Chapter 1
“Haist, what am I doing here? Right now dapat nasa vacation ako in Boracay! I should be enjoying the sun and the beach! I should be laughing and relaxing with my friends!! I shouldn’t be here! Di dapat ako nandito!!!”
Napatingin saken yung babaeng katabiko sa waiting area sa may lobby ng airport. Hay, siguro iniisip niya nababaliw na ako. Ikaw ba naman ang makakita ng taong kinakausap ang sarili, anung iisipin mo, diba?
Nakakainis lang kasi talaga. Dapat nasa summer vacation ako ngayon. But this is what happened: me stuck in NAIA alone and looking so stupid. And lahat ng to ay kasalanan ng parents ko.
Well, maybe it’s not just because of them. Maybe… Fine! I admit it! It’s because of me! But I never mean it, okay? Nadamay langtalaga ako, I swear!
Haist, kung hindi ba naman ba naman kasi kami nahuli ng mga pulis edi sana hindi nagyayari to. Napakamalas naman kasi, wrong timing na wrong timing! Bakit kung kelan pa napag desisyunan ng mga friends ko na mag bar hopping saka pa na-raid yung bar na napuntahan namen? At tsaka malay ko bang illegal pala yung bar na yun?
Of course kasama ako sa mga nahuli sa raid because I was there, forced by my friends to go party with them. Ako naman si stupid, sumama-sama, yan tuloy. The police brought us then sa police station tapos tinawagan yung mga parents namen. Tsk! You should see what my parents looked like when they fetch me from that station! They looked as if they’re gonna kill me! Katakot-takot na sermon ang inabot ko pag-uwi namin. Kulang nalang dumugo ang tenga ko sa kakapakinig sa whatever na sinasabi nila, specially my mom, na daig pa ata ang mga atomic bombs na pinabagsask ng mga Americans sa Japan.
Obviously, they were so furious with me that they even send me here in Tagaytay (but mas tama atang sabihin na “pinatapon” nila ako) to work for myself and learn my lesson.
Haist. Sobra na akong nabobore dito. Dang, I hate this! I really really hate this!
“Life is so unfair!!”
“Whoa. And who says that life is fair?” biglang may nag salita sa may left side ko.
“Huh?” sabi ko naman sabay tingin sa kung sinumang nag salita.
“Wag ka ngang mag salita mag isa dyan, muka ka kamung tanga.”
Yeah right. So it was just my annoying cousin, Justin, who’s in charge sa pag sundo saken dito sa airport.
Well, Justin is the only son my mother’s sister. Our family is originally from Cebu but then my Tita Rina, Justin’s mother, married a Caviteno. So they transferred in Cavite after the wedding hanggang sa mapunta na nga sila sa Tagaytay. They’ve been living here since Justin was five, and I guess that’s where I’m gonna end up too.
“What took you so long ba? Kanina pa ako nag hihintay dito ah.” tanong ko sakanya.
“Wow, thank you ha, at tsaka you’re welcome na din. Tsk, Eugene pasalamat ka nga at napapayag ako ni Mama na sunduin ka eh. Napakareklamadora mo talaga! Halika na nga! Madami pa akong gagawin sa bahay!” sagot ni Justin sabay hila sa maletang dala ko.
So hindi pa din pala talaga siya nag babago, masungit pa din at suplado as ever. But I don’t really mind. Sa totoo lang mabait naman talaga siya eh, baka siguro bilog lang talaga ang buwan mamayang gabi, bwahahaha.
Hay, how I wish na sana everything would turn out right. Oh god, please help me in this. Please, please help me. .
___________________________________________________________________________________
"Really Justin, where are we going?"
"Taking you to work, silly." he replied
Teka! Sandali lang. Tama ba ang narinig ko? Did he just mention me going to work?
"Huh? What do you mean you're taking me to work?"
"Hello, as if you don't know. You're supposed to work and earn for yourself, remember? That's what Tita told us." he even grinned at what he said.
Ah, Hell. Wala na talaga akong kawala. Paano na ako? Wala akong ibang alam kung hindi mag basa ng mga books (oo totoo, nag babasa ako) at mag relax. Tapos pagtatrabahuhin nila ako? That's just insane! Kawawa naman ako.
"Hey, natahimik ka na jan." he bumped his shoulder into mine.
I just pouted.
"Tsk, sorry about that. But Eugene, you need to learn your lesson. And besides, you need to prove to your parents that you're worthy of their forgiveness. Hindi naman sila ang may kasalanan diba? It's you."
Ouch. Natamaan ako dun ah. Sapul na sapul. Tagusan.
Hay, pero tama siya.Tamang-tama.
"Okay, fine. Oo na, kasalanan ko na nga. (sigh) By the way, san ba ako mag tatrabaho and what would it be?" I asked him.
"You will be working for my friend.."
"And??"
"And you're going to be his tutor."
What the f@ck. Me? A tutor? Huh, gusto ko nalang tumawa.
I mean, anung alam ko sa pag-tuturo? Yeah, I’m kind of okay at school, hindi pa naman ako bumabagsak sa kahit anung subject , but still, I think I can't do it.
I'm not patient enough to be a tutor and teach somebody something. That's one of my weaknesses actually. Baka maingudngod ko lang siya sa study table kapag nairita ako sakanya. And syempre, takot din naman akong mag kamali noh.
Seriously, gusto ko ng mamatay.
"Come on, andito na tayo sa house ng friend ko." Sabi saken ni Justin. Kinabahan ako bigla.
"Your friend, is he a Filipino or what?" I asked him in return.
"Of course he is a Filipino, nasa Pilipinas tayo, diba?"
"Hmp. Malay ko ba. Malay mo Bumbay pala siya, nakatira lang pala dito sa Philippines."
He laughed at what I said. Then finally we went in front of the gate and rang the doorbell. A maid came out of the house and let us in. Then pumasok na kami sa loob.
Well, hindi naman kalakihan yung bahay. But it's beautiful and very modern. Nalaman ko kay Justin na mag isa lang palang nakatira dito yung friend niya. Hmm, hindi na rin masama, considering yung structure ng bahay. I can say that his friend is rich, very rich indeed.
We waited for almost five minutes na pero wala pa rin yung kaibigan ni Justin. I got bored so I decided to just look at the paintings hanging on the wall.
There are 6 paintings in total, all depicting about the Greek Mythology. They look very old and expensive. At tsaka magaling yung painter ha.Kuhang-kuha niya yu---
Napahinto ako bigla sa pag-eevaluate ng mga paintings ng may biglang nag salita mula sa likudan namin.
"Justin!"
Mabilis na humarap si Justin sa direction ng kung sino mang nag salita.
"Oh, Kevin," sabi naman ni insan.
Humarap na rin ako sakanila. And I don't know what actually happened. But I felt like my eyes fell out of their sockets.
BINABASA MO ANG
Your Last First Kiss
Fiksi RemajaLeast of all Eugene had expected: she learned how to love and feel pain. But then natutuhan din niya na hindi naman pala ganun kadali ang mag mahal. Na pwedeng sa isang simpleng salita lang pala umikot ang iyong mundo, at sa simpleng salita ring yun...