Chapter 1- The Flashback

15 4 0
                                    

Flashback.........

"Sigurado kana ba talaga sa gagawin natin?" Tanong sa akin ni Noah. "Oo,sigurado na ako. Hindi ko naman kasi mahal si Reigan. Amboring niyang tao." sagot ko kay Noah.

Totoo naman e amboring niyang tao puro na lang siya aral.

"Bakit hindi na lang kasi tayo?"may diing sabi ni Noah sa akin. Alam ko namang may gusto sa akin si Noah, gwapo, mabait, sweet, maalaga, mayaman, at higit sa lahat isa na sya sa ideal man na gusto ko.

"Alam kong may gusto ka sakin. Pero paano kung lokohin mo ko?" tanong ko sa kanya ngunit hindi ito nagulat ng bigla itong sumagot. "Then face the consequences. Alam kong gusto mo rin ako. Tayo nalang."saad ni Noah. "Oo sige na," sagot ko kay Noah.

Bigla akong niyakap ni Noah at kitang kita sa mukha nito ang saya. Sana hindi ko pagsisihan sa huli.

End of flashback.....

Nabalik sa reyalidad ang isipan ko ng humigpit ang kapit sa kamay ko ni Reigan.

"Kath, tinatanong kita!" pagalit na sigaw sa akin ni Reigan. I saw in his eyes how mad he is but there's a fear.

"Niloloko lang kita Reigan si Noah ang mahal ko. Dare lang ang lahat ng ito. Kinailangan kong gawin iyon dahil ayokong matanggal sa grupo na kinabibilangan ko. Oo, minahal kita pero palagi na lang bang aral? Amboring ng relasyon natin. Hindi mo ba nahahalata." sagot ko kay Reigan.

Kita ko sa mga mata niya ang nangingilid na mga luha. Anong gagawin ko ayokong makakita ng lalaking umiiyak. Kailangan kong gawin ito, kailangan kong maging matatag. Binuo ko 'tong desisyon na to kaya paninindigan ko.

"Ganon na lang kabilis yon?" Umiiyak na tanong sa akin ni Reigan. Lalong bumuhos ang luha ni Reigan. Argh! Ayaw ko ng ganito. Pero kailangan kong gawin. Mahal ko si Reigan pero takot ako na matanggal sa grupo na kinabibilangan ko. Anong gagawin ko?

"Sorry , Reigan pero buo na ang desisyon  ko. Oo niloko lang kita. Mahal ko si Noah. Sa kanya ako sumaya. I have rights to make my own decision. Please let me choose who make me happy. I love Noah." malungkot na sabi ko . Kailangan kong gawin to.

Inalis ko ang kamay ni Reigan at iniwan ko sya. Kinapitan ko ang kamay ni Noah at iginiya ko sya papasok sa condo ko. Habang papasok ako sa loob kasama si Noah, nilingon ko si Reigan. Nakita ko sa mga mata nito ang pagmamakaawa na siya ang piliin ko.

***
Nakalimutan ko ang nangyari sa amin ni Reigan. Pinasaya ako ni Noah. Tama ang desisyon ko. Noah can make me happy. He loves me. Nakatingin ako sa likod nitong maskulado habang gumagawa ng makakain. Swerte ko kay Noah.

10:00 am

Nagpaalam na si Noah sa akin na uuwi muna siya sa kanila. Inihatid ko siya hanggang labas ng aking condo. Kumaway siya at kumaway rin ako. Pumasok ako sa loob at isinarado ko ang pinto. Dumiretso ako sa banyo na nasa kwarto ko para maligo.

Natapos ako maligo at dumiretso sa walk in closet ko at nagbihis ng uniporme dahil may pasok pa ko mamaya. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba papuntang kusina. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpadeliever na lang ng pagkain.

Nang matapos akong kumain, inilagay ko lang ang pinagkainan ko sa lababo at lumabas sa condo ko. Sumakay ako sa aking mercedes-benz at pumasok sa pinapasukan kong University. Ni-park ko ang aking sasakyan at pumasok sa gate.

"Sorry, hindi kita nasundo." agad na sabi ni Noah ng makita niya ko. "It's okay Noah." maikling sagot ko sa kanya. Dumiretso ako papunta sa soccer field dahil nandun ang grupo ko. Kasama ko pa rin ang boyfriend ko na kahapon ko lang sinagot.

Agad kong nakita ang leader namin, Zoe Mikaela Sanchez. Lumapit ako at nakipagkamay. "Nagawa mo na, congrats." malamig na sabi sakin ni Zoe. Kahit masaya o malungkot, sadyang poker face lang palagi si Zoe.

"Ahm.. oo , kahapon lang. By the way, aalis na ko kasi may assignments pa akong gagawin." Saad ko habang nakangiti ng peke. Iniwan ko na sila at pumunta sa library. Umupo ako sa bakanteng lamesa.

"So, okay ka lang?" sabi ni Noah. Napatingin ako dito dahil akala ko naiwan ito dun. Ngumiti  lang ako at ibinalik ang tingin sa libro. Gumawa ako ng assignments. Natapos ko ito at tumayo ako. "Tara sa fast food. Gutom na ko." malambing na saad ko kay Noah. Tumango ito at inakbayan ako.

Umorder ito ng fries, sundae, rice with chicken tsaka coke. Dinala nya ito sa table namin at nagsimulang kumain. "Love, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." nagtatakang tanong ni Noah sakin. " Okay lang ako. Gutom lang. Kumain ka na dyan. Bahala ka, kukuhanin ko yan." nang aasar na sabi ko kay Noah.

Natapos kaming kumain at lumabas na kami. Sumakay ako sa sasakyan nya para makabalik sa university na pinapasukan namin. Magkahawak kamay kaming pumasok.

Natapos ang klase ko at nagpaalam ako kay Noah na mauuna ng umuwi. "Punta na lang ako sa condo mo mamaya. Magdadala nalang ako ng foods. Ingat sa pag uwi, love." sabi ni Noah habang nakayakap sakin. Hinalikan nya ko sa noo bago bumitaw. Umalis ako at lumabas ng gate papuntang parking lot.

Nakauwi na ko sa condo ko. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga hanggang sa makatulog ako. Nagising ako. Tiningnan ko ang oras. Shit! Alas otso na. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. May nakahain ng pagkain.

"Love, gising ka na pala. Pagdating ko e tulog ka. Gutom ka na ba? Naka uniporme ka pa. Halika, kain ka na. Niluto ko to para sayo." saad ni Noah. Shit naka topless ito, kitang kita ang laki ng katawan. Ngumiti ako at umupo.

"Thanks, Noah. For the foods. I like it. Masarap." sabi ko pero nakatingin pa rin ako sa katawan ni Noah. "Welcome as always love. I'm your boyfriend in the first place." nakangiting sabi nito.

Flashback...

"Babe, nakatulog ka. Dumating ako e tulog ka, ipinagluto kita ng paborito mong sinigang. Halika  na, kain na tayo. Alam kong gutom na ang baby ko e." Nanlalambing na sabi ni Reigan habang nakayakap sa likuran ko.

"Thanks babe, I'm so lucky to have you. I love you, Reigan." sabi ko sa kanya at humarap ako. He kiss me passionately. Niyakap nya ulet ako bago hinila ang upuan para makaupo ako.

Sinusubuan nya ko habang nagkekwentuhan kami. Nag aasaran, nagtatawanan at kung ano ano pa.

End of flasback....

Namimiss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Hindi ko siya nakita kanina sa University. Nasan kaya siya. Nagbalik ang isipan ko ng ramdam kong may yumuyogyog sakin. Napatingin ako kay Noah. His eyes are full of worries. "May sakit ka ba love? Kanina ka pa ganyan e," nag aalalang tanong ni Noah.

Hindi ko siya nasagot. Ngumiti na lang ako at yumakap sa kanya. Yumakap din siya pabalik. Hinalikan nya ko sa noo at dinala nya ko sa sofa. "Sige manuod ka muna ng tv. Baka pagod ka lang. Hugasan ko lang ang pinagkainan natin. Magpahinga ka lang." sabi ni Noah at hinalikan muli ako sa noo bago pumanhik papuntang kusina.

"I love you Reigan, I miss you. I'm  sorry."mangiyak-ngiyak na sabi ko sa sarili ko.

*

**

Sorry sa mga typographical errors at wrong grammars. Hope you enjoy reading this chapter. Then kindly visit my friends profile to read their chapter 1 story.

-loveaira❤️


Rays Of Karma (Isla Parola Series #4)Where stories live. Discover now