Pumasok ako sa University. Dumiretso ako ng room. Syempre wala akong buhay na naglakad papasok sa room. At dumiretso sa aking upuan. Maya maya lang ay dumating na ang aming professor. Nakinig ako sa aming professor.
At pagkatapos ng aming klase nagpunta ako sa room ni Reigan upang tingnan siya, ngunit wala akong Reigan na nakita. Agad akong nagtungo sa cafeteria upang tingnan kong nandon siya pero wala pa ding akong Reigan na nakita.
Tinapos ko ang buong klase ko maghapon. Sumakay ako sa kotse ko. Nagmaneho ako pauwi sa condo ko. Pumasok ako at dumiretso ako sa kwarto. Humiga ako. Nawawala ako sa sarili ko. Nag ring ang cellphone ko. 'Tumatawag si Reigan.'
"Hello? Reigan?" sabi ko pero pinatay rin agad. Tiningnan ko ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim. Unti unting tumulo ang luha ko. Tumayo ako para magbihis. Pupunta ako sa bar.
Sumakay ako ng kotse ko. I wear black backless dress na hanggang kalahati ng hita.Pumasok ako sa loob ng bar. Dumadagundong ang tugtog na ikinasayaw ko. Dumiretso ako sa counter. "Hey, can you give me one tequila?" Ngumiti ako sa bartender. Tumango ito at ginawan ako. Iniabot ng bartender ang tequila. Ininom ko ito ng diretso. Humingi muli ako.
Nang makalimang baso pa lang ako ng tequila, medyo nahilo at namumula na ako. Tumayo ako para pumunta sa dancefloor. Sumayaw ako at umindayog. May mga nakakasayaw akong lalaki.
Napagod ako sa pagsayaw. Umupo muli ako at tumagay ng tequila. Tumingin ako sa paligid. Naalala ko ang lahat. Ang una naming pagkakakilala. Namumuo na ang tubig sa aking mga mata.
Flashback....
Nasa bar ako dahil kailangan kong magsaya. Nanalo ako sa isang pageant. Pumasok ako sa bar. Tumagay ako ng tumagay hanggang sa mahilo ako. High tolerance ako sa alak kaya hindi ako madaling malasing. Tumayo ako para pumunta sa dancefloor. Kasama ko nuon ang mga kaibigan ko.
"Bow to our queen." sabi ni Loreine na umaksyon. Ginawa rin ng mga kasama namin ang sinabi nito. Tumawa lang ako at sumayaw. Habang hawak ko ang baso ng alak ay napatingin ako sa gawi ng lalaking matiim na nakatitig sakin. Nahahalina ako sa mala asul na mata nito na parang gusto ko ng bumigay.
Tumalikod ako para hindi ako madistract. Sumayaw ulit ako habang umiinom ng alak. May humawak sa beywang ko na ikinatigil ko. Isang lalaking may kulay tsolokateng mata ang sinasayaw ako. Humarap ako sa lalaki, ngunit napatitig ako sa lalaking nakaupo na ang mga asul na mata nito ay dumilim. Matalim mag titig nito sa akin na para akong kakainin.
Tumayo ito sa pagkakaupo. Lumapit ito sa akin. Nanigas ang katawan na hindi ko maigalaw ang dalawa kong paa para umatras. Hinigit niya ang braso ko para mailayo sa lalaki. Iniharap niya ako sa kanya. Tumitig ako sa kanya . Nagsmirk ito at mas lalong inilapit ang katawan ko sa katawan niya.
"I saw you again, honey. Now you're mine. Hindi na kita papakawalan pa. I am a Miller. Lahat ng gugustuhin ko ay nakukuha ko. Now honey, dance with me." Sabi nito na ikinalunok ko. Ang hot niya. Ang gwapo. Isang Miller siya? Sa kanila kaya yung Miller International Airlines? Kumapit ako sa dibdib nito. May naramdaman akong kuryente. Nanghihina ako.
"Wag mong pagpatasyahan ang katawan ko honey, because it all yours. You're mine, only mine." Sabi pa nito na ikinaiwas ko ng tingin. Paniguradong namumula na ko. Inaya niya kong umupo at tumango lang ako. Nakakapit pa rin siya sa beywang ko. Habang may kausap siya ay nagpaalam ako papuntang rest room.
Pagdating ko sa rest room ay naghilamos ako. Nawala ang pagkalasing ko ng dahil sa tagpong iyon. Nakakapanghina ng matress ang lalaking yun. Inayos ko ang mukha ko. Akmang lalabas ako ng makita ko si Loreine. Hinila niya ko sa dancefloor. Tinawag ang kaibigan niyang si Marco.
"Marco, so this is Ashley." Sabi ni Loreine na tumingin sakin. "Ashley, this is Marco." Ngumiti ako at nakipagshakehands ako. Hinalikan ako nito sa likod ng aking kamay. Nagulat ako ng may humila sakin. Kitang kita ko ang matalim nitong titig sa akin at kay Marco. Agad niya kong hinila palabas ng bar. Madilim ang aura nito. Paglabas ay dinala niya ko sa parking lot. Isinandal niya ko sa sasakyan. "You're mine honey, only mine. Pero bakit pumapayag ka pa ring makipagkilala sa iba?" Sabi nito. Kita ko sa kanya ang lungkot.
"Pero ngayon pa lang tayo nagkakilala grabe mo na ko angkinin." paliwanag ko sa kanya. Umamo ang mukha niya. "Gusto mo ba na ligawan kita araw araw? Para lang makamit ko yung oo mo?" tanong nito. Tumango lang ako. Niyakap at hinalikan niya ko sa ulo. "Simula ngayon , liligawan na Kita." humarap ito sakin at ngumiti.
Hinatid niya ko sa condo ko. Araw araw ganun ang set up. Dati ay taga UP Diliman siya ngayon ay lumipat sa La Salle para makasama ako. Katulad ng sinabi niya ay araw araw niya kong niligawan hanggang sumapit na sumali ako sa BDG (Black Diamond Group). Ginamit nila ako. Sinaktan ko ang taong minahal ko. Pero sinaktan nila ako.
End of flashback....
Humigpit ang kapit ko sa baso. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako lalo na sa ginawa ko. Uminom ako ng alak. Naubos ko ang nasa baso ko. Nagsalin muli ako at ininom ko muli.
"Ash." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang lalaking nanakit sakin. Walang emosyon akong tumingin sa kanya. Uminom muli ako at nagsalin bago nagsalita. "Anong kailangan mo?"sabi ko kay Noah na ngayon ay may malungkot na mukha.
"Ash. I'm sorry." Sabi niya sakin pero hindi ko pinansin. Tumayo ako at naglakad palabas. Ramdam kong umiikot na ang paligid ko. Hindi ko pinansin ang tumatawag sakin.
"Ihahatid na kita Ash." aya nito. Tumingin ako sa kanya. Humalakhak ako. "Ihahatid mo ko? Concern ka? Puta ka! P*tang*na mo. Sinaktan mo ko tapos ipaparamdam mong concern ka? Ng dahil sainyo nawala yung taong Mahal ko. Tangina! Nagsisisi ako na nakilala ko kayo. Na sumali ako sa walang kwentang grupo nyo. Concern ka Noah? P*tang*na, sa totoo lang gusto ko ng mawala dahil sa ginawa ko kay Rays e. So nakarma ako! Mga p*tang*na nyo!" Sigaw ko habang umiiyak. Yumuko si Noah, kita kong umiiyak rin ito.
"Don't cry bitch! Walang kwenta rin ang pagluha mo. Ayaw na kitang makita pa, you son of motherfucker!" Sabi ko at sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko ito at umalis.
Itinabi ko ang sasakyan ko. Umiyak ako ng umiyak. Hinampas ko ang manobela. Sobra akong nasasaktan. Kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Reigan. Gusto ko siyang makausap. Ngunit cannot be reach na. Inilapag ko ang cellphone ko at umiyak muli.
Pinunasan ko ang luha ko. Kahit maging desperada ako. Kailangan kong makausap at maibalik sakin si Reigan. Dumiretso ako sa bahay nila. Bumaba ako ng sasakyan. Nagdoorbell ako. Lumabas ang mama niya.
"Anong kailangan mo?" bungad nito na halata ang galit. Alam kong alam na nila kaya ganito na siya tratuhin. "Gusto ko pong makausap si Reigan." Sabi ko habang umiiyak. Gagawin ko to para maayos ko pa. 'Sana maayos ko pa.'
"Wala siya umalis. At wag ka ng pupunta dito!" Tumalikod ito at isinara ang gate. Umiyak ako ng umiyak.
Nakita ko ang sarili ko sa kwarto ko. Nakaupo ako habang yakap ang mga tuhod ko. Pinagsisihan ko lahat.
"Hope we see each other again honey." at muling bumuhos ang luha ko.
****
Hi guys. Sorry late update. Nawalan kasi ng oras si author e. HAHAHA. Hope you enjoy reading my story. Sorry for typographical errors and wrong grammars. Kindly check my friends profile and follow them. Don't forget to support their story. Thank you. Mwuah💋
-loveaira♥️
YOU ARE READING
Rays Of Karma (Isla Parola Series #4)
Novela JuvenilKathryn Ashley Dela Torre is one hell of a cheater who always wouldn't want it to be caught. Cheating is not a big deal nor weights on her shoulder. Pero lahat ng kasamaan ay napupuksa. Lahat ng ginagawa ay bumabalik.But who would believe na ang kan...