CHAPTER SIX

20 3 2
                                    

Dedicated to: mzlzdmym
A

/N: Yan na Toyooooo salamat sa suporta HEHE

CHAPTER SIX

WELCOME BACK EX.....

AISHELLE POV.
May pasok na naman. Nandito na ko sa room namin dahil tinatamad akong mag gala sa labas. Maaga pa at kakaunti pa lang ang Tao sa loob ng silid namin kaya naisipan kong matulog pero may isang hangal ang gumambala sakin.

"J-Jane can I get your number?" Sabi ng isang lalaking di ko kilala. Sino ba ito?

"No" mariing sagot ko. I dont give my numbers to those not important.

"Sige na naman Jane ohhh. Type kasi kita ehh" tsk, I dont care. Bat ang kulit nito? I already said no.

"No" ulit ko sa sagot ko kanina

"Ano ba yan! Number lang ang damit damot kala mo kung sino" aba? Sya pa ang may ganang magalit. Tsk sya nga tong inistorbo ang pagtulog ko.
Di ko na sya pinansin.

"Hoy Jane ano na? Yung number mo akin na" tsk.
Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot ang isang asungot

"Pare, wag mo ng hingin. Ayaw di bang ibigay wag mo ng pilitin" sabi ni Zero dun sa lalaki at inakbayan pa ito.

"Tsk. Bago lang sya dito akala mo kung sino" sabi ni lalaki.

"Pare kung ako sayo lalayo na ko kay Jane at hindi na magsasalita ng kung ano" nagtaka naman ang lalaki sa sinabi ni Asungot

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta Pare alis na" umalis na lang yung lalaking hanggal dahil itinulak na sya ni Zero palabas ng classroom. Tsk.

Lumapit sakin si Zero at nakitang kong magyayabang na naman ito dahil sa klase ng pag ngiti nya.

"Nakita mo ba yun babe? Nakaalis ko yung lalaking nanggugulo sayo" lung nagtataka kayo kung bakit babe ang tawag nya sakin, di ko rin alam paiba iba kasi ang tawag nya sakin. Nasanay na ko.

"Tsk" Yun na lang ang nasabi ko. Baka magkapatid sila ni kuya Ethan parehas silang mahahangin ehhh

"Anong "tsk"? Abat baby para namang di tama yun. Dapat ang sinabi mo ay "Thank you sa pagligtas mo Baby Zero you're my Hero"" nagboses babae pa sya kaya lalong nakakainis. Bilib talaga sya sa sarili nya.
Tiningnan ko sya matalim kaya nag iba agad yung expression nya.

"Sorry na agad Honey, ahh by the way kamusta yung mission mo?" Tiningnan ko sya gamit ang tinatanong-pa-ba-yan-look. Tsk

"Malamang nagawa nya ng ayos si Wifey pa?" Kausap nya sa sarili nya. Bakit ba ako nagkameron ng gantong bestfriend?

Aakbayan na nya sana ako ng biglang humawi nito.

"Hoyy Leonis bakit mo inaakbayan si Ais? Baka gusto mong mamatay ngayon?" Geh patayin nyo na nga.

"Wala kang pake KUYA Ethan. Okay lang naman kay Baby ehhh" nang aasar si Zero alam nya namang ayaw na ayaw ni kuya Ethan na tinatawag syang kuya maliban pag ako ang tumatawag. Tsk.

"WTF?"

"BABY? SERIOUSLY?"

"LEONIS!"

"DAVIS!"

Mabibingi ata ako nung sumigaw yung apat ehh. They are exaggerating tsk. At dahil ayoko ng maingay ay tiningnan ko si Zero at nag salita.

"Zero" na gets na agad nya yung gusto kong iparating kaya pumunta na sya sa upuan nya. Nagsipuntahan narin sa upuan nila yung mga unggoy dahil pumasok na si Ms. Selestine.

Evans Secret Where stories live. Discover now