Martyr 1
Daine's POV
Maaga akong gumising dahil kailangan ko pang paghandaan ang asawa ko ng almusal. Tumayo naman ako sa kama namin at kita ko na natutulog pa siya marahil ay pagod kaya mahimbing ang tulog niya.
Lumapit naman ako sa gilid kung saan siya nakapwesto at marahang hinawi ang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda niyang mukha. Hindi ko maikakaila na lagi akong namamangha sa taglay niya kagwapuhan na talaga namang hinahabong ng mga babae. Mapa-teenage o may edad ay hindi pinapalampas ng kamandag niya.
Mula sa makapal na pilik mata niya, napahawak naman ako sa pilik mata ko. Maduga! ako yung babae eh pero bakit maikli yung akin. Yung ilong niya na matangos at sa labi niya na mapula. Best part of his face is his perfect curve lips.
Kaingit lang.
Sa ganitong pagkakataon ko lang siya napapagmasdan ng matagal. Sa limang buwan naming pagsasama malimit ko lang siya makatabi sa kama. Madalas kung kanikanino siyang condo natutuog kasama ang iba't-ibang babae o kung di naman nasa guest room ako kasi may ibang babae siyang kasama dito sa kwarto namin. Sanay naman na ako kaya din na bago yun pero kahit gaano ako kasanay hindi paring nagbabago ang epekto nito sa akin. Masakit. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa tuwing may kasiping siyang ibang babae lalo na kung harap-harapan silang naglaladian sa harap ko.
Pero tulad ng sabi niya, wala akong karapatan.
Wala akong karapatang masaktan dahil kung hindi sa katangahan ko hindi kami hahantong sa ganito.
Hindi sana ganto ang takbo ng buhay ko.
Hindi sana ako masasaktan ng ganito.
Hindi sana masisira ang pagkakaibigan namin.
Kung sana lang talaga pinigilan ko itong naraamdaman ko pero wala eh, nagpadaig ako sa nararamdaman ko kaya heto ako ngayon, kahit na galit at kinamumuhian niya ako, patuloy parin ako sa pagmamahal sa kanya.
Puro SANA, pero sabi nila 'nasa huli ang pagsisisi'. Oo siguro nga pero kalahati ng pagkatao ko ay masaya dahil mula pa naman noon pangarap ko na ang maikasal sa taong mahal ko at ang taong yun ay walang iba kung hindi ang lalaking asawa ko na ngayon, ang Bestfriend ko mula pa noon.
Tanga at Martyr daw ako dahil hangang ngayon nandito parin ako, sa piling g asawa ko kahit na sinasaktan niya ako.
BINABASA MO ANG
Love of a Martyr wife
RomanceSMITH STORY COLLECTION [UNEDITED] SMITH SERIES # 2 I love him.. but is it enough? -Daine Cortez-SMITH Until when will you stay for the one you love? Being his BEST FRIEND is enough and being his WIFE is sufficient but that fact made him hate me more...