Sunday morning sa Bringham Green Land Village.
Napakaganda ng umaga ngayon. Ang katamtamang init ng araw na nanggagaling sa bintana sa ulunan ng kama ko. At ang medyo malamig na simoy ng preskong hangin. Nararamdaman ko tuloy kung gano kaganda ang mundo at ang buhay.
Mula dito sa bintana ay nakikita ko ang kwarto ni Misha. Nakasarado lagi ang bintana nya dahil ayaw nya sa masyadong maliwanag. Pero tuwing umaga binubuksan ito ng nanay nya.
Wala na si misha sa kwarto nya. Napakaaga nyang gumising ngayong araw na to. Nakakapagtaka.
"Zymer!!! Anong oras na bumangon ka na dyan at kanina ka pa hinahantay ni Misha dito!" Sigaw ng nanay ko mula sa sala namin. Oo nga pala. May gagawin nga pala kaming paghahanda ngayon sa simbahan at naatasan ang mga kabataan na tumulong at kabilang kami dun ni Misha. Dadating daw kasi ang Papa mula pa sa bansang rome. Nakalimutan ko na naman.
"Opo nay! Bababa na po." Sagot ko. Nag mamadali akong mag sipilyo, maligo at magpalit ng damit dahil nakakahiya naman kay Misha kung mag hihintay pa sya ng matagal. Kaya pala ang ganda ng gising ko ngayon.