C44

84 6 0
                                    

CHAPTER 44
FOUNDATION DAY


THIS IS IT PANSIT! Foundation day na at sa araw na ito, mag p-present na kami ng aming dance choreo na pinagtulungan ang section B at Section C.

Sa school namin, ang foundation day ang pinaka masayang school event dahil pinaghalong intramurals, team building at family day ang nangyayari kapag foundation day. Not literally 'family' included but we as a 'famly at hearts' here in school, there are several games na nangangailangan ng team work ng adviser at ng mga students. May mga nagkalat din na booths na maya-maya ay mag-oopen pagkatapos ng dance presentation. This is the moment that the Grade 7 to Senior High are competing again for awarding of the best 'family' of this year. Competetive ang lahat, walang gustong magpatalo. Kalakip din kase ng mga prizes na kung ano-ano ay ang grades at additional points.


Also, walang lesson.

Nakasoot na ako ng PE uniform habang nakaelastic cloth band na din sa noo ng dumating ako sa school. Dumiretso ako sa PubHouse dahil iyon ang sabi ng EIC namin sa GC kagabi.

Pagdating ko doon, nakaupo at pwesto na silang lahat sa mahabang table ng office katabi ng printer, at mga nakapatong na papel.

Malinis na naka pinned sa corck board ang timeline of event at mga competition. Sa tabi naman ng cork board ay isang arcylic trophy rack kung saan nakalagay ang mga napanalunan na RSCP ng school.

Umupo ako sa tabi ni Red na nag-aayos ng camera n'ya at nagpupunas ng lens.

"Sasayaw ka mamaya?" tanong ko.

Umiling naman s'ya. "Exemption card. Perks of being a photo journalist."

Inirapan ko lang s'ya sa pagmamayabang n'ya. Ako nga nahihiya na sumayaw dahil tinitingnan na ako ni Yosibeb tapos s'ya... exempted?!

"Ms. EIC, baka pwede naman paki exempt din ako sa pagsayaw sa foundation day."

Tiningnan ako ni EIC habang nagaayos ng papel. "Sabihin mo 'yan kay Adviser."

Pagkahawak n'ya sa papel ay muli s'yang tumingin sa akin. "Isa pa, hindi ka naman photo journalist tulad nila Red at Kate na kailangan humiga at lumiyad sa pagpi-picture. Balita ko pa naman may usapan kayo ng section n'yo tungkol sa grades at dito. Unfair na 'di ka sasayaw."

Bumusangot lang ako dahil wala na akong nagawa. Nginisihan lang ako ni Red habang pinunupasan ang Canon n'yang camera. Nung dumating ang adviser namin, nagsimula na ang meeting kaya naman nagsi-ayos kami ng upo.

Pagdating ko sa classroom, nakita ko lahat ng classmates ko na busy. Lahat sila nagchichismisan at tumatawa. Pumunta naman ako sa upuan ko para ilagay ang gamit ko saka binati na din si Ted bago iabot sa akin ang isang pares ng pompoms na napiling props namin. Ngumiti naman si Ted sa akin saka pumunta kila Daniel. Pinagmasdan ko kung paano s'ya mag-approach at makipag tawanan sa kanila.

Clarkson is now a new guy. Hindi na s'ya mahiyain. Hindi pa rin s'ya friendly pero, he's socializing na din.

Nabalik lang ako sa wisyo ng magbell na, hudyat na magsisimula na ang foundation day.

"GUYS ENJOY THE MOMENT. 'WAG NYO ISPIN NA PARA ITO SA GRADES, LAST YEAR NA NATIN SA JUNIOR HIGH AT GO GO GO NA LANG TAYO." sigaw ni Sarah na pinapalakas ang loob namin.

We all cheer up at nagsoot na sila ng mga pompoms na kamay. Sinuot ko naman ang sa akin saka sumama sa kanila sa pagbaba. Pagbaba namin sa ground, nahahati lang sa anim ang field. Lahat competitive at willing to get the best family of the year award.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon