Chapter 1

7 1 2
                                        

"Hoy! Eunice, tawagan mo nga sila. Kanina pa tayo dito wala parin sila. Tsk"

Kanina pa kami nag hihintay Eunice sa bahay dahil napagusapan namin ng tropa na iinom kami nagyon dahil ilang araw na lang tapos na ang sembreak namin at hindi na kami magkakasama ulit dahil iba iba na kami ng paaralan. Lumipat na kasi ang iba kaya ang kasama ko na lang ay si Divina, Michelle, Gizel at Jerla. Si Eunice naman ay sumabay narin sa amin dahil ka close niya rin ang tropa ko.

"Otw na daw sila ate." Sagot naman ng kapatid ko.

Ako nga pala si Gaie Jannen Garcia. 18 yrs old. Siya naman ang kapatid ko. Eunice Garcia 17 yrs old.

"Lintik na Otw yan! Maniwala kajan baka kamo kakagising lang nila yan." Inis na sabi ko.

Maya maya pa ay narinig namin ang mga tawanan ng mga ugok sa labas kaya napagtanto kong na riyan na sila.

"Grabe! Otw na daw! Putek isang oras na otw yan ah! Traffic ba sa Cr mga beh?" Singhal ko sa kanila ngunit nagtawanan lang ang mga ito.

"Gagi! Hahaha eh tong si michelle sisihin mo! Naka outfit na kaming lahat siya may muta pa. " Pagsusumbong naman ni ana mae sa kanila.

"Bweset ka ! Sabing ayaw kong sumunod di naman ako iinom eh. Tsk" pagtatanggol naman ni michelle sa sarili.

"Ano ? Iinom ba tayo o magbabangyan na lang kayo jan?!" Inis naman na saway ko sa kanila.

"Inom lang Gaie walang tayo! Hahahaha remember single ka ? Ahahaha" pang aasar naman ni divina sakin.

"Bakit ikaw may jowa ka ? Diba pinaasa ka lang ? Haha" Singit naman ni Jerla kaya nag walk out si divina.

"Tangina! Parang lalaki lang eh. May na contact na ako pupunta sila dito . Hehe " sabi ni monica kaya agad na bumalik si divina.

"Nasan si gizel ,nheryl at jem?" Tanong naman ni eunice na mapansing wala ang dalawa.

"Sinundo nila si leanne at alliah" sagot ni divina sakin.

Pumasok na kami sa loob at nag simula ng uminom. Sakto naman dahil may videoki kaya birit namang kumanta sila divina at jerla.

"Oh nandito na pala sila !" Sigaw ni michelle nang makita na parating na sila gizel.

"Oh tagay na.." sabay abot ko kay gizel ng baso at tinungga niya naman agad ito.

Si Gizel,michelle,jem at divina ay nag aagawan sa microphone dahil sa mga kanta na gusto nila. Habang si leanne at monica naman ay abala sa pag seselpon. Si ana mae naman lasing na dahil pasayaw sayaw na siya. Habang si alliah ay may sariling mundo. Kaming tatlo naman ni eunice at jerla ay nakatitig lang sa kanila habang umiinom.

"Hoy! Cute! Nasaan na yung boys?! " singhal naman ni divina kay monica.

"Oo nga cute ! Nasan na ?" Pag eepal naman ni michelle.

"Wait! Ayon na sila sa labas !" Turo naman ni cute sa bintana kaya agad na nagtakbuhan ang mga ugok sa bintana upang makita ito.

Nakisiksik ako sa kanila para makita kung sino ang tinutukoy ni cute.

(Monica A.K.A. "cute")

Anim lalaki ang nasa labas kaya. Familiar ang apat ngunit ang dalawa ay hindi. Pinuntahan naman ito ni cute kasama si divina at michelle.

"Dalian niyo na. Wag na kayong mahiya mga walang hiya tao dito sa loob. Hahaha" pagyayaya naman ni ana mae sa dalawang lalaki na hindi familiar samin dahil ang iba ay kaklase namin.

"Upo kayo dito." Sabi ko sa kanila dahil halatang hindi sila komportable kay ana mae dahil naka hawak na ito sa balikat nilang dalawa.

Makulit si ana mae pag lasing kaya inilayo kona sa kanya ang dalawa baka kung ano pa ang gawin niya sa dalawa.

Nagsimula na kaming uminom ulit. Si michelle at divina ay abala na sa pakikipag usap sa dalawang lalaki. Sina Rome at RJ. Nasa gitna nila ang dalawa katabi naman ni michelle si Rj at sa kabila naman ay si Rome na katabi ni divina. Si Jerla at cute ay kausap sina Jaypee at Ruiz. Kaklase namin silang apat at parang barkada narin. Ang dalawa lang ito ang hindi Familiar samin.

"Anong pangalan niyo?" Tanong naman ni jem sa kanila.

"Sige ka lang jan jem. Sumbong kita sa jowa mo. Hahaha" pananakot naman ni Leanne sa kanya.

Umalis na lang si jem sa harap ng dalawa at bumalik sa videoki. Kasama niya roon si ana mae,nheryl at alliah habang si Leanne ay abala parin sa selpon niya.

"Hmm. Anong pangalan niyo?" Tanong naman ni gizel sa kanila dahil katabi niya ang isa na mukhang masungit.

"Robin Dayle Martinez. Hehe" sagot ng mukhang masungit pero hindi naman pala dahil ngumiti ito samin.

"Revin Martinez. " sagot naman ng katabi ko. Siya yata ang masungit.

"Wait.. magkapatid ba kayo?" Takang tanong ni Gizel sa kanila.

"Kambal kami. Di ba halata ?" Supladong sagot naman ni Revin at lumabas dahil may tumawag sa kanya.

"Sorry. Badtrip lang yun. Broken kasi. Hahaha. " sabi naman ni Robin samin.

"Okay lang r-robin? Hehe Tama ba ?" Nahihiya pang pagsambit ni Gizel sa pangalan ni Robin.

"RD na lang . Ahhaha ayos na yon!" Sabi niya samin.

"Teka taga saan ba kayo ? Di kasi kayo familiar samin eh . " tanong ko sa kanila.

"Nagbakasyon lang kami dito ngayong sembreak. Babalik din kami ng manila."pagkwekwento ni RD samin.

"Oh pre? Diba kayo iinom?" Sabi naman ni Jaypee sa dalawa dahil kanina pa sila hindi umiinom.

"Pass muna pre. Baka mapagalitan kami. Alam mo naman si lola matanda na yun. " tanggi naman ni RD kay jaypee.

"Uy Guys . Teka pakilala ko pala. Si RD pinsan ko at si... teka nasan ni Revin?" Tanong naman ni Ruiz at saktong pabalik na si Revin kaya inakbayan niya ang dalawa at pinakilala samin. "Kambal silang dalawa. Nagbakasyon lang dito kasi request ni lola. RD,Revin Barkada narin namin sila Gaie,Gizel,Divina,Alliah,Jerla,Leanne,Ana Mae,Jem,Michelle,Monica at Nheryl."

Pagkatapos na ipakilala ni Ruiz ang kambal ay uminom kami ulit. Maya maya pa ay nagpa alam na si Alliah dahil nagtext na ang papa niya. Hindi naman siya umiinom dahil pinapagalitan siya. Sumunod naman si Nheryl at Leanne dahil sinundo na nga mga boypren nila. Si Eunice at Ana mae tulog na sa kwarto dahil lasing na lasing.

"Gaie.. Hatid na namin sila lasing na eh. " pagpresenta naman ni Rome dahil kinukulit na siya ni divina.

"Cge rome. Kayo ng bahala sa kanila ha. " sagot ko naman kaya agad namang pumadyak padyak si michelle dahil ayaw pa netong umiwi ngunit wala siyang magawa nga buhatin siya ni jaypee palabas.

Sina Rj, Rome at jaypee ang humatid kila Divina at Michelle kaya naiwan kami nina Cute,jerla at jem at sina Ruiz, Rd at Revin.





-----
Chapter 1 pa lang nag iinuman na😆 Shout out jan sa mga tropa ko. Ahahahha alam niyo na yan. Mga lasenggera kasi kayo. Ahahha baka buong storya neto puro inuman lang😂 Malasing readers neto. Charrr😙

REMINDERS

Dont forget to vote and follow me para updated ka sa mga na publish ko.  LoveLots💞

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweetest GoodByeWhere stories live. Discover now