2

3 0 0
                                    


Bwisit yung lalaking yun ilang beses na niya akong nababangga wala ba siyang alam gawin kung hindi banggain ako tapos sasabihin sa akin ako may kasalanan. Di pamo siya marunong mag-sorry. Masyadong makapal ang mukha niya ang sarap kiskisin hanggang sa numipis. Pagdating ko sa parking nakita ko agad si kuya logan na nakangiti na sa akin yayakap sana kaso kumunot agad ang kanyang mga kilay na nakatingin sa akin.




"Hey babygirl bat ang dumi mo? Saan ka galing nakarating kaba sa manufacturer ng mga kape? Kala ko sa coffee shop ka galing? Natatawa siyang nakatingin sa akin. Inirapan ko lang siya akala ko pa naman dahil kumunot ang noo niya concern sa akin. Yun pala mang aasar lang.




"May walanghiya kasing lalaking nakatapon ng kape sa damit ko." Tumataas talaga ang presyon ko sa lalaking yun.



"Aww ang babygirl namin clumsy pa din hanggang ngayon." Nangunot na ang noo sa mga sinasabi nitong lalaking to.




"Di ko kasalanan yun di niya ginagamit yung mata niya sa pagtingin, paninilip lang ata ang alam niyang gawin katulad ng ginagawa mo" Biglang tumawa ng malakas ai kuya kaya lalo akong nairita sa kaniya.




"Babygirl di ako ganun ott alam mo namang matino ako diba. Dapat kay Kuya Morgan mo sinasabi yan at di sa akin" Naiiling pa ito parang dismayado sa sinabi ko. Sakanilang dalawa si kuya morgan talaga matino. Pumifeeling na naman tong babaero kong kuya. Dapat silang dalawa nalang ni denise mas bagay sila. Parehas na maloko at di makuntento. Maglokohan sila hanggang gusto nila.



Nalabuntong hininga nalang ako at inirapan siya.



"Di mo na ba love si kuya babygirl? Mas love mo na ba si kuya morgan sa akin? Pinagpapalit mo na ako sakaniya? Babygirl nisasaktan mo ako. Sabihin mong mas love mo ko diba! Diba! Babygirl"



Ayan na naman siya sa pagbabytalk niya sa akin. May pagsimangot pa siyang nalalaman . Minsan di ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kanilang dalawa ni kuya morgan. Di ko alam feeling ko ako nalang talaga matino sa aming tatlo. May pagkaabnormal kasi silang dalawang. Mahilig silang magpabebe at babytalk sa akin. Kahit si kuya morgan na mukhang cold na cold at may chance na gumawa ng karahasan dahil sa mukha niya. Di mo aakalaing sa dalawang to na may ganito silang side. Bruskong brusko pa naman at gwapo tapos ganun. Di mo maiimagine na ganun sila. Pero kahit ganun mahal na mahal ko tong dalawang to. Sapat na sila para sa akin.




Sino ba namang hindi makukuntento sa dalawang to. Gwapo na nga suportado pa ako sa lahat ng ginagawa ko mapatiktok man o ano. We are really close to each other. Open ako sakanila kahit sabihing lalaki pa sila. Si kuya logan siya yung kunsintidor sa kanilang dalawa tatawanan niya lang ang kalokohan ko. Si kuya morgan medyo strict siya kasi siya yung nagpapaliwanag sa akin ng mga bagay bagay. Sila yung tipo ng kuya na pakikinggan muna nila yung side ko. Pakikinggan nila ako without judgement. Kaya nga di ako natatakot na sabihin lahat ng bagay na nangyayari sa aking buhay.



May tinatawag kaming babygirl's day. Sa araw na iyon walang gadgets. Bonding session, kwentuhan o ano.


"Babygirl bihis kana sa loob may t-shirt ako dun. Dali na baka malate pa tayo" napabalik ako sa kasalukuyan ng magsalita si kuya logan. Ang layo na pala ng narating ng utak ko"



"Kuya iloveyousomuch. You are one of the best kuya in the world. So lucky to have you both. Wag ka nang tampo kay babygirl lab lab ka ni babygirl sobra pa sa sobra" natawa naman siya sa sinabi ko. Sabay halik sa may ulo ko. Napangiti nalang ako sa hilig nilang gawin sa akin. Sure akong di na magtatampo yan dahil sa sinabi ko. Pagkatapos nun sinunod ko na sinabi niya.



"Kuya saan tayo pupunta bat pala ang aga mo akong sinundo?"



"Walang tao sa bahay babygirl. Wala sila mami and dadi kasi may aasikasuhin daw bukas pa ang uwi nila kaya sinundo na kita"


"Si kuya morgan ba?"


"Nauna na si kuya morgan mo dun, kasali kasi kami sa liga so may meeting ngayon kaya dun tayo pupunta sa bahay nung team mates namin"



Pagbaba namin hinanap agad ng mata ko si kuya morgan pero biglang kumulo ang dugo ko nung nakita ko na naman yung lalaking nakatapon ng kape sa akin. Katabi niya si kuya morgan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at baka bumuga ako bigla ng apoy dito. Ayokong mapahiya ang dami pamong mga tao yung iba may kasamang mga girlfriend.




"Tara na babygirl dun tayo kari kuya morgan" Napanguso nalang ako. Ayoko pang pumunta dun nandun yung lalaking di marunong magsorry kaso wala akong magagawa hawak na ni kuya yung siko ko at ginigiya na niya ako.



Napatingin naman yung iba sa amin. Nakakahiya shete ayoko talaga ng atensiyon.


"Hey babygirl" bati sa akin ni kuya morgan. Sabay tayo niya at halik sa sintido ko.



"Upo ka na muna dito" ayokong umupo dun nandun yung walanghiyang lalaki. Ayoko siyang katabi baka kung ano pang magawa ko sa kanya lalo na naiirita sa mukha niyang ngising ngisi na parang pinagtatawanan yung tawag sa akin ni kuya morgan.


"Wag niyo ngang titigan babygirl namin. Alam kong maganda siya okay Wala ng bago dun dahil magagandang lalaki din kami! Wag kayong pahalata masyado mga tado kayo! Nandito kaming dalawa ni morgan mahiya kayo sa mga balat niyo!" Nagkakalat na naman si kuya logan. May pahabol pa siyang "Hanggang tingin lang kayo ott walang titigan mga walanghiya!" Natawa naman lahat sa sinabi niya. Napailing nalang din si kuya morgan sa kanya. Di ko talaga alam trip ng lalaking to.



Napatingin ako sa lalaking nakaupo, nakangisi siya habang nakataas ang kilay. Kumunot lang ang noo ko at siya naman ay parang nagtataka sabay pasada ng tingin sa kabuuan ko sabay umiling iling.

Until Our Path Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon