June 2015
Ytian's POV
8am na tingin ko sa relo's ko na kakarating ko lang sa tapat ng Libacao National Highschool , habang pina park ko ang motor ko pinag masdan ko ang paaralan na ito na dito nag aral mga tropa ko at ako lang ang nahiwalay sakanila dahil sa ibang school ako nag aral noong highschool pa ako sa kagustohan ng parents ko.
*Brzkkk brzzkk*
*We are electric tenenennnenn We are electric* ( Wodota music)
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko dahil may tumatawag.
"Tss Oh asan kana anong oras na." sabi ko kaagad sa pinsan kong si Zhans.
"1st day na 1st day sa Summer Job late na agad." anas ko.
"Chill Yang! Aga aga badmood na agad malapit na dami estudyante ngayon , mag antay ka sanay ka naman mag antay diba?." dinig kong tawa nya sa kabilang linya.
"Ulul! bilisan mo na jan dito ako sa gate mag aantay!." asik ko.
Pagkatapos non ay pinatay ko na agad ang cellphone ko at nilagay agad yon sa bulsa ko.
Ilang minuto akong umupo sa motor ko habang pinag mamasdan ang paaralan na ito at mga estudyanteng pumapasok.
"Yang.!" dinig kong sigaw ng pinsan kong kararating lang.
"O bat di ka nag motor?." tanong ko sakanya.
"Nag lakad lang ako malapit lang sa bahay natin e ikaw tong maarte nag motor kapa e ang lapit lapit lang!." wika niya.
"Tss daldal tara na pasok na tayo!." asik ko.
Habang papasok kami sa school na ito madaming nakakakilala saamin dahil dito nag aral si Zhans ako naman palagi ako dito pumupunta pag katapos ng klase ko, bati dito bati doon ng mga nakakasalubong namin kahit mga teachers pa ito.
Pumunta kami sa principal's office kay Sir Retolado para mag pasa ng papers kasi nga summerjob namin 1 week lang kami dito for final task namin at dito kami na assign.
"Goodmorning Sir!." bati ni Zhans.
"Oh kayo pala Mr.Colas Mr.Sebastian nag sabi na si Madam Ruiz na dito daw kayo ma assign ng 1 week." masayang wika saamin.
"Yes sir!." anas ko.
"Wala naman kayong gagawin actually tapos naman lahat mag attendance nalang kayo sa boung 1 week nayan at okay na kayo." pahabol niyang sabi saamin.
"AHAHAHAHAHA nice!." biglang tawa ni Zhans.
"San tayo ngayon?." anas ko.
'Tara don kay Mama sa classroom nya may chix don mga estudyante niya mga kilala din natin syempre taga dito naman tayo eh." ani Zhans.
YOU ARE READING
Worth The Wait? (On-Going)
General FictionPain ? Hatred ? Sacrifice ? Selfish ? Selfless ? Love ? I'm not sure if you and i will be together again knowing we are miles and miles away from each other. It's worth the wait or not? Will see.