Chapter 7. Captured

2 1 0
                                    

Tanghali na ko nagising. Tumunog ang alarm clock ko.

7:45 am

"Shit, tanghali na." Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin at inayos ko ang sarili ko.

Nagtingin ako ng masusuot ko sa closet. Napili ko ang croptop at jogging pants na gray. I wore earrings and necklace.

Tiningnan ko muli ang sarili ko. Then nagsimula akong tirintasan ang aking buhok. Tumingin muli ako sa salamin at lumabas ng dorm. Dala ko pa rin ang camera ko.

Nakita ko si Ace na lumabas sa dorm niya. Tinawag ko siya.

"Ace." Sigaw ko. Lumingon naman ito. Tumakbo ako at ngumiti.

"Papunta kang library?" tanong ko at tumango naman siya. Naglakad kami pareho papuntang library. Naglagay siya ng earphone.

Nakarating kami sa library. Umupo siya at binuklat ang libro ng business administration. Kinuha ko ang camera ko at pinicturan ko siya.

Tiningnan ko ang kuha ko. Nakatingin siya sa camera. Tumingin ako sa kanya. He was staring at me. Ngumiti ako.

"Can you erase it? I don't like it. Taking a pictures of others without their permission? Tss . I can sue you." sabi nito. Tumayo ako lumapit sa kanya.

"Sue agad. Ang ganda kaya ng kuha ko. " paliwanag ko. He just rolled his eyes at muling tumutok sa libro.

Tumayo ako at naglakad para kumuha ng libro when I accidentally bumped a girl. Nahulog ang gamit nito. Tinulungan ko siya na limutin ang nahulog niyang gamit.

"I'm so sorry." agad kong paghingi ng tawad. Ngumiti siya sakin.

"Okay lang. Sorry din." sabi nito.  Tinaas ko ang kamay ko para makipagkamay.

"I'm Kathryn Ashley." sabi ko pero agad niyang sinabi, "Alam ko. Fan mo ko e. Ang galing mong kumuha ng mga pictures. Nakafollow ako sa Instagram at Twitter mo." nakipagkamay din siya.

"I'm sorry ulet ha. So mukhang mahilig kang magbasa ah." Sabi ko. Tumango naman siya. Kumuha ako ng libro at tinabihan siya.

"Anong kinuha mong course?" Tanong ko. Tumingin siya sakin bago nagsalita.

"Architecture. Ikaw?" balik na tanong niya.

"Tourism. I wanna be a flight attendant." sabi ko at napatango tango siya. Nagbasa kami ng libro. Tumingin ako kay ace. He was busy reading his books.

"Kilala mo ba yun?" tanong ko sa babaeng kaharap ko.

Tumingin naman siya sa lalaking tinuro ko. Tumango siya. Tumingin muli siya sakin.

"Si Ace. He's snober. Ni hindi mo yan mapangiti. Katulad ko rin siya na mahilig sa libro. Pero ang galing nga niya e, may music siyang napapakinggan pero hindi manlang nagugulo ang pagbabasa niya." Paliwanag nito sakin at tumingin muli ako kay Ace.

"Sobrang misteryoso niya." sabi ko at tumango naman ang babaeng kaharap ko. Muli akong bumaling sa pagbabasa.

"Oo nga pala, ako si Miles." sabi nito at muling nagbasa. Kinuha ko ang camera ko at pinicturan ko siya. Nagulat siya.

"Wag kang mag alala, kumukuha ako ng pictures para may memories naman tayo. Maganda yung kuha ko." paliwanag ko at tumango lang siya.

Ng matapos na ang session namin sa library ay agad kaming nagligpit ng gamit.   "Mamayang gabi, labas ka. Ipakikilala kita sa bestfriend ko." sabi ni Miles at tumango ako. Ngumiti siya at umalis.

Bumaling naman ako kay Ace. He closed his books. Tumayo ito at naglakad palabas.  Pero nakasalubong nito si Reigan at yung lalaking nagbigay ng bulaklak kagabi. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rays Of Karma (Isla Parola Series #4)Where stories live. Discover now