Misha part 1

33 0 0
                                    

. . .

I'm misha.

27 years old.

Typical na tao.

Walang espesyal sa pagkatao ko.

Kundi ang pagkakaron ko daw ng super powers. Oo super powers daw pero hindi fantasy o mala supernaturals tong istorya ko. Mas lalong hindi ako hero dito.

Sabi nila. Kakaibang abilidad daw to.

Marami ang namamangha. Maraming umuusisa. Maraming hindi naniniwala.

Pero wala akong pakielam sakanila. Dahil para sakin hindi nakakatuwa ang magkaroon ng ganitong kundisyon.

Meron akong pambihirang kundisyon na tinatawag nilang HYPERTHYMESIA.

Hyperthymesia ang kundisyon kung saan. Naaalala ko lahat ng detalye ng kaganapan sa buhay ko. Alam kong sasabihin nyong normal lang naman to. Pero sa kundisyon ko naaalala ko ang bawat detalye sa panahon na kahit 10 years na ang nakalipas ay buong buo pa rin sa ala-ala ko ang nangyari sa araw na yon. Mula sa kung ano ang una kong ginawa pag gising ko, ano ang kinain ko ng dinner at lahat ng nararamdaman ko sa araw na yon ay naaalala ko din. Mahirap i-explain pero damang dama ko pa din ang lahat.

Madaming namamangha sapagkat napakatalas daw ng memorya ko. Pero hindi nila alam ano ba talaga ang pakiramdam ng taong hindi marunong kumalimot. . .

HyperthymesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon