Chapter 1- Welcome Back

21 4 0
                                    


August 26, 1996




"Welcome back students! Natapos na ang inyong bakasyon kaya balik eskwela na naman. Sana maging peaceful ang school year na ito! You may go now and start your first subject.", announce ni Dean Marquez.




Nandito kami ngayon sa quadrangle kakatapos lang ng flag ceremony. Tapos narin ang announcement ni Dean kaya balik na kami sa room.




"Hoy mamsh! Ready ka naba sa  Acquaintance Party natin?", sabi ni Mira habang naglalakad kami pabalik sa room.




Si Mira ang bestfriend kong babae. Siya palagi kasama ko lalo na sa loob ng classroom. Siya 'yong reporter ko basta may kumakalat na chika.




'Pinanganak talaga kaming chesmosa'




"Hindi masyado. Last year nalang natin to kaya siguro dapat kong eenjoy sarili ko. At sigurado akong malulungkot yon si Renzeil kapag iniisip na naman niyang impossible niya akong makasama sa pagsayaw kapag acquaintance party.", sagot ko kay Mira na nakanguso.




Tumawa pa muna si Mira bago ako inakbayan. Muntik pa kaming matumba sa ginawa niya.




"Hoyy! Its been 2years na since naging kayo, magseselos pa sya sa lagay na yan? Naku! Trust issue nga naman.", si Mira.




Binatukan ko lang siya at tumakbo ng una pabalik sa room. Dumaan muna ako sa locker para ilagay ang mga gamit ko at dumeretso na sa loob ng classroom.




Pagpasok ko sa room ay bumungad kaagad sa'kin ang mga kaklase ko. May nag chichikahan, ang iba naman ay natutulog, nakatunganga sa arm chair at ang iba ay tawa ng tawa.




'HAHAHAHA NAGSISIMULA NA MULI ANG KLASE, MAY BAGO NA NAMANG TRANSFEREE PANIGURADO'




"Mamsh dito ka!", salubong sa'kin ni Mira.




At talagang nauna pa'tong bruha to kesa sa'kin makarating dito? May pa reserve-reserve pang nalalaman.




'Here we go again, wala na naman akong matutunan nito kung kaibigan ko ang katabi sa klase'




Pero wala na akong choice kung hindi tumabi kay Mira dahil wala rin akong kachesmesan sa oras ng boring na klase.



At exactly 9am ay nagsimula na ang klase namin. First subject namin ngayon ay Filipino. Panigurado, Introduce yourself na naman to.




'Nakakatamad magpapakilala sa mga taong hindi naman magiging parte ng buhay mo. Choz! Malamang magiging parte sila dahil classmates kami!'




"Goodmorning class!", sabi ni Mam Yela pagpasok niya.




Sabay kaming nagsitayuan at binati si Mam Yela. Pagkatapos ay bumalik kami sa pag-upo.




"Introduce Yourself. Kahit na kilala ko kayo ay dapat yan ang bungad sa unang klase.", utos ni Mam Yela.




Tsk! Wala namang transferee bakit pa magpapakilala? For what? Tsk.




Naunang tumayo si Mira at nagpunta sa harapan. Nginisian muna niya si Mam bago humarap sa'min.




"Kilala niyo naman ako diba? So ako nga pala si Mira Marquez. Anak ako ng Dean pero dont worry, hindi ako bad btch para tratuhin kayong katulong. Pareho tayong nagbabayad dito kaya patas ang laban. Sa mga hindi nakakaalam, wala na akong mommy.", deretso-deretsong pakilala ni Mira sa kanyang sarili.




Destiny At Its Finest ( On Going )Where stories live. Discover now