Chapter 26

12 2 0
                                    

Mary's POV

*Its about time to face my fear, nakatayo ako sa labas ng bahay, hawak ko ng mahigpit ang Kutsilyo,  akma akong papasok sa Bahay nang kusang bumukas ang pinto, pagpasok ko ng pinto may mga yapak mula sa ikalawang palapag ang papalapit sa may hagdanan, nagtago ako sa ilalim ng hagdan at naghintay ng pagkakataon.*

"Maipaghihiganti ko na rin ang mga kaibigan ko"sambit ko sa sarili ko.

*Ang yapak ay papababa na ng hagdanan, ngunit bigla ito tumugil at nawala ang naririnig kong tunog, mga ilang segundo ang lumipas at lumabas ako sa pinagtataguan ko.*

"San na? San na at sino yun?"  Luminga linga ako sa paligid upang tignan kung naroon ba ang hinahanap ko o may kahinahinala akong makikita.

"Lumabas ka! Hindi ako natatakot sayo! Magpakita ka! Ano natatakot ka ba?" Sigaw ko.

*Bigla akong napatgil at tumayo ang balahibo ko, may malamig na hangin na bumabalot sa paligid ko, may aninong tila tinataguan at nililito ako*

"Ahhhhhhh!!!! Ansakit!" Napasigaw nalang ako sa hapdi at nang tinignan ko ay may kalmot na sa binti ko.

"Ano natatakot ka? Bat di ka humarap sakin?" Panghahamon ko.

*Maya maya pa'y lumabas sya, babaeng nakapang mahabang damit at nakahood, ang taong naging dahilan kung bakit nagkanda letse letse ang buhay namin, sinugod ko sya at sinundan nang saksak ngunit nakailag sya, hinawakan nya ang kamay ko ay pinihit anf buong braso ko dahilan para mabitawan ko ang hawak kong kutsilyo, tinulak nya ako papalapit sa lagayan ng mga plato, maykakaibang pwersa ang humahawak sa katawan ko.*

"Maghihuganti ka? Hahahahaha! Mga tao nga naman, inuuna ang sinisigaw nang damdamin nila na nagiging dahilan para malagay sila sa kapahamakan" sabay kalmot nito sa mukha ko.

"Sino ka ba? Asan si Kristine?, bat mo ginagawa to?, sumagot ka!!" Sambit ko sa kanya.

"Sino ako? Matagal kong hinintay itong araw na ito, hindi nyo ba ako natatandaan? Ang taong kunwari kaibigan nyo, ang kaibigan nyo na iniwan nyo nang gabing nasunog ang sinasakyan natin, kasalanan nyo...kasalanan nyo kung bakit nasunog ang katawan ko, dahil iniwan nyo ako!! Hinayaan nyo lang ako!! Hindi nyo ako inisip, pero ayos lang, dahil ngayon ako naman akong sisira sa inyo, hahahhahaha"  sambit nya.

"Angela? Hindi ka namin iniwan, akala namin nasa likod ka lang namin, hindi ka namin inwan nung araw na yon, patawari  mo kami" paliwanag ko habang pumapatak ang mga luha ko .

"Kung hindi nyo ako iniwan? Bat hindi nyo man lang ako hinanap? Ilang linngo akong naghihintay nang tulong pero walang dumatin," pumatak na rin ang mga luha nito. "Umalis ka na, iwan mo na ako"

*Bigla akong bumagsak at muli akong nakatayo*

"Umuwi ka na, umalis ka na!!!!!* sigaw nito.

*Nakatalikod na sya at saka ko Kinuha ang kutsilyo sa sahig at tumakbo ako papunta sa kanya, dahilan para mauntog sya sa mesang nasa likod nya, nakapatong ako sa kanya at paambang saksakin sya.*

"Patawad pero, madami ka nang nasaktan, at hindi na ikaw yan angela, mahal kita pero kailangan ko tong gawin hindi na ikaw ang kaibigan na nakilala ko" sabay saksak sa puso nito.

*Ilang minuto din akong nakaupo at natigilan. Naalala ko si Kristine, hinanap si sya sa buong bahay, nakita ko nalang syang naliligo sa sarili nitong dugo sa Baththub, muli nanamang tumulo ang mga luha ko, naglalakad ako sa kagubatan, naglalakad ako nang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, hanggang may nakita akong sign na "Thank You for Visiting", makakauwi na ako, uuwi akong matamlay, at parang walang buhay ang mga mata ko."

*Dumating ako sa bahay, umupo ako sa sala at mga ilang minuto bigla akong dinapuan ng antok at.....

........

.............

..............

*Tok! Tok! Tok!*

*Bang!!*

"May nagbukas ng pinto? Sino ka?" Sambit ko nang isang lalaki ang lumapit sakin, ngunit hindi ko sya masyadong maaninag.

"Iniimbitahan ka namin sa persinto, sumama ka sami." sambit ng lalaki at sabay hila sakin patayo sa kinalalagyan ko.

*Punong puno ako ng dugo na parang halos pinangligo ko na, may kutsilyo din sa kamay ko.*

"Anong nagyayari?, at... at... Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!" sabay hila ng lalaki sakin.

"Di ko maintindihan, Ano to? Anong kasalanan ko??...sandali!!!!!!!!" ......

.......

............

  ..... Abangan 😉











The WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon