Follow me on twitter @MsOneOfAKindWP :)
Martyr 2
Daine's POV
ISANG buwan nanaman ang matulin na lumipas ngunit ganun parin, walang pagbabago. Sinlamig parin ng gabi ang pakikitungo niya sa akin pero ganun pa manhindi pa rin ako susuko. Alam kong babalik din siya tulad ng dati, bago pa mangyari ang lahat ng ito. Kahit hindi niya ako mahalin basta maibalik ko siya sa dating Xion na mahal ko, okay na sa akin. Alam ko namang mahihirapan ako pero hindi ko siya susukuan.
"Hoy!! Tulaley ka nanaman, Bruhang to!! kanina pa me nagco-call center sayo pero tulaley kang bruha ka. Sisa lang ang peg!" masyadong akupado ang isip ko kaya hindi ko na pansin na nasa harap ko na pala si Liam.
"Liam--"
"Hep!! Hep!! It's LIAN not Liam, like so ewwy kaya!! Sisang to!! Kalbuhin kaya kiya dyan" napatawa na lang ako, ayaw niya kasi talaga na tinatawag ko siyang Liam, he's-err She's a girl daw kaya ganyan.
"Sorry naman, pero mas bagay talaga syo ang Liam--"
"Hoy!! Martry na kalahi ni Sisa!! baka gusto mong ikaw ang ipa-shot gun kay FatherEarth kong sundalo. Kaloka to!" Yeah, sundalo ang tatay niya kaya naman hindi siya masyadong lantad baka daw kasi makita ko na lang siyang palutang-lutang sa ilog pasig pagnagkataon.
"So kamustasa naman ang Mrs. Martyr 2015 " sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Aba!! Sisang to! Dukutin ko yang mata mo, wag mo akong i-sight ng ganyan baka ipa-shot gun kita kay FatherEarth sa luneta " natawa lang ako sa kanya pero tinaas lang ako ng kilay. Kahit kalian talaga tong baklang to.
*Sigh*
"Ay lalim!! Baka naman sa sorbang lalim niya hindi ka na maka-akyat ha, so ano nga. Kamusta ang buhay sa North Pole?" Tanong niya sabay hawi ng bangs niya-- Okay Imaginary bang lang pala.

BINABASA MO ANG
Love of a Martyr wife
RomanceSMITH STORY COLLECTION [UNEDITED] SMITH SERIES # 2 I love him.. but is it enough? -Daine Cortez-SMITH Until when will you stay for the one you love? Being his BEST FRIEND is enough and being his WIFE is sufficient but that fact made him hate me more...