."
"Well well well... kilala mo pala mo ako. May pagnanasa ka sa akin no?"
What a nerve ... bwisit... malelate na ako.Lagpasan ko na lang ito."Ate oh pakiinspeksyon na po ang aking bag." At tulad ng nassabi niya sa kanyang sarili, nilagpasan niya ang lalaki pero hinarangan siya nito. "Ano bang trip mo? Malelate na ko ano ba. Ayokong masingko."
"Kaw lang ba male-late? Pati ako. 7 ang first class ko. And look 6:56 na," sabay turo ni Siege sa wall clock.
BINABASA MO ANG
Perfect Collision
Novela JuvenilSabi nga life is a never ending chain of mixed emotions. Nariyan si love, si hatred, si joy, si agony at kung anu-ano pa. Natural lang ito dahil ang tao ay nabubuhay, lumalaban. Let us see kung paano paglalaruan ng “never ending chain of emotions” a...