CHAPTER 2: BROKEN GLASSES

821 29 9
                                    


NOTHING SPECIAL HAPPEN the whole week. Isa nga itong himala, isang linggo na pero wala pa ring ginagawa si Celine. Ano kayang balak niya? Sa ginawa ko sa kaniya, baka malaki ito.

I said it before, I'm saying it again. Goodbye peaceful high-school life.

Isang linggo na rin pero hindi ko pa nakikita yung babae. I know na malaki ang school namin pero napaka impossible na hindi ko siya makita. O possible 'yon? Bakit nga ba hinihintay ko siya? Tss.

I thought that my day will be peaceful, but I'm wrong.

"Look who's here! The useless nerd! How dare you do that to me?!?" nangangalaiting sabi ni Celine. Hinarang nila ang daraanan ko.

"Excuse me, dadaan ako." sinubukan ko ulit dumaan pero tinulak ako ng alipores niya.

"Sa tingin mo, hahayaan kita na mamuhay ng tahimik dahil sa ginawa? No! Never! Mag dudusa ka!" akmang sa sampalin niya ako kaya pumikit ako at inantay ang sampal niya. Pero ilang segundo na wala pa rin ay nag mulat ako ng mata.

Isang lalaki ang lumawak sa kamay ni Celine. Gulat silang na patingin sa lalaki at napanganga sila.

Kilala ba nila yung lalaki? Bakit hindi pamilyar?

"Who are you?!" tanong ni Celine at binawi ang kaniyang kamay.

"Hindi niyo na kailangan malaman. And why are you bullying this girl?" tanong ng lalaki kila Celine.

"Because that stupid girl, hurt my friend!" what?!?

"Ginawa ko lang naman yun kasi may sinasaktan kayong babae!" sambit ko. Sinisiraan nila ako!

Kalma self.

"Liar! Hindi naman kami na nanakit! Right, girls?" Saad ni Celine sabay tingin sa mga alipores niya.

"Oo nga!" pakikisang ayon ng mga clown niyang alipores. What the heck! So binabaligtad nila ako?

"I saw you, your about to slap her. I thought, hindi kayo na nanakit?"

"Kaya nga!" sabad ko naman.

"A-Ahm, kasi nga inaway niya yung friend ko!"

"So? Hindi pa rin naman tama na manakit ka just because she hurt your friend."

Hala ka jusko! Sinabi nang hindi ko sinaktan ang clown nitong kaibigan, ayaw maniwala?

"Hindi ko nga sinakta—"

"MISS! TABE! " napalingon naman ako sa likod ko. Isang lalaking tumatakbo ng mabilis. Hindi agad ako nakaiwas sa gulat.

Nabunggo niya ako kaya natumba ako at tumalsik ang salamin ko. May narinig akong nabasag kaya kinabahan ako. 'Wag naman sana!

Malabo man ang paningin ay pinilit kong tumayo. Agad kong kinapa ang salamin ko. pero hindi ko ito mahanap. Lord, 'wag naman sana huhu.

"A-Ahm, miss..." hindi ko alam kung ako na yung tinatawag pero lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko sila makita, sh't!

"Y-Yung salamin mo, ano.. kasi... N-Nabasag ko." saad ng lalaki. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Sorry, miss. Papalitan ko na lang. Sorry talaga." naramdaman kong hinawakan nung lalaki ang kamay ko. Agad ko naman itong binawi.

"P-Paki hatid mo na lang ako sa parking lot. Hindi ko kasi makita yung daan." sobrang init ng mukha ko, jusko nakakahiya.

"Sure. Sorry talaga miss. Tara na?"

"I'll come with you." yung lalaking kumasap kay Celine? Nandito pa pala siya?

"Ikaw bahala."

NANG NASA PARKING na kami ay wala pa ang sundo ko. Late ata si manong?

"Pwede na kayong umalis. Okay na ako dito." saad ko.

"Sasamahan kita hanggang sa dumating ang sundo mo. Ako ang nakabasag ng salamin mo, responsiblidad kita."

"Me too."

"Ano ngang pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Nikko. Nikko De Leon." so Nikko pala ang pangalan ng lalaking nakabasag sa salamin ko.

"Do I really have to tell you my name?" tanong ng lalaking nag ligtas sa 'kin kila Celine.

Tumango naman ako. Gusto ko lang malaman ang pangalan nila para makabawi ako sa kanila.

"Fine. I'm Shawn. Just Shawn."

"Thank yo—"

"Ma'am Rhoszelle!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Na kilala ko ang boses niya. Siya si manong Ramon, ang driver ko.

"Manong Ramon?"

"Ako nga ho, ma'am. Teka asan ang salamin niyo?" tanong nito sabay kuha ng mga gamit ko.

"A-Ahm, nabasag po eh. Buti nga po at tinulungan ako ng mga lalaking 'to." nakangiting saad ko.

"Talaga ho, ma' am? Maraming salamat kung ganun."

"Wala pong anuman. Pakihatid po siya ng maayos." rinig kong sabi ni Nikko. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Wait, nag smile ako?

"Manong, tara na ho." inalalayan na ako ni manong pasakay sa kotse. Agad itong humarurot paalis ng St. Vincent.

Pag ka rating sa bahay ay sinabihan ko si manong Ramon na kunin ang extra kong salamin sa kwarto ko. Tiwala naman ako sa kaniya.

Narinig ko ang muling pag bukas ng sasakyan pero hindi boses ni manong Ramon ang narinig ko.

"What happened to your glasses, baby?" boses 'yon ni mommy!

"N-Nabasag po eh." pilit naman akong ngumiti. Ang pinaka ayaw kasi ni mommy ay ang maka sira ng gamit. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kaniya na hindi ako ang nakasira nun kasi for sure hahanapin niya kung sino man ang bumasag sa salamin ko at pag babayarin ito.

Naalala ko tuloy ng kinder ako, sinira ng classmate ko yung pencil case ko kaya sinumbong ko siya kay mommy tapos si mommy nag pumunta sa school namin para lang pabayaran yung pencil case ko. Sabi kasi ni mommy, gamit ko daw 'yun, pera nila ang pinambili nun, kaya wala daw karapatan ang Ibang tao na sirain ang gamit ko, pag sinira nila, bayaran nila.

Bumuntong hininga pa si mommy bago nag salita, "Anong nangyari?"

God, forgive me. Ayoko lang talagang maulit yung nangyari noon, "Naapakan ko po nung biglang nahulog." kabadong sagot ko.

"We have rules, Rhoszelle. Pag may nasira ka, may parusa. You'll clean the whole second floor for a week. Hindi na rin sukat sa mata mo yung dati mong salamin, so for the mean time, ito munang contact lens ang gamitin mo. Next week pumunta ka kay doctor Arnold para sa bago mong salamin."

What?!?

A/N:

WHAT CAN YOU SAY? COMMENT GUYS!

I'LL UPDATE EVERY MONDAY. THIS IS AN EARLY UPDATE BACAUSE I'LL BE BUSY BUSY AND ON MONDAY. BIRTHDAY PO NG PAMANGKIN KO.






CAMPUS NERD TO CAMPUS PRINCESS Where stories live. Discover now