Part 2

105 4 2
                                    

Nagising akong may mabigat na namang nakasampa sa katawan ko, mukhang alam ko na kung sino to.

At hindi nga ako nagkamali, sa pagdilat ng aking mata, isang matamis na ngiti ang sumalubong sa araw ko.

"Good morning, Ate." he greeted me and kissed my cheek

"Good morning, young man." I kissed the top of his nose

Ang batang ito nalang siguro ang nakaka good vibes sa bahay na to.

"Have you eaten your breakfast?" I asked

Umiling siya.

"Why? Aren't you hungry yet?"

"I want to eat breakfast with you, can I?"  he pouted his lips.

This kid is priceless.

I smiled, "Ofcourse you can." tumayo ako at kinarga siya.

Hindi paman kami nakakalayo sa kwarto, narinig kong may tumikhim sa likod.

"Good morning, kuya!" masayang bati ni Cyzd.

So it's him.

Magkakatabi lang ang mga kwarto namin. Kaya posibleng makita o maabutan namin ang isa't-isa. Nasa second floor ang aming kwarto habang nasa third floor naman ang sa magulang namin.

"Good morning, lil bro." bati niya pabalik

"Let me carry him, Princess." paalam niya sakin na agad ko namang sinang-ayunan. Ayoko muna siyang kausap.

Nauna akong nagtungo sa baba. Sa halip na maligo muna, inuna kong mag agahan dahil ayokong makasalo sa hapag sina Mom and Dad.

Unfortunately, nauna si sunog bago pa man ako makarating. Kasisimula pa lang niya kasi konti palang ang bawas sa pagkain niya.

Naririnig ko na din ang tawa ni Cyzd, nangangahulugang papalapit na sila dito.

Mukhang pareho kami ng iniisip ngayon, ang iwasan sina Mom and Dad.

"Good morning, ate!" bati ni Cyzd kay sunog

"Good morning, baby."

Tahimik akong kumuha ng pagkain, ganun din ang ginawa ni kuya.

Si sunog naman ay nilalagyan ng pagkain ang plato ni Cyzd.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin ngayon. Wala ni isa ang nagtangakang magsalita sa aming tatlo.

Patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa ituro ni Cyzd ang ulam na nasa tapat ko.

"I want that hotdog, ate Lixeil." sabi niya

Agad kong inilagay sa plato niya ang hotdog para tumahimik na siya.

Minadali kong tapusin ang pagkain ko,  at umakyat na sa kwarto.

Agad akong naligo.

Napatitig ako sa aking katawan sa harap ng salamin.

How dare my stepmom called me fat! I'm not. Tss

Hindi na ako nag babad sa bathtub, marahan kong nilinis ang aking sarili hanggang sa makontento ako.

Nang makapagpalit na ako ng school uniform, agad akong bumaba bitbit ang aking mamahaling bag.

Nauna ako sa kanila, luckily, hindi ko nakasalubong o nakasabay sina Mom and Dad.

I sighed.

Mukhang magagamit ko na naman ang aking baby Theo ngayon ah. Minabuti kong hindi sumabay kay kuya kasi alam kong masisira lang ang araw ko.

Bitch PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon