Chapter 3 - The Partner

9 2 0
                                    


Natahimik si Mira dahil sa sinabi ni Friah. Para sa'kin, minsan kasi, hindi patas lalo na't ang kalaban mo ay mayaman tapos ikaw hindi.




"Always lang kami nandito Friah. I want you to tell us anong maitutulong namin.", ako.




Ngiti lang sinagot sa'kin ni Friah. Mukhang ayaw niya munang pag-usapan 'tong mga ganitong bagay. Presko pa ang ala-ala niya sa nangyari sa Papa niya.




"You will heal, it just takes time.", pagbabasag ko sa katahimikan.




Dahil sa sinabi ko napatingin sa'kin si Friah.




"Yes, time may heal all wounds but it does not erase the scars.", matamlay na sagot ni Friah.




Hindi na natuloy ang pag-uusap namin dahil dumating si Renzeil ang nagligtas sa'min sa katahimikan. Madali lang kaming natapos kumain at napagdesisyonang umuwi.




"Ingat kayo ah. Kitakits sa school!", pamamaalam ni Mira.




Tumingin ako kay Friah at nginitian ko sya. Sinuklian niya naman iyon pero tipid.




'Nandito lang kami, wag mong sarilihin ang mga problema mo'




"Una narin ako. Salamat sa oras niyo! Kitakits narin sa school.", si Friah.




"Sumakay ka na sa'kin. May sasakyang dala si Renzeil kaya wala akong kasama sa pag-uwi.", sagot ko.




"May bibilhin pa kasi ako sa boteka. Baka maabala pa kita Mowe.", pahina ng pahinang sagot ni Friah.




Lumapit ako sa kanya at sinunggaban sya ng akbay dahilan ng muntikan na naming pagkatumba. Nagtawanan pa kami.





"Ano kaba?! Just now? HAHAHAHA okay lang naman.", masiglang sabi ko.




Tinanggal ko ang pagkaakbay kay Friah at lumapit kay Renzeil.




"Babe, alis na kami.", parang batang pamamaalam ko.




Hinawakan niya ang pisngi ko, lalo tuloy akong nagmukhang bata. Pero sa mga sandaling iyon, kinurot niya bigla ang pisngi ko!




'Aba eh nanakit pa!'




"Paano kita paaalisin kung todo pacute ka?", pang-aasar ni Renzeil.




"Wag mo 'kong maasar Renzeil ha! Ang sakit ng pisngi ko! Bahala ka na dyan uuwi na kami! Tara na Friah.", at hinila si Friah patungo sa sasakyan.





"Babe! Joke lang naman. Ingat kayo sa pag-uwi I love you!", dinig kong sigaw ni Renzeil habang pinaandar ko ang sasakyan.




Bumuntong hininga muna ako bago dumaan sa harapan ni Renzeil. Binuksan ko ang bintana at nginusuan siya.




"I hate you.", at pinaharurot ang sasakyan.




Kung magtatagal pa ako don baka bukas pa kami matapos kakaexplain niya kung bakit niya yon ginawa. Hindi naman ako nagagalit, magpapasuyo lang talaga ako pero nandito si Friah ayokong ma-third wheel siya.




"Ang swerte niyong dalawa.", nakangiting tugon ni Friah habang nakatingin sa labas ng bintana.




Napangiti ako sa sinabi niya sa'kin. Kung alam mo lang Friah....




'Mas swerte ako sa kanya dahil napaka maunawain niyang tao.'




"Hehe ang swerte ko nga na siya naging boyfriend ko.", ako.




Destiny At Its Finest ( On Going )Where stories live. Discover now