CHAPTER 1: HELPING HER

947 20 0
                                    

RHOSZELLE 'S POINT OF VIEW

HI I'M RHOSZELLE Anne Perez, 19 years old, 3rd year high-school. I'm a student at St. Vincent Academy. My parents are, Rose and Zhell Perez, and our business is quite popular.

We're selling different, high quality, school supplies. If you have our brand, then you're rich. It's kinda expensive but ang kalahati ng aming kita ay napupunta sa charities.

I'm their only daughter, you can say that I'm the heir. Though, they don't pressure me.

Kahit mayaman kami, both my mom and dad don't spoil me. Gusto sana ni daddy pero under siya ni mommy eh. Well, minsan, pag hindi alam ni mom, binibilhan niya ako ng mga libro na gusto ko. Gusto nga ni daddy na I make over ako pero ayaw ni mom. Sabi ni mom kapag gusto ko daw ng make over, sa kaniya ako lumapit hindi kay daddy. But I think that will never happen.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nag unat unat muna ako bago ko sinuot ang salamin ko. Nag tungo ako sa cr at nag hilamos. Nag toothbrush ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Right, another pimple. Hindi na ba sila mauubos?"

Paano sila mauubos kung puyat ako ng puyat?

I was preparing my things when someone knocked on the door.

"Pasok po."

"Good morning, baby. You forgot your pens on the couch last night." Inabot niya sa akin ang mga ballpen na naiwan ko kagabi kakamadali. Ayokong ma miss ang bagong episode ng Titan Academy.

"Morning, mom. Thank you."

"Baby today is your first day, right?"

"Yes mom, why?"

"8:00 am na baby, maligo ka na ha, then go downstairs. Kakain na tayo." then she kissed me on my cheek.

"Yes, mom."

Gaya ng sabi ni mommy, pag tapos kong maligo ay bumaba ako para kumain. I saw my dad there, reading a newspaper.

"Morning, dad. Kumain ka na?" lumapit ako sa kaniya para mag mano.

"Yes, dear. Your mom is waiting there. Better eat now or be scolded later." We both laugh. Alam namin pareho na pag hindi pa ako kumain ay mapapagalitan kaming dalawa.

Pag dating sa dinning room ay nakahanda na ang plato ko. Paniguradong si mommy ang nag hain nito. Minsan lang kasi sila nandito sa House, palagi silang nasa business trip. So, pag nandito sila, sinisuguro nila na ma alagaan nila ako.

Pag tapos kong kumain ay nag paalam na ako sa kanila. Nag pahatid ako sa driver namin dahil masyadong over protective sa akin si daddy. Bawal pa daw akong mag drive.

Pagdating ko sa school ay tinignan ko kung anong section ako. At gaya ng inaasahan, 3A ang section ko. Nag punta na ako sa room ko at kasunod kong dumating ang guro namin.

"Good morning, class. I'm Melvin Aragon. I will be your adviser." bati ni sir.

Si sir na lamang ang nag pakilala dahil kilala na namin ang isa't isa. Hindi naman kasi nag babago ang mga classmate ko.

Nang tumunog ang bell, senyales na break time na, agad nag silabasan ang classmates ko. Wala naman kasi akong friends sa school. Sino ba naman kasing gustong makipag kaibigan sa isang gaya kong nerd.

Walang nang a-away sa akin pero wala ring gustong makipag kaibigan. Ma's mabuti na rin 'yon.

Habang naglalakad may nakita akong babaeng pinag tutulungan ng mean girls. Group sila ng mga mean na babae. Binubully nila yung mga student na may nagawa sa kanila. I wonder, ano kayang ginawa nung babae?

"Ano ba! Bitiwan nyo nga ako!" sigaw ng babae.

"Pwede ba, manahimik ka!" sigaw ni Celine. Ang leader ng mean girls.

"Bitiwan nyo na ako please." Pag mamakaawa ng babae. Bago lang ba siya dito? Ngayon ko lang siya nakita.

"Hindi! Dilaan mo muna ang sapatos kung natapakan mo!" sigaw ulit ni Celine. Dahil lang dun?

"Hindi ko naman sinasadya. I'm sorry." naiiyak na saad ng babae.

"Aba't! Sinasadya man o hindi, didilaan mo pa rin!"

Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko na atang nakialam. Goodbye, peaceful high-school life.

"Hoy! bitiwan nyo siya!" sigaw ko sa kanila.

Napalingon naman sila sa akin.

"Kaibigan mo ba 'to?" tanong ni Celine. Napakunot ang nuo ko pero umiling na lang ako.

"Bakit nangingialam ka? Hindi mo naman pala kaibigan." Napairap na lang siya.

"Bago lang siya dito, tapos' yan ang bungad niyo?" lumapit ako sa kanila, "Bakit niyo nga ba siya binubully? Kasi natapakan yung sapatos mo? I bet nag sorry naman siya, hindi ba? Kung hindi naman, still, wala ka pa ring karapatan na padilaan ang sapatos mo. Who do you think you are?"

"I'm Celine Wilson, the Queen be—"

"Self-proclaimed Queen bee. That title doesn't exist in our school. Now, bitawad niyo na siya or pwersahan ko siyang kukunin sa inyo?"

"Akala mo naman kaya mo kami! Isang mahinang nerd ka lang naman!" sabi ng isa sa alipores ni Celine.

"Try me." simpleng saad ko. Ibinaba ko ang gamit ko.

Sana 'wag kaming mahuli.

"Dapat na ba kaming matakot? Hahahaha." isa pang alipores ni Celine.

"Hawakan niyo ng mabuti 'yang babae. Ako nang bahala dito sa nerd na 'to." lumapit sa akin si Celine. Humanda naman ako sa pag atake siya.

Na mention ko na ba na pinag aral ako ni dad ng mga martial arts? So I can protect myself.

Sinubukan niyang abutin ang buhok ko pero tinabig ko ang kamay niya at sinampal siya. Sa gulat niya ay hindi agad siya nakabawi kaya naman sinipa ko siya sa tiyan niya. Mabuti na lang at naka jeans ako, ma's madaling kumilos.

Napahiga si Celine at nahirapan bumangon.

"CELINE!" sigaw ng mga alipores niya. Binitawan nila yung babae at sabay na sumugod sa akin. Panay lang ang Iwas ko. Ngayon, nasa likod ko na ang isa, ang isa naman ay nasa harap. Sabay sana nila akong susuntukin ng bigla akong umupo, ending sila ang nag suntukan kaya pareho silang tulog.

Agad kong nilapitan ang babae. Tinulungan ko siyang tumayo.

"Okay ka lang miss?" Tanong ko sa babae.

"Yes, I'm fine. Thank you so much." sabi ng babae.

"Wala yun, tara na baka makabawi na sila." sabi ko sa kaniya. Kinuha ko ang gamit naming dalawa at tinulungan ko siyang mag lakad. Dinala ko siya sa clinic para ma check kung may sugat siya.

"Stay here. Babalikan kita after class." sabi ko sa kaniya. Tumingon lang siya sa akin.

May masakit kaya sa kaniya? Sabi naman ng nurse wala siyang sugat.

"Thank you so much. Akala ko talaga wala nang tutulong sa akin kanina. Sorry rin sa abala, kanina pa tapos yung break time nandito ka pa din. Late ka pa tuloy sa klase mo."

"Wala 'yon. Sige, una na 'ko." tumuloy na ako palabas. Late na talaga ako.

NANG matapos ang klase ko ay nag punta ako sa clinic pero wala na dun ang babae. Ang sabi ng nurse ay may sumundo daw ditong lalaki. Hinayaan ko na lamang siya.

A/N:
THIS IS THE REVISE VERSION HOPE YOU LIKE IT.

CAMPUS NERD TO CAMPUS PRINCESS Where stories live. Discover now