Prologue

42 5 0
                                    



DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


A/N:

Hindi pa ako masyadong bihasa sa pagsulat ng story so please iwas lang tayo sa paghusga hehe. Dont worry kashians I will do my best para maganda kinalabasan nito hihi! Enjoy reading!


xoxo, autor


Destiny At It's Finest
( on going )

KALOPSIANNE

———————————————

December 15, 1996




Nandito ako ngayon sa veranda. Hindi pa ako nakatulog dahil sa mga problema ko. May mabigat akong pinagdaanan pero si Mira lang ang nakaalam tungkol don.




12pm na pero wala parin akong ganang kumain. Gusto kong mapag-isa, ayoko ng kahit sino dito ang papasok. Kailangan ko ngayon ng yakap ni Renzeil.




Papasok na sana ako sa loob ng may kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon binuksan pero nagsalita ako.




"Ayokong kumain. Gusto kong mapag-isa so please kahit ngayon lang. Give me peace.", pakiusap ko sa kung sino man ang nasa labas.




"Mowe may sasabihin ako sayo. About sa bestfriend mo.", sagot ni mommy.




Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. Hindi muna ako umimik. Anong alam nila? Sana hindi sinabi ni Mira ang nangyari. Dahil natatakot ako, natatakot ako sa posibleng mangyari.




"Pumasok muna kayo mom.", mahinahon pero matamlay kong sabi sa kanya.




"Anak, sana magpapakatatag ka. Alam ko na ang nangyari at galit ako. Pero wala na si Mavi. Wala na ang bestfriend mo.", mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.




Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni mommy. So alam na pala niya? Alam kong galit si mommy pero tinago lang niya iyon. Naghalo-halo ang emosyon ko. May galit akong nararamdaman kasi gusto ko pa syang parusahan pero may lungkot rin na wala na sya. Hindi ko matanggap.



"Mommy hindi magandang joke yan.", ako.




Nginitian ako ni mommy tsaka niyakap. Batid kong umiyak si mommy at hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.




"Magpapakatatag ka anak. Gusto kong maging matatag ka sa kahit anong problemang haharapin mo. Nasa iyo na ang desisyon pero pupunta tayo ngayon sa bahay nila para sabihin ang totoo! Galit ako anak. Galit na galit dahil sa ginawa ni Mavi. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa niya. Sana panagutan ng magulang niya ang ginawa ng anak nila sayo.", galit na tugon ni mommy.




Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil feeling ko hindi na ako nag-iisa. May mommy akong kasama.




Bumitaw ako sa yakap namin at tsaka nginitian siya.




"Mommy ayokong lumaki ang gulo. Sana huminahon ka sa pagpunta natin sa kanila bukas, wag muna ngayon. Sa ngayon gusto kong makita si Renzeil at sabihin sa kanya ang gusto kong mangyari.", sabi ko kay mommy.




Tumango lang si mommy at binigyan ako ng halik sa noo bago lumabas ng room ko. Hihiga na sana ako ng bumalik si mommy.




"Halika na at kakain na tayo. Pack your things kasi aalis tayo bukas ng gabi. Ilalayo kita sa lugar kung saan may naranasan kang mga bagay na hindi mo sana dapat maranasan. Gusto kong magpaalam ka kay Renzeil ng maayos.", si mommy.




Destiny At Its Finest ( On Going )Where stories live. Discover now