Crush, Bakit?

40 1 3
                                    

Crush, Bakit?

By: Chenie8

Ako'y nakatingin sa iyong larawan,

"Hay crush ko, kay gwapo mo namang pagmasdan.

Kahit saang anggulo kita titingnan,

Perfect! Ni walang bahid na kapangitan."

Tingin lang nang tingin sa iyong larawan

Hanggang sa nagpop-up ang iyong pangalan

"Nag-chat si crush," 'di ko to inaasahan

Ang inbox ay dahan-dahan kong binuksan

Thank you sa floodlikes :),  ang message mo sa akin.

"MY GOSH, NILIKE KO?" bulalas ko sa iskrin

H'wag mo namang iseen, ang message mo naman

"Patay," ito'y resulta ng katangahan

Dali-dali naman ako sa pagreply

Iniiwasan na ako'y mahimatay

At upang ika'y 'di masyadong maghintay

Sa'king mga messages na sablay-sablay

Ilang araw na rin ang siyang nagdaan

Chat sa'yo dito, chat d'yan, chat kahit saan

Like naman dito, like d'yan, like sa kung saan

Hanggang sa punto na ako'y may nalaman

Biglang napawi ang malapad na ngiti

At pumatak ang luha sa aking pisngi

Paligid ay tumahimik ng sandali

Pinapakinggan ang puso ko na sawi

Nasayang lang ang aking pagpupunyagi

At mga araw na ika'y nilalandi

Alam mo naman na ika'y bukod-tangi

Sa puso ko, ikaw lang ang hinihingi

At ngayon ako ay nagdadalamhati

Sapagka't iba ang 'yong minimithi

"Crush, bakit?" ang tangi ko lang na nasabi

Ang gusto mo pala ay isang lalaki

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ni ChenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon