FINALE

3 1 0
                                    

Mary's POV

Sinakay nila ako sa isang sasakyang may nakalagay na "Pulisya" sa gilig ng pinto nito na agad ko namang ikinagulat

"Pu..pulis!?!!, Sandali! Anong kasalanan ko?!" Sambit ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa braso ko.

Isinakay nila habng napapagitnaan ng dalawang lalaki.

"Sandali Lang po, baka nagkakamali Lang ho kayo, Hindi po dapat ako Ang hulihin ninyo" pagkukunsinti ko sa mga taong kasama ko.

"Sa presinto ka nalang magpaliwanag, pwede?" Tugon Naman ng nagmamanehong pulis.

Napuno ng katahimikan Ang loob ng sasakyan, habang pilit ko namang sinasariwa Ang mga pangyayaring naganap noong Hindi pa ako nakakalabas sa gubat, Hindi ko lubos akalain na Ang inaasahan making magiging masayang paglalakbay ay mauuwi lang sa isang malagim na pangyayari. Sa labis kong pagiisip, Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng presinto.

Pagkapasok namin sa gusali ng presinto, agad nila akong ipinasok sa Isa pang kwarto na mayroon lamang isang lamesa at dalawang upuan at sa kisame nito ay isang ilaw na nakalambitin at sa kaliwang pader ay mauroong isang malaking salamin, habang nakaupo at naghihintay bumukas Naman Ang pinto sa likuran ko, isang babaemg may hawak na isang folder na puno ng papel Ang hawak nya, umupo sya sa harapan ko at tumitig sa mga mata na walang emosyon o kahit anong mararamdaman.

"You have your right to remain silent" sambit nito "pero Kung ako sayo, aamin na ako na Hindi na lumala Ang kaso ko" dagdag pa nya.

" Sandali nga, may nagawa ba ako? Ano ba talagang nagawa ko?, Diretsyahon mo na nga ako!" Saad ko

"Wala ka ba talagang natatandaan?" Kunot noong tanong mya sakin
"Wala" tipid ko namang sagot

"Hindi mo ba natatandaan Kung pano mo pinatay Ang mga kaibigan mo? Tugon nito.

"Ano!!, Ano bang sinasabe mo? Nagbibiro kaba? Bat ko Naman papatayin Ang mga kaibigan ko?, Ganito Kasi Yan..."

At isinalaysay ko Ang nangyari simula sa araw ng yayaan namin hanggang sa makauwi ako sa bahay.

"Sinungaling" sambit nito.
"Alam mo, malakas Ang ebidensyang nagdidiin sayo"

At Isa Isa nyang nilabas Ang laman ng folder na kanina pa nya hawak.

" Una, si Kristine, dinala mo sya sa rooftop ng condong tinitirhan nya at saka walang habas na sinaksak at binatan mo sa nalalabi nyang hininga" at inilabas nya Ang unang parawan na nagpapatunay dito "pangalawa, si jiro, natutulog sya kanyang kwarto nang may tumaga sa kanya at itinapon sa paligid ng bahay nya Ang ibat ibang parte ng katawan nya" at Isa nanamang larawan Ang ipinakita nya " at pangatlo si argie, habang naliligo sya sa bahay nila, binuhusan mo sya ng asido hanggang malapnos Ang buong katawan nya at Hindi lang yon, habang humihinga pa sya, kumuha ka ng pako at Isa Isa mong binaon sa katawan nya" isang larawan muli Ang nilabas nya.

"Wala kayong ebidensya na ako nga Ang gumawa nyan" kalmado Kong sambit.

" Sa tatlong bahay na pinuntahan mo, narecord ng mga cctv Ang pagpunta mo at pagalis, at Hindi lang Yan, may mga nakakita Rin sayong ilang mga Tao" dagdag pa nya.
"Tinignan din namin Ang medical records mo at napagalaman naming may Post-traumatic stress disorder ka o PTSD, this is a mental health condition marked by extreme fear, flashbacks, and in some cases, hallucinations. PTSD is triggered by memories of trauma, such as a terrorist attack or car accident at matagal mo nang Hindi natatake Ang mga gamot at Hindi ka na Rin nagpapateraphy"

"Hi...hin.di.. Hindi totoo yan, Hindi!, HINDIIII!!!"

"Kunin nyo na sya"

At pumasok Ang tatlong nakaputing lalaki at isang babae, muli nila akong hinawakas sa mga braso ko, kahit anong pilit Kong pumiglas at kumawala ay Hindi ko magawa sa higpit ng pagkakahawak nila.


Third person POV

Muling isinakay si Mary sa isang sasakyan at dinala sya isang mental hospital at ipinasok sya sa isang solid na puro puti Lang Ang paligid at isang higaan sa sulok, himiga sya doon habang umiiyak, pumikit sya at pinilit matulog.

"Andito ka Lang palaa"

biglang napabalikwas si Mary sa gulat at napatayo sa pagkakahiga, lilimgon na Sana sya ngunit may Kung anong humila sa kanya pataas at may tumosok na bakal sa ulo nya tumagos sa kanyang bibig at sa dingding ng silid.






NATAGPUAN SI MARY NA WALA NANG BUHAY AT INAAKALANG ITO AY NAGPAKAMATAY

IKAW, KANINO KA NANINIWALA?

SA TUNAY NA NAKAKITA...

O SA NAGPAPARATANG NA SILA AY MAY SALA?



---WAKAS---






The WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon