C6

121 6 4
                                    

CHAPTER 6


"ILAN pusta mo?"

Napatingin lang si BM kay Esang at umiiling. Kasalukuyan akong nagtatali ng buhok at nag-aayos para mukhang presentable sa harap ni Winston. Gosh, nakakahiya. Gulo yung buhok, sobrang dungis ko pero salamat sa panyo ni Solitaire at naayos ang mukha ko at isa pa, ang dumi-dumi ng t-shirt ko. Nandito kami sa room at hinarang nila ako para kausapin. Nagmamadali akong magpalit ng tshirt sa likod ng mga bookshelf at habang nag-aayos tinanong nila ako kung bakit daw parang nagpapabloom ako. Sinabi ko sa kanila na pinapatawag ako ni Winston at ang nangyari sa pagitan ng SH building, Brian at naming dalawa.

Pero 'di sila naniniwala.

"Bakit ba kase 'di kayo naniniwala?! Totoo nga kase iyon!" paggigiitian ko sa kanila habang nagsusuklay. Ang hirap naman makaranas ng Himala. Kapag kinuwento mo na, 'di naman sila naniniwala.

"Malay mo naman talaga nagsasabi ng totoo si Pauline." Napatingin ako kay BM na nakapamulsa at nakikipag sukatan ng tingin kay Esang.

'Yan, tama 'yan. BM kampihan mo ako kase hindi ka magsisisi sa desisyon mo.

"Nababaliw ka na 'noh? Nasobrahan ka yata sa kakatakbo kanina sa field." Esang cross her arms and look at BM.

Umiwas na si BM ng tingin at saka tiningnan ako. "Pupusta ako na kapag nagsasabi s'ya ng totoo, ililibre mo kami ng burger sa biyernes sa Plaza. Balita ko kase maaga ang dismisal sa friday kase may meeting daw ang mga teachers."

"Ha! Kahit samahan ko pa yan ng coke." mayabang na saad ni Esang. "Pero sa oras na mali 'yang hula mo, kailangan mong gawin ang mga assignments ko for one week straight."

Aba, potangena. Ang yabang talaga. Napaka mapagsamantala talaga nitong si Esang jusko.

"Teka, Esang parang ang harsh naman yata n'yang kundisyon mo." pag-gigiit ko habang nagpupulbo.

Pinanliitan ako ni Esang ng mata. "Bakit? Natatakot ka ba?"

Umiiling ako. At bumalik naman s'ya sa dati.

"Ok lang Pau." saad ni BM. "As if naman tama hula n'ya."

Tiningnan s'ya ni Esang. Babarahin pa sana si Esang si BM pero nagsalita ang mokong para pigilan ang bunganga ni Esang. "Pa'no namin malalaman na totoo nga yung sinasabi mo? Alangan naman sumama kami sa'yo."

Tumayo ako saka tiningnan s'ya. "Tropa mo s'ya. I-chat mo s'ya mismo sa harapan ni Esang."

'Yun lang ang sinabi ko saka, bumaba na ng building.

PAGKAPUNTA ko sa Gym, busy ang lahat sa pagde-design ng stage. Actually, patapos na sila sa pagdedesign. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng gym at hinanap si Winston. Nagponytail lang naman ako at nagbango at nagpalit na mismo ako ng white shirt na gagamitin ko pa sana sa pag-awarding mamaya. Habang naglilibot ako ng tingin, may biglang lumapit sa akin na student council.

"Miss, may hinahanap ka po?"

Tinitigan ko s'ya. Napatingin ako sa ID badge n'ya. BUS. MANAGERS

Napatingin ako sa hawak n'yang box na may mga lamang design supplies and art materials, nginitian ko s'ya. "Pinapatawag ako ni Student Council Scribe." matipid kong saad.

Napanganga s'ya. "Ahhh! Ikaw yung binilin n'ya."

"Binilin? Bakit? Asan s'ya?" tanong ko.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon