Chapter 24

60 3 2
                                    

Mary's POV

*Ansakit ng batok ko, nakakahilo yung ilaw, para akong nasa himpilan ng mga pulis yung tipong gumagalaw ang ilaw, tapos.....tapos nakagapos yung paa at kamay ko habang nakabusal ang bibig ko. Maya maya pa nakaaninag ako ng ng tatlong tao na papalapit ng palapit sakin*

"Argie? Jiro? Kc?, tulungan nyo 'ko"pagmamakaawa ko sa mga kaibigan ko.

"At bakit ka namin tutulungan sino ka ba?"sarkastikong sambit ni Argie sakin.
"Di mo na ba ako naaalala Argie? Ako ito si Mary, ako yung tinulungan mo sa bingit ng kamatayan"paliwanag ko.

"Wala akong tinutulungan at bat kita tutulungan gusto na nga kitang patayin ehhh" nakakatakot na sambit ni Argie.

*Dumating ang kinatatalutan ko, ang babaeng di ko makita ang mukha may dala syang kandila na may nakaukit na Buwan at mata sa gitna nito.*

"Sino ka bang Demonyo ka sang Empyerno ka nangaling at ibabalik kita?!"gigil ko sa babae.

"Wag kang magalala kung sakaling ibabalik mo ako isasama kita"pangaasar nya.

*Maya maya pa pumasok ang iba pang mga kasama nya kuno, hindi lang pala siya nagiisa may dalawa pa siyang kasama*

"Sino kayo bat di kayo magpakilala matapang kayo diba?"panghahamon ko.

"Gusto mo ba?"sambit ng nasa kanan na babae na di ko kilala.

*Isa isa nilang binaba at tinangal ang hood na nasa ulo nila, nagulat ako sa isa kong nakita*

"Joyce?, Bibat?, Angela?,"nanlalaking mata kong sambit.

"Nagulat ka ata Mary?, namiss mo ba ako? , namiss mo ba ang pagpapahirap, pangiiwan sakin sa sunog?" Sambit ni Angela.

"Sandali Angela, hindi ka namin pinahirapan lahat ng yun ay aksidente lang, sa sunog, Hindi ka namin iniwan hinintay ka naming makalabas pero wala ka, akala namin patay ka na"paliwanag ko.

"Hindi, ayoko nang maniwala sa mga kasinungalingan nyo" naiinis na sabi ni Angela.

"Joyce? Anong nagawa namin sa iyo?, diba ikaw yung isa sa tinulungan ni Argie?sambit ko."Bibat pinagkatiwalaan din kita bat isa ka sa nagpapahirap ng ganto samin?"dagdag ko.

"Kawawa naman kasi kayo, hindi ba kayo tinuruan na wag agad magtitiwala?,hahahhaha" pangaasar ni Joyce sakin.

"Mga Hampas lupa ano pang hinhintay nyo? Pahirapan sya sa palo!!"panguutos ni Joyce sa mga kaibigan ko.

*Lumapit silang tatlo sakin may hawak silang mga tubo, at pinagpapalo ako, sa sobrang sakit hindi ko natiis at bigla nalang akong hinimatay, habang may onti pa akong hininga, lumabas na ang mga demonyo at naaninag ko ang isang taong lumapit sakin at binigyan ako ng maliit na kutsilyo. Sino sya? Bat nya ako binigyan ng Kutsilyo?*






































The WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon