From: Louisse
Wag kana pumunta Irence andito si Tita kasama ko baka magalit yon saakin ayaw non na may kasama akong lalaki.
From: Louisse
Sorry nga pala kanina, sabi ko naman kasi sayo na wag kana pumunta eh ayan tuloy pareho tayo napagalitan.
Habang binabasa ko ang text niya sa akin ay na guilty ako bigla, kaya naman napag pasyahan kong replyan agad siya.
To: Louisse
Louisse pasensya na kanina, hindi ko binasa ang reply mo saakin after kong na send ang sinabing pupuntahan kita jan , napagalitan kapa tuloy sorry talaga.
Pag katapos kong ma send ay nanoud nalang ako ng TV at nakatanggap naman agad ako ng reply mula sakanya.From: Louisse
Okay lang yon sanay naman ako eh, ganon lang si Tita protective masyado, no worries.
Agad naman akong napangiti sa reply niyang yon.
"Ang bait talaga niya." anas ko.
"Ayain ko kaya gumala mamayang hapon to?." kamot kamot sa ulo ko habang pinag iisipan ang pag aaya ko sakanya.
"Pano kaya pag ayaw niya edi pahiya ako." kontra ko sa sarili ko.
"Wala pa nga eh ayaw agad di pa nga inaya eh." pangungumbinsi ko nanaman sa sarili ko.
Nagiging siraulo nanaman ako , pinokpok ko ang ulo ko dahil kina kausap ko nanaman ang sarili ko panay kontra palagi sa anuman ang balak ko.
"Bahala na aayain ko nalang total 7pm pa naman alis namin ni Zhans mamaya sa Kalibo." saad ko.
Tiningnan ko ang relo's ko at 1pm palang, Napagpasyahan ko nalang na wag na mag lunch para mamaya mag memeryenda nalang kaming dalawa ni Louisse kong papayag siyang gumala kaming dalawa.
"Replyan ko na nga, sana pumayag." pangungumbisi ko sa sarili ko.
To: Louisse
Ah eh Louisse pwede kaba mamayang 4pm aayain sana kitang kumain sa Siomai House at gumala, okay lang ba?
Pag ka send ko ay bigla akong kinabahan dahil baka di siya pumayag or kong pumayag man ay baka mahiya at matahimik lang ako mamaya pag magkasama na kami.
Agad naman siyang nag reply at dali dali ko naman iyong binasa.
From: Louisse
Pwede naman, may dadalhin naman akong uniform sa patahian mag papadagdag ako ng uniform ko, after non magkita nalang tayo don sa Siomai House.
Pag kabasa ko ng reply niya ay natuwa agad ako "Yes ! makakasama ko siya mamaya Whoooooo!." sigaw ko sa kwarto ko habang tuma taklob sa kumot ko.
Nang maka recover na ako sa tuwa ay nag reply na ako.
To: Louisse
Sige sige, text ka nalang kong pa punta kana 4pm ahh? , Mag momotor nalang ako don nalang kita aantayin sa Siomai House. Thank you.
YOU ARE READING
Worth The Wait? (On-Going)
General FictionPain ? Hatred ? Sacrifice ? Selfish ? Selfless ? Love ? I'm not sure if you and i will be together again knowing we are miles and miles away from each other. It's worth the wait or not? Will see.